"Walang masamang sumubok, matalo ka man o manalo ang mahalaga alam mong lumaban ka sa abot ng iyong makakaya."
-------"Ang hirap palang maging masaya." Tinawanan ko lang ang kaibigan ko.
"Ang dali dali lang maging masaya pre." Binato niya naman ako ng unan. Aba, ayos to ah. Nandito pa man din siya sa loob ng pamamahay ko tas ang lakas ng loob.
"Pakboy ka kasi, di mo pa nararanasan mainlove." Tinawanan kolang siya at nagpunta sa kusina. "Sus, magastos lang yan. Oh, tignan mo san ka pinulot ngayon?" Inihagis ko sa kanya yung isang lata ng coke.
"Ewan ko sayo Dean, NGSBing pakboy ka kasi, bakit di mo kasi subukang manligaw." Napaisip ako at natawa ng malakas, ano naman ngayon kung ganun nga ko? "Ayoko, magastos nga lang yan." Sinamaan niya ko ng tingin kaya nanahimik nalang ako.
Naisip ko lang, dalawang taon narin pala sila ng girlfriend niya, ngayon ayun nag-away sila at nadamay pako. Mahirap intindihin ang mga babae, okay sila ngayon tas mamaya hindi na. Yung tipong tatanungin mo sila kung ayos lang sila sisigawan ka at sasabihing 'mukha bang ayos lang ako!?'
Bakit ko alam? Aba, may mga girlfriend mga barkada ko, pinsan ko, may mga kaklase akong babae. Idedetalye ko pa ba, nakakatawa lang. Kaya ayoko ng ganyan.
"Pre, anniversarry pala ni ano atsaka ng pinsan mo." Napatigil ako napaisip ng iabot niya sakin ang cellphone niya, isang taon na pala sila. Isang taon na.
Maganda siya, matalino, mabait, may pagka moody. Yung yung girlfriend ng pinsan ko.
"Isang taon na pala sila?" Nakatitig lang ako sa picture. Ang saya nila. Mukhang pinaghandaan talaga ng pinsan ko ang anniversary nila ng girlfriend niya.
"Bakit kasi di mo subukang manligaw Dean? Hanggang ngayon ba wala ka paring nagugustuhan?" Meron, kung alam lang ng kaibigan ko na may isang babae nakong nagustuhan.
Hindi ko nga lang magawang umamin sa kanya, mahirap kasi. Lahat ng pagpapapansin nagawa ko na para mapansin niya ko, inaasar ko siya, lagi akong humihingi ng tulong sa kanya kahit na alam ko naman. Masyado pa nga kong papansin nun.
Hindi siya ganun kaganda pero mabait siya, matalino, matured. Wala ka nang mahihiling pa? Nakikisakay siya sa mga trip ng klase namin. Hindi siya kill joy, marunong makisama hindi kagaya ng mga kaklase naming saksakan ng sipsip at sobrang arte, akala mo talaga magaganda.
"No thanks. Kuntento ako sa fling, walang problema hindi kagaya niyo." Nginitian ko siya ng nakakaasar. "Pag nakabuntis ka, ewan kolang." Ako? Makakabuntis, uso proteksyon. "Pag may tiwala, walang mabubuo." Itinuon ko ang tingin ko sa t.v.
"Siraulo ka talaga Dean, sige na mauna nako. Kamusta mo nalang ako kay tita." Tinanguan ko ang tropa ko at inihatid ko na sa labas.
Dumiretso ako sa kwarto ko at ibinaling ang tingin ko sa kaisa-isang picture namin ng babaeng nagustuhan ko. Yung picture nung graduation. Hindi pa siya kasing ganda nun, aaminin kong mas maganda na siya ngayon.
Nagbago na kaya siya? Siguro hindi pa. Naalala ko pa yung mga panahong nakikisabay siya sa mga kalokohan ko, yung tipong sabay naming pagtitripan yung isang kaklase namin. Sana, wala pa siyang pinagbago.
Itong picture nato? Hanggang ngayon iniingatan kopa. Matagal-tagal narin pala mula nung huli kaming nagkita, sana kilala niya parin ako. Sana pag nagkita kaming dalawa batiin niya ko tapos mag uusap kami ng casual kagaya ng mga nasa pelikula o di kaya yung commercial sa Jollibee at McDo.
Hindi ko maiwasang mapangiwi habang iniisip kung anong pinalampas ko. Mula sa pagiging torpe nauwi sa pagiging fuckboy, nakakatawang isipin na naging ganito ako ng dahil sa isang babae, hindi lang siya babae, siya yung prinsesang minsan ko nang pinangarap pero di ko naabot.
Huminga ako ng malalim habang hawak parin yung kaisa-isang litrato namin. Masakit parin pala, Magdadalawang taon na, magdadalwang taon na mula nung naghiwalay kaming dalawa. Di naman naging kami pero magdadalawang taon na mula nung naghiwalang ang landas naming dalawa.
Isang taon ko naring iniinda yung sakit, Bakit kaya di ko nagawang aminin yung nararamdaman ko? Bakit kaya di ganun kadaling umamin, ang daling asarin siya pero ang hirap palang sabihin yung nararamdaman mo.
Nagring ang cellphone ko, panira naman to, kung kelan nagsesenti ako atsaka umeepal.
"Tol."
"Oh?"
"Tulungan mo naman ako oh,"
"Tulungan saan?"
"Tanga, anniversarry namin ngayon. Hindi mo ba nakita yung nobela ng girlfriend ko sa facebook?"
"Ga**, na tanga mo pako. Ano bang gusto mong gawin ko?" Nakarinig ako ng halakhak sa kabilang linya, siguro ito na yung tamang panahon para gumawa ako ng bagay na espesyal para sa isang babae.
Kinuha ko ang notebook ko at huminga ng malalim.
-----
"Uy Dean. Thank you sa tulong mo." Nginitian ko lang ang pinsan ko habang pinagmamasdan kung gano kasaya yung girlfriend niya. Halatang tuwang-tuwa siya.
Sobrang saya nila, sobrang swerte ng pinsan ko sa babaeng mahal niya. Sa babaeng minahal at minamahl ko parin hanggang ngayon.
Pilit akong ngumingiti habang pinagmamasdan sila. Ang galing kong magpanggap no? Nagkukunwari akong masaya kahit sa loob ko unti unti nakong namamatay ulit.
"Dean? Kamusta kana?" Napangiti ako sa anghel na nasa harap ko. Bakas na bakas sa mukha niyang masaya siya. "Ayos naman ako, kamusta naman ang future ng pinsan ko?" Biglang namula ang pisngi niya, gusto kong umiyak dahil yung kaisa-isang babaeng mahal ko ay pagmamay-ari ng iba at tung masakit? Pagmamay-ari siya ng pinsan ko.
"Nga pala." Inabot ko sa kanya yung notebook na hindi ko nabalik, yung notebook na araw-araw kong sinusulatan mula nung naging sila, kasama yung notebook na may mga sulat kung gano ko siya kagusto.
Nagpaalam nako at nagsimulang maglakad pauwi. Siguro kung inamin ko sa kanya na mahal ko siya kami yung nagce-celebrate ngayon, siguro hindi ako natawag na fuckboy ngayon.
Siguro di ako naging sakit sa ulo. Sabagay, kung malalaman mo a sa pinsan mo mapupinta yung babaeng mahal mo di mo ba maiisip mawala sa mundo?
Siguro, panahon narin para pakawalan ko yung nararamdaman ko sa kanya. Kailangan ko nang tanggapin na di siya yung babaeng para sakin. Masaya na siya, dapat narin akong maging masaya para sa kanila.
Siguro, wala talagang kwenta ang mga lalaking katulad ko.
YOU ARE READING
Ang Blog Ni Gams
Historia CortaAng blog ni Gams, Ano nga bang nilalaman ng blog ni Gams? Ano nga bang dadamin ang nakapaloob sa bawat titik na isinusulat niya at ng kwentong inilalathala niya? Karapat-dapat nga kaya siya sa posisiyong ninanais niya?