Sa isang Nayon ng Laswerte Davao ay may isang matanda na mahal na mahal ng lahat.Hindi lang siya ordinaryong matanda dahil isa siyang tanyag na manggagamot sa kanilang Nayon at sa iba pang Lalawigan.Ang matandang ito ay si Mang Osteen ang hari sa lahat ng mga hari sa panggagamot kung ituring ng kanyang mga ka Nayon,dahil sa angking galing sa panggagamot.Napagaling lang naman niya ang mga taong may malubhang karamdaman isa na rito si Don Roberto na may kanser sa dugo at ang iba pang tao na may diabetes atbp..Sabi-sabi ng marami ay may umiibig kay Mang Osteen na isang Diwata na talaga namang napakaganda at napakabait.Ayon narin kay Mang Osteen ito raw ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihan upang makapanggamot ng karamdaman at maibahagi sa kapwa ang angking galing na tinataglay.Isang araw ay nagpakita kay Mang Osteen ang Diwata ito ay may suot na berdeng sumbrero na korteng bulaklak at kulay ube ang damit.Ito nama'y ikwenento ni Mang Osteen sa mga ka Nayon dahil ito rin ang utos sa kanya ng Diwata .Biniro pa si Mang Osteen ng kanyang mga ka Nayon na kahit matanda na ay may asim pa at ang tamis ng pag-ibig ng diwata kay Mang Osteen at nagtawanan ang lahat.Isang araw nagulat ang lahat sa isang balita na si Mang Osteen ay pumanaw na!Naging malungkot ang mga tao sa Nayonn ng Laswerte at sa iba pang karatig bayan.Haka-haka ng marami ay malamang kinuha si Mang Osteen ng Diwatang nagkagusto sa kanya.Maraming pumunta sa libing ni Mang Osteen.Balot na balot ng lungkot ang Nayon ng Laswerte Davao ng hinatid na nila si Mang Osteen sa huling hantungan.Makalipas ang (6) anim na buwan napansin ng mga tao sa kanilang Nayon na may kakaibang bungang kahoy na tumubo sa puntod ni Mang Osteen.May isang batang na paikot-ikot rito at nakita niya ang isang bilog na kulay ube at may mala bulaklak sa taas na kulay berde at ito'y pinitas ng bata.Binuksan niya ito at kakainin na sana ngunit pinigilan siya ng nakatatanda sa kanya baka ito'y may lason 'di nagpapigil ang bata at kinain niya ito.Nasarapan ang bata sa kinain "matamis,maasim konti,pero sobrang sarap"wika ng bata na tumatalon at parang kinikilig sa sarap.Dahil sa nakita isa-isang pumitas ang mga tao at doon nila napagtanto na tama nga ang bata.At nalaman din ng lahat na ito'y nakakagaling ng kanser,diabetes,may vit.C,nakakatulong din sa maayos na pagdaloy ng dugo.Dahil hindi nila alam kung ano ang tawag sa bungag kahoy na tumubo sa puntod ni Mang Osteen na may malaking naitulong sa kanilang kalusugan ay ipinangalanan nila itong MANGOSTEEN na pinagdugtong nila ang Mang at Osteen.Para magbigay parangal sa matandang si Mang Osteen na may malaki ding naitulong sa kanilang mga kalusugan,kagaya ng prutas na MANGOSTEEN.At dito nagsimula kung paano nagkaroon tayo ng prutas na Mangosteen.:)
PLease Vote/Like and Comment :) For my Grades Please..Thank you so much Guys.I hope You like my Alamat :) God bless
BINABASA MO ANG
"Ang Alamat ng Mangosteen"
FanfictionAng Alamat na ito ay matatagpuan sa rehiyon ng davao.At ito po ay ang aking sariling nilikha o ginawa at ito'y napapatungkol sa pinagmulang ng prutas na Mangosteen.Sana po ay inyong basahin upang malaman ninyo kung ano talaga ang pinanggalingan ng p...