Lois POV
Pinikit ko yung mga mata ko kasi nga nakaramdam ako ng konting pagkahilo. Iniintay ko lang text ni Reggie tas balik naku sa building namin.
Maya maya nakaramdam ako na may tumabi sakin, Di ko muna binuksan yung mga mata ko para tignan kong sino tong tumabi sakin. Hirap talaga pag gwapo, bigla bigla ka na lang tatabihan. Haha. Nakiramdam muna ko sa kanya. Tas narinig ko na nga niyang binanggit yung pangalan ko.
"Lois"
Bigla kung may naalala ng marinig ko yung boses niya. Pero di ko maisip kung ano.Napakasarap pakinggan nung boses niya. Para kung nasa alapaap.Haha. Gusto ko na sanang Tignan kung kaninong boses yun kaso medyo masakit ulo ko kaya hinayaan ko ulit siya baka may sabihin pa eh.
Gusto ko ng mapangiti habang naririnig ko at pinipakinggan sinasabi niya.
"Hayst,anu bang meron ka? Lagi ka nalang sumasagi sa isip ko.DIi ko nga alam kung di ka ba napapagod, alam mo kung bakit kasi kanina ka pa tumatakbo sa isip ko."
Pinigilan ko talaga matawa. abat bumabanat pa, Pero sarap talaga pakinggan ng boses niya.
Bigla akong napaisip ng marinig ko yung sinabi niya.
"Pero sana di mo nalang ako tinulongan nung gabing yun"
Huh? kelan ko kaya siya tinulongan? Pinilit kung alalahanin yung sinasabi niya kaso di ko matandaan.Then narinig ko na lang siya na sumisinghot,Umiiyak sya , tas narinig ko na sinasabi niyang mahal niya ko.
"mahal kita Lois"
Bubuksan ko na sana yung mga mata ko para malaman kung sino yun ng masagi ng paa ko yung bag ko kaya ayun biglang napatayo yung mysterious girl,.
Nakita ko na lamang yung likuran niya habang tumatakbo palayo.
Sigh **
Reggie's POV
Kakarating ko lang school kasi nga late na'ko nagising diba ? .Naglalakad ako papuntang likod ng gymnasium kasi nga andun ang buho kung besprend. Wala kasi siya sa building namin kaya dito lang siya pedeng pumunta .
Ah Reggie Abalos nga pala. Mas pogi ako Kay bespren.haha. Matangkad ako pero pandak. Di jowk lang nasa six feet ang taas ko. Varsity player ng school na'to. Playboy daw ako pero wag kayo maniwala dun ah. di talaga yun totoo. Lima nga lang gf ko ngayon eh tas madami akong fling kaya di totoong playboy ako. Di talaga.Haha. (Kindat sa nagbabasa *-^).
Naglalakad naku papunta sa direksyon ni bespren ng bigla akong mabangga ng isang babae. Ang kapal na nga ng suot na salamin di pa ko nakita.Tsk.
"Ano ba, di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo ? ", bastos ko talaga.
" Ah eh ah oh.. sorry". tugon nung babae
Kala ko mag aeiou na siya.Haha. Pero bigla akong nakonsensya ng makita kong umiiyak pla siya.
"hey hey miss. Im just kidding. di ako galit wag kna umiyak" .
UMiiyak parin siya.
Nababasa na yung suot niyang salamin kaya tinanggal ko yun di naman niya ko pinigilan din bigla niya kong niyakap.
Nagulat talaga ko. Di ako sanay eh ,Wehehe. (sanay kasi ako sa group hug with girls )haha
I'm letting him free"
Sino? tanong ko .
Bigla siyang tumingala saka tumingin sakin. Tas yung mata niya.
O_O
A/n ; maraming salamat po sa nagbabasa ,haha. meron po ba ? , basta thank you ng mdami sa nagbabasa. ^_^ . Sorry kung paikli ikli po yung pag update, . Iloveyou.
******************************************************************
Tumakbo na ulit yung babae palayo.tsk. my tama yata yun.
Pero she's kinda interesting .Hahaha. Magkikita din kami ulit. Mapuntahan na nga lang yung besprend ko.
Kathleen's POV
Halos maiwan ko yung kaluluwa ko (ang lalim ah.) ng maramdaman ko yung paggalaw ni Lois kaya nman di na ko nagdalawang isip na kumaripas ng takbo. Para kung tanga , umiiyak habang tumatakbo,di ko nga alam kung bakit ee siguro kasi nailabas ko na yung nararamdaman ko para sa kanya kahit tulog pa yun.
Tapos. Boggsss.
Bigla na lang akong bumangga sa .....
"Ano ba ,di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo ?" .
"Ah eh ah oh.sorry" yun na lang nasabi ko, lalo tuloy akong napaiyak.
"Hey hey miss.Im just kidding. Di ako galit wag kana umiyak".
Tinanggal niya yung suot kung salamin. Di ko na siya pinigilan kasi pakiramdam ko hinang hina ako. Di ko alam kung anong itsura ng lalaking to. Bigla ko na lang siya nayakap siguro dahl brokenhearted ako.( Ang bango niya.HIHI)
" IM letting him free". Yun na lang nasabi ko.
"Sino?"
Tumingala ako sa kanya . Dun na lang ako natauhan ng malaman ko kung sino yung niyakap ko. SIi Reggie Ferriols, ang besprend ni Lois.
O_O
Agad akong bumitiw sa pagkakayakap sa kanya. halos maubos yung lakas ko sa kakatakbo. Una, muntik nakung mahuli ni Lois, ang aking pinakamamahal tapos nabangga ko pa yung besprend niya. Pero ampogi ng besprend niya makalaglag panty. ( Ang landi.) haha.
BINABASA MO ANG
Fourteen Days Love
RomanceIsang myabang at aroganteng lalaki si Lois at hindi naniniwala sa tunay na pag ibig, ngunit magbabago ang lahat ng matuklasan niya ang tungkol sa sakit niya. And when he had only 14 days to live he would be in trouble because of what they called LOV...