Nanalo ako, hindi ako naubusan ng pasensya sa kanila at ngayon ay sini- celebrate namin yun dito sa grand ball.
Alam kong hindi alam ng mga tao kung anong tinutukoy ni Daemon at mas pipiliin namin na kami kami nalang ang nakaka alam.Nang mapagod na ang mga tao sa party lights at party songs, ay nag dim ang mga ilaw at saka tumugtog ang sweet music.
Merong spot light sa gitna at tinawag ang pangalan ko at ni Bryon."Anong meron? "
Napatanong ako kay Bryon habang nakatayo kami sa gilid.
Pero hindi ko narinig na sinagot ako ni Bryon. Isang spot light ang tumapat sa amin at nakita kong nakalahad ang kamay ni Bryon para aking hawakan."Hindi ka naman siguro nananapak ng paa?"
Natawa ako sa sinabi nya.
Magaling ako sa pagkakamali Bryon. Pero malay mo tsumamba at hindi ko matapakan ang paa mo.Dinala nya ako sa gitna at nakalibot ang mga tao para manuod.
"Bakit hindi pa sila sumasayaw?"
Lahat ay para bang kumikinang ang mata habang sumasayaw kami at nakatutok ang spotlight sa amin.
"Kilala tayo bilang mataas na mga istudyante. Kaya kaylangan tayo ang maunang sumayaw bago sila. Tradisyon yun dito sa Reachest."
Mataas na estudyante? Para akong naging instant princess dahil sa sinabi ni Bryon sakin.
Sandali lang kami sumayaw at sumunod si Jaythan, Bryon at Zac."Naiinis ako."
Sabi ni Zac habang nag sasayaw kami.
"Bakit naman?"
Kaylangan ko pa ba itanong? Alam ko namang naiinis sya dahil hindi nya maisayaw agad ang mga babae dahil sa tradisyon na ito ng reachest.
"Nalala mo naman siguro ang sinabi ko sa'yo na wag kang mag papakita sakin diba? Hindi ko alam may deal pala kayo, at nanalo ka. Kaya kahit gusto kitang halikan ngayon ay hindi ko magawa."
Sabi nya ng nakapout. Natawa lang ako sa sinabi nya, panay ang iwas ko dahil narin sa sinabi nyang yun. Pero ngayon parang sya pa ang dapat umiwas dahil sa deal.
Sumunod na nag sayaw sakin ay si Alexus.
"Oy Lalaki, nanalo 'ko."
Pilit ko syang inaasar at kita sa mukha nya ang pagkainis nya.
"Ano naman kung nanalo ka. Nag ttrabaho ka parin samin, kasama sa trabaho mo ang pahirapan. "
Pwede ba? dapat out of topic na pagdating dun ah.
Kaya ko naman sila pag silbihan nang hindi nila ako pinag ttripan."May sasabihin ako sa'yo."
Nakangiti kong sabi sa kanya na tinignan lang ako habang nag sasayaw kami sa harap.
"Salamat ha. Kasi sinasama mo ko sa shelter tapos pinapakita mo sakin yung mga ganung bagay."
"Anong bagay? "
Oo nga naman Riley. Anong bagay yung sinasabi mo?
"Yung ano, yung kung paano umiikot ang mundo mo."
Tama, gusto ko pasalamatan sya, silang lahat. Hindi naging boring ang buhay ko sa mansion dahil sa kakulitan at araw araw na pag sama sa kanila.
Kahit hindi sila disiplinadong gaya ng una kong inasahan noon, ay masaya naman silang kasama."P.A kita pag tayo ang mag kasama. Ayokong sayangin ang pera ni mommy para sa pag tunganga mo kaya ginagawa ko yun."
Tugon nya sakin.
Sige na, P.A na kung P.A basta kasama ako.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...