Mananatili

2 0 0
                                    

Nainlove ako sa idea ng “tayo”
Nakalimutan ko tuloy kung ano ang estado natin sa isa’t isa
Nakalimuatan ko na magkaiba ang mundo natin
Magkaiba sa lahat ng aspeto

Nasilaw ako sa ipinapangako ng salitang “tayo”
Kaya nabalewala ang dating samahan
Nakalimutan ang mga pangako
Nakalimutan na tayo’y matalik na magkaibigan

Sa bawat pagdaan ng panahon
Sa bawat takbo ng oras
Sa bawat pagdaan ng mga araw
Unti unti ng nakalimutan

Napabayaan ang dating pagkakaibigan
Akala ko noon walang magbabago
Akala ko kahit alam mong iba na ang aking nararamdaman
Magpapatuloy ang pagkakaibigan na mula pa pagkabata nabuo

Noon lumayo ako sayo kasi bata pa tayo
Itinaboy kita palayo kasi grade 5 pa lang tayo
Ngayong nasa tamang edad na tayo ikaw naman ang umayaw
Ikaw naman ang unti unting lumayo

Umasa ako sa mga pangakong walang magbabago
Umasa ako sa sinabi mong mananatili kang matalik kaibigan ko
Umasa ako pero unti unti kang lumayo
Unti unti kang nawala hanggang sa naglaho na

Yung dating mga gabi na napupuyat tayo sa paguusap
Yung dating gabi gabi nagtatawagan
Yung dating araw araw tayong magkatext
Yung dati na ngayon ay nasa alaala na lang

Ngayon ay ako ulit ang bibitaw
Ako ulit ang lalayo
Ako ulit ang lilimot
Lahat ay mananatiling nasa alaala na lamang.

-Micky 😊

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon