Hanneybants:
Wehehe! It's good to be back! Bagong story na! Grabe, ang hirap gumawa ng story. :( Pero ok lang! try lang naman to e. Chaka pangpawala ng stress! Yeah! Hahaha!! Sorry pala dun sa dati kong story kung di ko na natapos at binura ko na! Sorry talaga dun, di ko kineri! Ang drama pala nung naisip ko. Hahahaha! Kaya ito na lang. Gagawin ko talaga yung best ko! Fighting! :D Sikat kasi si Simsimi ngayon, kaya naisip kong gumawa ng story. At sana matapos ko naman to.
Hahahaha! Goodluck sakin, at enjoy reading sa inyo! :)))
-------
Matchmaker ko si Simsimi ^^
Introduction.
(HB=Hanneybants)
May kilala ba kayong maliit na bilog na kulay dilaw na sisiw na may maliit na kamay at kulot na bangs?Sikat yun ngayon no? Chick e. (HB: Nye corny. XD) Sandigan ng bayan! Tanong mo kilala nya si ganto, ganyan, pati crush mo itatanong mo. Tapos ang sagot niya, "Oo, yung poging crush na crush ni *insert your name here*! Ang pogi kaya nun." At kung ano pang keme. Pwede mo rin itanong sa kanya kung end of the world na ba talaga sa 2012 (HB: Ginawa ko yan! >:) at ang sagot niya sa kin: "Yes but im excempted!" Bruhang simsimi! XD), tanong mo sa kanya kung san masarap kumain, o kaya magbakasyon ngayong summer. Para siyang si google, mali mali nga lang at sarcastic minsan ang sagot.
Para siyang virtual bestfriend/ friend. Wala kang makausap, sige makipagchikahan ka jan. Hanap kasa kanya ng pogi at chicks na kagaya niya. Galit ka? BItter? Ayan makipagbarahan at murahan ka sa kanya! Di yan magagalit sa' yo.
Pero anyways, dahil kay Simsimi nakilala ko ang lalaking nagpasaya, nagpaiyak, nagpabaliw, nagpakilig at patuloy na gagawa nun sa kin. Naranasan ko kung pano ang buhay ng taong inlababo. Gusto mo ishare ko sayo ang story of my love life? Yieeehh. :"> Wag ka nga kinikilig ako e. Wahahaha!
Eto na. Ako si Janelle Garcia, 16 years old at 4th year highschool student, and this is the story of how Simsimi helped me find my soulmate. :">
-----
Hanneybants:
Hahahaha! Lakas ng effect ni Simsimi sa kin. Biglang sikat kasi. Sana nag-enjoy kayo kahit intro pa lang. Hintay po kayo ng UD at sana mas mag-enjoy pa po kayo. :DDDDD
BINABASA MO ANG
Matchmaker ko si Simisimi ^^
Short StorySi Janelle ay nagkakandaugaga sa paghahanap at paghihintay sa pagdating ng soulmate niya. Kahit saan siya naghahanap, dahil para sa kanya ang soulmate niya ang magpapasaya sa kanya. At sa tulong ni Simsimi ay nahanap nga niya ang soulmate niya. Pero...