anong oras na mahal?
oras na ba na mahalin mo ako?
oras na ba na magiging tayo?
oras na ba magpapatuloy tayo?mahal, alas otso na gising ka na ba?
kumain kna mahal
ngiti ka naman diyan :)
yan mahal ang ganda mo namanang mga mata mo kasing ganda ng unang araw sa unang buwan
ang mga matatamis mong mga ngiti
parang kasing tamis ng mainit mong tsokolate sa umaga
ang pag dampi ng hangin sa iyong mga mukha
ang nais ko'y mahaplos ko din iyon ng walang alinlangan
mahal, oras na ba na mamahalin mo ako?mahal oras na ba na mamahalin mo ako?
ako'y sabik na sabik na mahal na marinig ang matamis mong oo
matamis mong oo galing sa malalambot mong mga ngiti
mga ngiti na sana sa likod ng mga ngiti na iyon
mahal, sana ako ang iyong dahilanmahal, oras na ba na makalimutan mo ang nakaraan mo?
kasi mahal handa na ako na magiging iyo
magiging iyo na wala ng sagabal sa relasyon na kung ano man ang merong tayo
mahal, andito lang naman ako eh
andito lang katabi mo
katabi mo pero ang isip mo nasa kanya
sabi mo mahal mo na ako pero sinasabi mo lang yun mahal para di ako masaktan
mahal naman eh
kung handa kna mahal andito lang akomahal, oras na ba na magiging tayo?
mahal, salamat sa pagsagot mo
di ko akalain na yun ang maririnig ko
hindi ko masabi sa iyo
kung ano ba talaga ang dapat na mararamdaman ko
mahal okay lang ako
hahaha okay lang ako sa pag sagot mo ng hindi magiging tayomahal oras na ba na magpapatuloy tayo?
magpapatuloy kung anong meron tayo
magpapatuloy parin ako
hanggang sa makuha ko ang matamis mong oo
mahal hindi ko gusto ang ginawa niya sa iyo
ang ginawa niyang pangloloko
pangloloko sa taong pinapangarap ko
masakit sa akin mahal na malaman ko kung pano ka niya niloko
mahal magpapatuloy parin ako sa pagmahal sa iyo
kaya sana mahal sagutin mo na akomahal may oras pa tayo
lahat ng oras magiging atin mahal
may mga plano na ako mahal
plano na makasama ka
mga pagpunta sa kung saan-saan
mga planong tayo lang ang gagawa
gagawa ng magagandang alaala
ng maalala na muli nating balikan sa pagtanda natin
kaya mahal sa tamang oras
sana magbago ang isip mo
ang isip mo na sana maisip din na sagutin mo ako
sagutin mo ako ng matamis mong oo
matamis mong oo ng walang halong alinlangan
mahal, maghihintay parin ako.-jdsam