Etong story po ay one shot story lang.....sana kahit one shot lang to basahin niyo po pa rin, hindi sa nagpumipilit ako pero ok lang po kung hindi niyo babasahin to...... Kung may bumabasa man nito sana suportahan niyo ako🔝🔝🔝......
××××××××
Tumayo na ako at pumuntang caf, break time na namin, kasama ko bestfriend ko. Umupo agad kami sa bakanteng upuan. "Ako na ang bibili, anong sayo?"
"Hmmm burger at cock in can." Kaya umalis na ako at bumili. Ang haba naman ng pila, di bale maghihintay nalang ako. 10 minutes past makapag order na din ako.
"Manang dalawang burger at dalawang cock in can." Sabi ko at kinuha niya ang order ko. "Eto iha." Binigay ko na yung bayad at umalis. Syempre pumunta ako dun kay bes at umupo. Tahimik lang kaming kumakain at nagse cellphones. Nagulat nalang kami ng tumabi samin.
"Pwedeng umupo dito?" Sana pandalawahan nalang ang kinuha ni bes na upuan, bakit ba kasi lalaki? Pwede namang babae eh. Tumango nalang kaming dalawa, wala na kaming magagawa kasi nakaupo na siya.
30 minutes past, parang kinikilabutan ako dun sa lalaking yun! Pano ba naman? Tingin ng tingin sakin tapos ngingiti, si bes naman ayun kinikilig. Pssh ewan ko ba dun.
××××××××
Uwian na kaya lumabas na kami ni bes para umuwi. Lumabas kami ng school at nandyan na ang sundo niya, buti pa siya may sundo ako magji jeep pa. "Aww nandyan na sundo ko kita nalang ulit tayo bukas. Bye!" Sabi niya at pumasok na sa kotse.
Ako namanag babantay ng jeep dito sa labas ng school. Tumingin ako sa gilid at nakita ko naman yung lalaki kanina sa caf. Parang kinilabutan ulit ako nung nakita siya. Magkatabi lang kami, tumingin siya sakin at ngumiti. May topak ba to? Bakit ba to ngumingiti sakin?
Pumara siya ng jeep at ayun, sasakay na sana siya pero. "Ikaw na ang mauna." Sabi niya at ngumiti ulit. Ngumiti din ako para patas kami, sumakay na kami. Kami lang dalawa dito. Nag bayad ako at siya din. Kinuha ko yung cellphone at earphone ko para makinig ng music. Nakita ko namn na ipilabas niya ang cellphone niya at may cute na keychain. Parang pamilyar yung keychain, hindi ko alam kung saan ko to nakita. Nakita ko naman siya na ngumiti. Palangiti siya but I find it cute.
"I'm Drew." Sabi niya at inabot sakin ang kamay niya. Luh? Bakit siya nagpakilala? May topak ba talaga to? Tinignan ko muna yung kamay niya at kinamayan siya. "Mhela." Sabi ko, ka school mate ko naman siya.
"Yeah kilala na kita Mhela Fae Cruz." Luh? Kinikilabutan na talaga ako sa lalaking to. Tumataas palahibo ko sa kanya eh. Tapos ngumiti na naman siya. Hindi ko nalang siya pinansin. Bumagal ang jeep, bababa siya siguro. Hindi ko siya nilingon, pero may narinig akong bulong pero mahina. Nilingon ko siya at ngumiti na naman siya. Gwapo sana siya pero kinikilabutan ako sa kanya. At ayun bumaba na siya. Nakakatakot talaga siya.
×××××××××
Lumipas ang araw araw lagi na kaming magkasama ni Drew magbantay ng jeep sa labas ng school. Ewan ko ba parang simusundan niya ako eh parang lang. Hindi lang kami nag uusap pero pansin ko lang kada baba niya may binubulong siya sakin pero hindi ko marinig kasi nakaearphone ako.
××××××××××
Eto na naman kami magkasabay sa pagbantay. May huminto na jeep sa harap namin kaya sumakay na ako, pinauna niya naman ako. Kami lang ulit dalawa ang nakasakay. May kumalabit sakin, lumingon ako at nakita ko si Drew na inaabot ang bayad sakin, pwede naman siya yung babayaed eh. "Bayad ho." Sabi niya at ngumiti, tinignan ko lang siya pagkatapos nun bumalik na ako sa pagfe facebook.
YOU ARE READING
Keychain
Teen Fictiontungkol ito sa babae at isang lalaki na story..... please basahin niyo salamat!