PART 1: HER FREEDOM

7.5K 155 4
                                    

Karla's POV:

Nasa MRT na ako nang nakatangap ako ng text galing kay Jacob.

Jacob: Hi.. Excited na akong pumasok.. gustong gusto na kitang makita.. I miss youuu already.

Napangiti ako.

Karla: I miss youu tooo! I'll see youu later.. Sabay ulit tayo mag lunch..

Nagulat ako nang bigla siyang tumawag.

"Hello." Pag sagot ko.

"Hi Beautiful.. Malapit ka na ba? Mag papark na ako tapos hihintayin kita sa lobby para sabay tayo." Pag papaliwanag niya.

"Oo.. Mga 3 minutes nalang nandyan na ako.." Sagot ko naman sa kanya.

"Sige.. hihintayin kita.. I love you.." Sagot niya din sa akin.

"Sige.. See you.." Sagot ko din sa kanya sabay baba ng telepono.

Hindi ako nag I love you too kasi hindi pa naman kami. Pero siya, palagi niyang sinasabi sa akin na mahal niya ako.

Gusto ko na siyang sagutin pero hindi ko magawa. Paano ba naman kasi, lagi akong tinatakot ni Dan na kapag daw sinagot ko si Jacob babaliin niya daw lahat ng buto ni Jacob sa katawan.

Hindi ko alam kung nag bibiro lang ba siya or what. Pero just to be safe, hindi ko na muna sasagutin si Jacob. Siguro kapag wala nang topak si Dan, saka ko nalang bibigay sa kanya ang matamis kong "Oo".

Mahirap na, may saltik si Dan at kapag sinabi niya paniguradong gagawin niya.

****

Nang makababa ako ng MRT dali dali akong pumunta sa building ng Garcia Corp. Tapos pinuntahan ko si Jacob sa lobby.

Nang marating ko ang lobby, nakita ko siyang nakatayo hawak-hawak ang dalawang kape.

Lumapit ako sa kanya.

"Here you go.." Pag aabot niya sa aking ng isang cup ng coffee.

Tinignan ko siya.

"Akala ko ba kakarating mo lang? Bakit may pa kape ka na kaagad?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Karla.. kaya nga ako may secretary.. para sa mga ganitong pagkakataon." Sagot niya.

Natawa ako.

"Oo nga pala.. Ganito din si Boss Marcus sa akin eh.. Taga order ng kape niya." Sagot ko din sa kanya.

Habang nag uusap, nag decide kaming mag lakad papunta sa elevator para umakyat sa kanya kanyang floor namin. Ako sa 3rd floor nag oopisina, samantalang si Jacob naman sa 5th floor.

Nang nakasakay na kami sa elevator, biglang pumasok si Dan. Kasama niya si Mike at Kenzo.

Binati niya ako.

"Hey there Karla.. Good morning sunshine.."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon