Gumawa po ako ng one shot story na may title na If this was a Movie. Try it po. Thanks.
Chapter Twelve
Linagok ko ang natitirang orange juice sa aking baso saka kinain ang huling subo ko ng lasagna. Sa sobrang inip ko sa kakahintay na matapos ang kalandian ni Frost ay nagutom na ako. Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong nakalabas ako ng ospital at ngayon nga ay balik na ako sa pagbabantay sa kanya.
At sa makalapas na dalawang linggong iyon ay hindi man lang siya nag-abalang kamustahin ako. Hindi na nga siya bumalik pagkatapos akong halikan sa noo. At ang matindi pa ngayon ay hindi niya ako kinakausap. Kung kakausapin niya naman ako ay kung talagang kailangan lang. Siya pa talaga ang may ganang mag-inarte pagkatapos ng lahat ng kasalanan na ginawa niya sa akin.
Sabagay, kung ayaw niya akong kausapin ay hindi ko na dapat prinoproblema iyon. Magagawa ko pa rin naman ang misyon ko kahit hindi ko siya kinakausap.
Huminga na lamang ako ng malalim at isinantabi ang inis na namumuo sa aking sistema. Nasa isa kaming mamahaling restuarant ngayon. Dalawang table ang layo ko kay Frost at sa kanyang babae. Simula yata kaninang umaga ay tatlong iba't-ibang babae ang kanyang kasama.
Agad kong inayos ang aking sarili noong tumayo na sila. Hinintay ko muna silang makalabas bago sumunod sa kanila patungong parking lot. Napairap na lamang ako sa kawalan noong makitang naghahalikan ang mga ito sa gilid ng kotse ni Frost. Hindi na sila nahiya at mukhang dito sa parking lot pa nila balak gumawa ng himala.
Sumakay sila sa kotse habang patuloy pa rin sa paghahalikan. Pumasok na rin ako sa aking kotse dahil baka mahiya sila ng kaonti at maisipan nilang imbes na rito sa parking lot na isang pampublikong lugar ay mag-h-hotel na lamang ang mga ito. Ngunit anim na minuto na ang lumipas at hindi pa rin umaandar ang kotse. Napailing na lang ako. Mukhang hindi na nakatiis ang mga ito at talagang sa kotse na lamang nila gagawin.
Hanep rin ang lalaking ito. May banta na nga sa kanyang buhay nagagawa pang mambabae. Mamaya ay isa pa sa kanyang mga babae ay kalaban pala.
Anong oras naman kaya sila matatapos? Naagaw ng pagtunog ng aking cellphone ang aking atensyon. Kunot noong kinuha ko ito sa aking bag na nasa likod ng aking sasakyan.
"Hello" bungad ko.
"Yuri, kasama mo ba si Sir Frost?" tumaas ang kilay ko sa tanong ng kabilang linya.
"Oo" maikling sagot ko.
"Pinapapunta kayo ngayon ni Sir Lucian dito sa headquarters. Asap" sabi nito saka naputol ang linya.
Ibinalik ko ang aking cellphone sa aking bag. Ano naman kayang kailangan ni Sir Lucian? Muli kong tinignan ang kotse ni Frost. Hindi pa rin ito gumagalaw kaya paniguradong nandoon pa sila ng kanyang babae. Bahala na nga.
Lumabas ako sa aking kotse at naglakad papunta sa pwesto ng kotse ni Frost para sabihin sa kanya na pinapatawag kami ng kanyang ama. Ilang metro pa lang ang aking layo ay naririnig ko na ang tunog ng pagkakasala.
Tinted ang sasakyan ni Frost at madilim sa pwesto nito kaya hindi ko nakikita ang ginagawa nila. Labag sa aking loob na binuksan ko ang pinto ng kotse ni Frost.
Napasinghap ako sa aking nasaksihan. Wala ng pang-itaas na damit ang babae at nakahawak ito sa sinturon ni Frost. Wala na rin sa pagkakabutones ang suot na polo ni Frost. Nanlalaki ang matang tinignan ako ng babae habang walang reaksyon ang kababakasan sa mukha ni Frost. Agad na hinanap ng babae ang kanyang damit upang ipantakip sa kanyang dibdib.
"Who the fúck are you? Get out" naiinis na sigaw nito.
"You want to join us?" walang emosyong tanong naman ni Frost. Inirapan ko ito. Hindi kailanman sumagi sa isip ko na gawin ang bagay na iyon kasama siya.
BINABASA MO ANG
Protecting The Mafia Boss
AcciónI am a reaper and my mission is to protect the mafia boss.