•Flashback

3.4K 104 1
                                    

Paano ko ba uumpisahang mag paalam?
Hindi ko alam kung papayagan nila akong umalis ngayong araw.
Paikot ikot ako sa kwarto at naguguluhan.
Hanggang sa mag nag txt sakin.

Goodmorning Riley! Si Trician 'to.
Hintayin mo ko ng 9am. Ako na bahalang mag sabi sa mag kakapatid.
XOXO

Sana yung sinasabi nya ay napaka daling gawin.
Nag asikaso na ako kahit na wala akong kaalam alam kung papayagan ba nila ako.
Wala kaming pasok ngayon dahil kaylangan daw ng pahinga ng mga estudyante dahil sa naganap na Grand Ball kagabi.

Anong oras narin kami nakauwi at galit na galit si Daemon at Alexus sakin.

Flashback.

"What is wrong with you? I've been looking for you every where!"

Galit na galit si Daemon.
Halata naman dahil halos manahimik si Galen at Jaythan sa byahe.
Dati naman ay wala silang pakialam kung galit sya, at mag uusap parin silang dalawa.
Pero ngayon parang takot na takot sila.

'Kasama ko naman yung anak ng president eh."

Paliwanag ko sa kanya, umaasa pang makalusot ako sa init ng ulo nya.

"Sino? Anak ng president? Yung nakasayaw mo kanina? "

Pasigaw nyang sabi sakin.
Napano ba ako? Bakit parang high blood na high blood sya?

"Oo sya nga."

Sagot ko sa kanya ng nakahaba ang nguso.

"Sige, anong pangalan nun?"

Jusko! Bakit yun pa ang tinanong nya? Hindi ko pa naman alam.

"Ah- ah- hindi ko ma alala eeh."

Mahina kong sagot sa kanya.

"Hindi mo maalala o hindi mo alam? What if hindi pala yun yung anak ng president? Paano kung gaya yun ni Zac at gawan ka ng masama? Bakit ka sumama agad? Huh? Hindi ka ba natatakot para sa sarili mo?"

"Hindi mo maalala o hindi mo alam? What if hindi pala yun yung anak ng president? Paano kung gaya yun ni Zac at gawan ka ng masama? Bakit ka sumama agad? Huh? Hindi ka ba natatakot para sa sarili mo?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Para syang tatay.
Pero hindi tatay ko ah.
Hindi ko kasi kilala ang tatay ko.
At nasabi nya pang gaya ni Zac.
Pero imbis na matawa si Galen at Jaythan sa gilid ko ay parang lalo silang natakot.
Panay ang hawak ni Daemon sa batok nya.
Stress na stress ang kanyang mukha hanggang sa makabalik kami ng Mansion.

Ang akala ko tapos na yun pag nakarating na kami sa Mansion.
Pero hindi, dahil may part 2 pa sya sa speech nya sakin.
Pati na si Alexus ay nakisali pa.
Nakaupo lang ako sa sofa at nakatayo silang dalawa sa harapan ko na para bang bata ako at dinidisiplina.

"Sinayaw kalang sandali, sumama kana kagad? Alam mo ba kung gano yun kadelikado? Paano kung may pakay syang kung ano? Wala kami dun pano ka?"

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon