Chapter 14: Help

35 11 1
                                    

January 31, 2017 Tuesday

XXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Sigurado ka?"

"Oh sige. Babawiin ko na lang---"

"'Wag! I-I mean, ok na. Nabigla lang ako."

"Ubusin mo na 'yan," sabay turo niya sa noodles ko.

Tumango ako. Ubos na yung sa kanya. Ang takaw talaga nito. Kakain na sana ako nang bigla niyang kinuha ang pagkain.

"Akin 'yan---!"

Napatigil ako ng nakita kong hinipan niya yung noodles ko. Nagmukha tuloy akong bata nito. Pagkatapos niya hipan, binigay niya na sa akin. Napangiti tuloy ako ng palihim. Bait niya ngayon ah?

Pagkatapos kong kumain, napatingin ako sa oras. At muntik na akong mahulog sa high chair dahil past 7 na!  Tumila na 'din yung ulan.

Shet. Patay talaga ako nito.

"MNO, uwi na tayo."

Tumango lamang siya at naunang lumabas ng tindahan. Napahawak ako sa noo ko. Kailangan ko pa siyang ihatid sa school para kunin ang motor niya. Pero, bukas pa ba ang school ngayon?

"Saan kita ihahatid?" tanong ko sa kanya paglabas ko sa convenience store.

Hindi siya umimik at tinuro lang ang upuan sa likod.

"Bakit? Sira?" tanong ko habang nakaturo sa upuan sa likod ng bisekleta ko.

"Ihahatid kita sa inyo. Ako ang magmamaneho, ikaw naman ang aangkas."

"E-eh? Pero yung bike ko, dadalhin mo sa inyo pag nahatid mo na ako?"

Ayoko! Mas gusto ko na lang na ihatid siya sa mini house niya kaysa ako ang una niyang ihatid tapos isama niya pa ang bike ko sa kanila. Baka sira na 'to kinabukasan.

"Tatawag ko lang si Kyle."

Tahimik akong lumapit sa bisekleta ko at sumakay sa likod. Siya, nakaupo na din sa harapan. Ginaya ko yung posisyon niya kanina na nakatalikod sa akin at nakaharap sa likod.

"Humarap ka."

"Bakit? Ikaw nga."

"Mahihilo ka."

"Sus. Hindi 'yan," sabi ko sa kanya.

Hindi naman siya umimik at nagsimulang magmaneho. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. Ang bilis niyang magmaneho. Pero somehow, nakakagaan ang lamig. Ang sarap sa feeling. Parang sinasabi ng hangin na 'ok lang ang lahat'. Kaya imbes na yakapin ko ang sarili ko, I closed my eyes and spread my arms. Feeling the cold air that embrace me.

Naramdaman kong may kumulubit sa akin kaya napadilat ako. "Malapit na tayo sa inyo."

Bumaba ako sa bike at humarap sa kanya. "Andun pa sa amin oh," turo ko sa di kalayuan. "Kaya bakit tayo huminto?"

Bumaba kasi si MNO sa bisekleta ko.

"Baka makita tayo ng mga magulang mo," sabi niya.

Tumango naman ako. "Hanggang dito ka lang?"

"Hindi. Ihahatid pa kita sa inyo."

"Eh?"

"Hanggang dun lang ako sa kapitbahay niyo. Nasabihan ko na din si Kyle," sabi niya at umunang lumakad.

Naiwan ang bisekleta ko kaya dinala ko na lang. Hindi na ako sumakay, nilakad ko lang. Tahimik lang kaming naglalakad. Malayo pa konti yung bahay ko. Pitong bahay then sa amin na. Madadaanan namin yung bahay ni Mika.

 The Promise (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon