Prologue
"Lumayas ka na, hindi ka namin kailangan ng Mama mo." sabi ni Papa na galit na galit sa akin.
"Papa wala akong mapupuntahan, patawarin nyo ako hindi ko po alam ang gagawin ko." sabi ko habang umiiyak.
"Arturo hayaan na natin, hindi naman kasalanan ng anak natin ang nangyari, hindi nya kasalanan na hindi sya kayang panagutan ng lalaking yun. Pwede naman sa ibang bansa muna sya." pagmamakaawa din ni Mama habang ako patuloy pa din sa pag-iyak. Naalala ko ang pag-uusap namin ni Marco kahapon.
Flashback
Kinausap ko si Marco at ipinagtapat ko sa kanya na nagdadalang tao ako. 5 weeks na hindi ko agad sinabi nung una dahil sinigurado ko pa. Pero ng sabihin ko ito ang maririnig ko.
"Sorry Zhaira pero hindi pa ako handa. Patawarin mo ako pero ayoko pang mag-asawa." sabi ni Marco sa akin hindi ako makapaniwala na nasasabi nya sa akin ang lahat ng ito matapos ang lahat ng nangyari sa amin.
"Ang kapal ng mukha mo matapos mo akong buntisin ganito lang? Wala kang kwenta." at umalis na ako sa harap nya. Sobrang sakit minahal ko sya at ibinigay ko ang sarili ko sa kanya pero mukhang hindi yun sapat.
At ako ang taong hindi naghahabol o nagmamakaawa para lang mahalin at tanggapin ng iba.
End of Flashback
"Nakakahiya Melinda ano na lang ang sasabihim ng mga tao, na disgrasyada ang anak natin. Kasalanan nya yan, sinabi ko na sa kanya na hiwalayan nya ang dayong yun pero hindi sya nakinig nagpakatanga sya kaya bahala sya sa buhay nya." marahas magsalita si Papa namana nya ang ugaling yun sa aking lolo.
Isa ang Hacienda Alcantara na lupain dito sa bayan ng Dela Costa. Mayaman ang aming pamilya pero mukhang hindi ko yun mapapakinabangan ngayon dahil galit na galit sa akin si Papa.
Wala akong magawa kung hindi ang umiyak lang kilala ko si Papa kung ano ang unang sinabi nya ay yun na ang masusunod, kahit si Mama ay hindi yun kayang hadlangan.
Dahil sa sarado ang isip ni Papa nagpasya akong umalis sa harap nila. Naririnig ko pa rin si Mama na tinatawag ang aking pangalan pero hindi ko na yun pinansin.
Nakalagay na sa maleta ang lahat ng gamit ko at nasa labas na ito ng gate namin. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula isa lang ang natitiyak ko ngayon mamahalin ko ang anak kong ito.
Dahil alam ko sya lang ang magiging kakampi at lakas ko para ipagpatuloy ko pa ang buhay ko.
-------------------------
Hey guyz support nyo naman ang story kung ito Dela Costa Series 2: The Mafia's Secretary
BINABASA MO ANG
Dela Costa Series 2: The Mafia's Secretary
General FictionHe is the CEO and she is an applicant. He is strict and she is kind. He is rich, not just rich but super duper rich, while she is rich who become nobody cause of some life's twist. He doesn't know that this girl will take a bullet just to save him...