Nandito ako ngayon sa coffee shop malapit sa apartment na tinutuluyan ko. Nabuburyo kasi ako sa bahay. Wala akong makuhang inspirasyon sa apat na sulok ng apartment ko para doon sa isinusulat kong manuscript.
Halos kalahating oras na din akong nakaupo sa kaliwang bahagi ng kapehang ito. Sa sulok to be exact. Medyo malayo ang pwesto ko sa counter kaya parang tamad na tamad akong pumunta doon para mag-order, paano ayaw kong maglakad.
Napangalumbaba muna ako at luminga linga sa paligid. Nagbabaka-sakali na may mapulot na akong idea at mawala na ang sakit ko ngayong tinatawag na WRITER'S BLOCK.
"Miss, would you mind us sharing table with you?" tanong sa akin ng isang babae na nakasuot ng mini-skirt. Kulay pink na blouse at pinatungan ng blazer. In short, mukha siyang nag-aapply for work. Kidding aside, what I mean eh mukha siyang nagtatrabaho sa opisina.
Sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay nilinga ko ang tingin ko sa paligid. Ang dami dami pa namang bakanteng upuan. Ano bang problema ng babaeng ito sa pwesto ko at dito pa nila natripang pumwesto ng lalaking kasama na kung titignan ay sobrang bango sa suot nitong blue polo shirt na itinerno sa slacks nito at black leather shoes.
"Ah. Eh. Kung okay lang naman sayo, kasi ano eh. Naka-reserved na talaga ang pwestong ito for us," tila nahihiyang paliwanag naman sa akin ni girl. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Anong meron dito at sa dami ng pwesto dito pa sila nagpareserve.
Mayamaya, may nasangga akong isang bagay na nakalagay sa gitna ng lamesang okupado ko. Tinignan ko ito at nakita ang nakasulat na RESERVED FOR MR. AND MRS. CRUZ FOR THEIR WEDDING ANNIVERSARY.
Pagkabasa ay napatingin ako sa daliri nila. May wedding ring nga. Nahihiyang tumango ako at tumayo na din kalaunan. Nabanggit pa sa akin ni Mrs. Cruz na significant daw kasi sa kanilang mag-asawa ang lugar na iyon at humingi pa siya sa akin ng paumanhin.
Pagkaalis sa pwesto ay naglakad na ako pagawi sa counter. Baka nga kailangan ko ng umorder. Nang nasa tapat na ko ng tumatao sa counter ay bigla akong natigilan.
Bakit ang gwapo ng taong nasa harap ko ngayon? Bakit para siyang replika ng isang napakagandang sining na pinag-aagawan sa auction, makuha lang? Para siyang abstract painting na ang mga kulay at hugis ay nagtugma at ang kinalabasan ay isang kaaya ayang obra. Ang mga mata niya na tila nangungusap. Ilong na ang tulis ay tila baga tutusok sa nahihiwagaan kong sistema. Ang pisngi niya, parang nilagyan ng napakaperpektong pundasyon kaya naman swak na swak ang jaw lines niya. Ang labi niyang kapag ata natikman ay mapapatangay ka nalang sa alapaap at tanging masasabi mo nalang ay NASA LANGIT NA BA AKO?
"Hm. Yes, what's your order, Miss?" kausap niya sa akin dahilan para matauhan ako. Bigla akong namula. Di kaya at nabasa niya kung ano ang nasa isip ko? Omg!
"Ah. Eh. Meron kayong kape?" natutulirong tanong ko. Narinig ko naman ang mumunti nitong tawa. Gosh, ang sarap pakinggan. Kahit iyan lang ang nasa playlist ko, uulit ulitin ko at hindi ako mananawa, promise!
"Of course, it's a coffee shop right?" nakangiting sagot naman niya sa akin.
"Ehh. Oo nga. Sorry. Sige, kape nalang."
"What kind of coffee?"
"Hmm. Gusto ko yung hot," aniko at tumingin sa braso niyang putok na putok sa muscles. Ang hot talaga.
"Okay, hot coffee. What kind of hot coffee?"
"Ha? Meron pa bang iba?" muntik ko ng mabatukan ang sarili ko sa nasabi ko. Malamang mayroon! Hindi naman lahat ng kape, nescafe. Josme! "Eh, ikaw na po bahala. Basta yung masarap. Yung feeling mo papatok sa panlasa ko," dagdag ko. Baka sakaling makabawi sa pagkapahiya. Narinig ko na naman ang mumunting tawa niya. Lintik na, di man lang nagpaalam na tatawa. Nairecord ko sana sa cellphone ko.