Ikaw na naman
Sa aking alaala
Tuwina'y natutulala
Kakaisip kung sino ka nga ba
Ang nakaraan ay nalimutan
Nalimutan ng di sinasadya
Nawala lahat ng alaala
Ngunit patuloy na nabubuhay
Nagbubuhay upang mahanap ang sagot
Sino ka nga ba?
Biglang pumapasok sa isip ang iyong imahe
Na kung tutuusin ay magugustuhan ko
Tipo ng lalaki na magugustuhan ng lahat
Ngunit pag ako'y tumitingin sa iyong mukha ay biglang lumalabo
Sumasakit ang ulo
Tila pinupukpok at pinipirapiraso
Sino ka nga ba?
Hanggang ngayo'y di pa rin masagot
Sino ka bang talaga?
Ano ba ang meron sayo at pilit mong inookupa ang utak ko?
Sino ka ba?
-Micky 😊