TVF S2: 33

932 28 0
                                    

Maika's POV

"Then, that's the plan?" tanong ni Tricia na fully recovered na ganun din si Alexios matapos silang gamutin ni Blue. We're all amazed, kasi parang walang nangyari sa mga katawan nila pagkatapos nun. Ang sabi pa ni Tricia ay nadagdagan ang kapangyarihan nila ni Alexios.

Blue is truly an amazing guy.

"Yes. Kayo na ang bahala sa mga kawal sa buong isla. Kaming tatlo nila Justin at Hugo ang papasok sa bulwagan ni Rita." sabi ni Blue. Halata sa itsura niyang seryosong seryoso siya. Madalas ko naman siyang nakikitang seryoso pero iba yung ngayon. Mas lalo lang akong naaamazed sa kanya.

"Then, Kijan and I will save his brother." sabi ni Kiara. Tumango si Kijan bilang pagsang-ayon kay Kiara.

"Alright. This isn't an easy war. Nasa ilalim ng kapangyarihan ni Rita ang ilan sa mga kawal kaya may kakaiba silang lakas. Don't take them lightly." sabi ni Blue. Hugo told him what they need to know inside the island so they could plan everything thoroughly. Though hindi naman namin alam ang lahat dahil silang dalawa lang ang nag-usap.

"Ibig sabihin kailangan nating gamitin ang buong lakas natin." nag-iisip na sabi ni Tricia. She can't still use her ice magic at ang kaya niya lang ay mahihinang mahika. Natahimik si Tricia na mukha pang lalong lumalim ang iniisip niya... napapikit si Tricia na sa tingin ko may naaalala. "Hindi... Hindi pwede yun. Erase!" bulong niya sa sarili niya na rinig ko naman dahil magkatabi lang kaming dalawa. Anong problema niya?

May lihim pa ba siyang hindi ko nalalaman maliban sa pagiging fairy niya? Tss. Etong babaeng to napakamalihim. Bakit hindi nalang niya ipaalam sa iba ang totoong pagtao niya. Mukhang mas matutuwa pa nga si Miya kapag nalaman niya.

Napatingin ako kay Alexios nung tumingin siya kay Tricia. "Anong nangyayari sayo? Ah! Hindi mo kayang kontrolin ang ice magic mo diba Tricia?" tanong ni Alexios. Napatingin si Tricia sa kanya pero etong si Alexios nakangisi pa. Naku, eto nanaman silang dalawa. Mag-aaway nanaman ang mga to. "Oh? Iniisip mo bang pwede ka lang maging pabigat saamin? Don't worry Tricia, I can save you anytime." nilapit nito ang mukha kay Tricia na napapangiwi dahil pang-aasar ni Alexios sa kanya.

Inilayo ni Tricia ang mukha ni Alexios. "I don't need you to save me! I can save myself!" naiinis na litanya ni Tricia.

"Oh really? Pero kung hindi mo kayang gamitin ang kapangyarihan mo ng maayos, hindi mo kami matutulungan Tricia."

Kumunot ang noo ni Tricia sa sobrang inis.

"Oo nga naman Tricia. We can't lack in terms of power so we really need everyone's full power right now." nakisali na ako sa kanilang dalawa.

Kung hindi nga magagamit ni Tricia ang ice power niya, magkakaroon talaga kami ng problema. Mas maganda kung magagamit namin ang kapangyarihan niya. Ano nga ba kasing dahilan bakit hindi niya kayang makontrol ang kapangyarihan niya?

"Nakita mo? Kung hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo Tricia, we don't have a choice but to leave you here for your safety, right Tricia?"

He's trying to mock her. Isa din to si Alexios, hilig asarin si Tricia. Pero dahil si Tricia yan, sigurado akong papatol yan.

And as I thought, hinila ni Tricia si Alexios sa kwelyo niya para ilapit sa mukha niya. Ow, but that was aggresive.

"Ah ganun?! Tss. Iniinis mo talaga ako kumag ka ha?! Then take this!" at...

Nanlaki ang mga mata ni Alexios dahil sa gulat habang ako napatapik sa noo ko. What the heck is this?? Nahawa na talaga si Tricia kay Alexios! Oh come on!

The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon