This is the hardest part of being alone. Yung kakain ka ng mag-isa sa loob ng isang dating cruise ship kung saan nagkalat ang mga lalaki't babae na nakikipagkilala sa isa't isa
. Naiinggit tuloy si Xianne sa mga future couples na naroon. Hindi siya masaya sa naging desisyon ni Anton, fiance niya, na pabayaan siyang magpunta sa isla ng mag-isa. Ang akala niya last week ng tanggapin niya ang proposal nito ay mas magiging sweet ito sa kanya. Umasa lang siya sa wala. Parang gusto na niyang maniwala sa sinasabi ng bestfriend niya na niligawan lang siya ni Anton para sa mga mamanahin niya bilang Tuazon.Ang sabi naman ni Hailey, nagpapaka-bitter lang si Bella kaya hindi siya dapat makinig sa kaibigan nilang may masamang karanasan sa mga lalaki lalo na sa latest ex nitong photographer na isang fuckboy. Hindi naman daw lahat ng lalaki ganoon at si Anton ay maaring nagtatrabaho lang para sa future nila kaya wala itong oras sa kanya. May punto naman si Hailey. Pwedeng ayaw nito na pag-isipan ng ibang tao na pakakasalan lang siya dahil sa mamanahin niya.
Yes, she's a great shot!
Maganda, sexy, matalino at mayaman. Kilala ang daddy niya bilang Philippines' most aggressive business tycoon. Hindi niya nga lang iniisip na ganoon ka-powerful ang daddy niya dahil kayang kaya niya itong pasunurin sa katigasan ng ulo niya.
Nung una, hindi siya pinayagan ng Big Boss ng kumpanya na mag-leave, na unfortunately ay ang daddy niya. Pero wala din itong nagawa nang bigla na lang siyang magpabook sa cruise trip na isinuggest ni Bella at kasabay niyon ay ang pagpa-file niya ng one week vacation.
Ang sabi sa kanya nito, trip for a cause daw iyon pero sa mga kasama niya sa cruise parang wala namang charity na matutulungan dahil mukhang naghahanap lang ng mga karelasyon ang mga tao duon.
"Tsk. Wala pang signal!" Reklamo niya habang nagi-scroll sa cellphone niya at hinahanap ang number ng kaibigan niya. Naalala pa niya ang sinabi ni Hailey na isang dating trip yun para sa mga broken hearted para makatagpo ng mga bagong kakilala at soulmate pero hindi siya nakinig. Sa kagustuhan niyang makatakas sa toxic na trabaho niya sa kumpanya ng kanyang daddy bilang Vice President, kinagat niya ang charity pakieme ni Bella.
Ngayon, nagsasuffer siya sa pagtingin sa paligid niyang punum-puno ng flirtation. Patay ka sakin pag-uwi ko, Bella! Sigaw ng isip niya. Makakalbo niya talaga ang kaibigan niyang ito na walang ibang gustong mangyari kundi maghiwalay sila ni Anton na ayon dito ay wala namang ibang gusto sa kanya kundi ang pera ng pamilya niya.
Aanhin naman ni Anton ang pera e mayaman din naman ito? "Hello!? Edi siyempre para lalo siyang yumaman!" Naaalala pa niyang sabi ni Bella sa tuwing mangangatwiran siya ng ganoon.
Nasa personality nga ng fiance niya ang pagiging addict sa power at authority pero hindi naman siguro nito gagamitin ang babaeng niligawan nito for two years para lang sa pera.
Naniniwala pa din siyang mahal talaga siya ni Anton kahit ano pang signs ang iindicate ni Bella sa mga post nito sa facebook. At alam niya sa sarili niyang mahal niya din si Anton kahit ito ang una niyang nobyo. So far naman kasi kuntento siya dito.
Isa pa, wala naman talagang perpektong relasyon kaya alam niyang normal lang na minsan mainis siya dito dahil wala talaga itong oras sa kanya o di kaya'y hindi ito ganoon kalambing. Minsan ayaw na niyang magpabuyo kay Bella at gusto na lang niyang makinig sa isa pa niyang best friend pero lagi na lang siyang nakukumbinsi ni Bella.
Fool, bakit ka ba kasi nakikinig duon e tanga naman yun sa love? Well, hindi naman niya sinasabing mas better si Hailey kay Bella pero sa kanilang tatlo kasi, ang huli ang pinaka impulsive. At least sya, kaya niyang mag-isip muna bago magdesisyon, ang problema lang sa kanya, takot siyang mag-risk.
"Hi." Napakurap siya nang may biglang umupo sa katapat niyang silya. Kasabay ng pag-upo nito ay ang paglapag nito ng inumin sa tapat niya. "Have some drink."
BINABASA MO ANG
Learning to Love Again
RomanceXianne was already engaged with Anton. Isa sa mga pinakamayamang bachelor sa Pilipinas. Four months from now, she will be Mrs. Anthony Dela Riva. Kontra duon ang bestfriend niyang si Bella kaya her bestfriend set her up for a week with some random b...