" Sa mga nabigo, iniwan at nasaktan. Ang lakas ng hangin no? Sana mailipad siya pabalik sa akin"
Ako si Erika Del Rosario nagmahal, nasaktan, nagkwento nalang. Noong mga panahon na masaya at maliwag pa ang aking puso sobrang minahal ko si Andrei Corpuz, siya ang lalaking minsan ay minahal at iniyakan ko ng husto pero mapaglaro talaga ang pag-ibig. Pinaasa, ginawang tanga at iniwan ako na nag-iisa.
Isa, Dalawa, Tatlo mahal tatlong taon kitang hinintay, tatlong taong umasa na sana balikan mo ako at maging masaya tayong dalawa ulit- (habang nagsasalita ako sa harap ng maraming tao kinakabahan ako at hindi ko mawari kung bakit ako nagkakaganito. GOOOOO Rika :) We love you so much here. Yan ang mga narinig ko galing sa aking mga kaibigan na sila Mica, Sara, Mich, Joylyn, Nike at Cris)
Tatlong taon ang nakalipas tila mga alaala natin hindi parin kumukupas mga alaala nating mananatiling alaala nalang kasi para sayo ako'y wala nalang. Naalala ko pa nun una mong hinawakan ang aking mga kamay sabay sabing "Mahal pwede bang merong ikaw at ako
?" ito ako yung babaeng sumagot ng oo, at ayan ka yung babaerong walang ibang ginawa kundi manloko. Hindi ako nagdalawang isip eh! kinakabahan ako ng mga oras na iyon at walang ibang masabi kundi "Oo mahal merong tayo" Nang mgapanahon na iyon, naalala ko pa kung paano mo hinawakan ang aking mga kamay sabay halik saking noo, kung gaano ka kaswerte dahil na sakin ang babaeng ito. Kung paano natin pinuno ng mga magandang kwentu ang bawat araw, kung paano mo ako minahal at nirespeto, kung paano kita minahal ng buong puso sa panahon na iyon. Doon ako nagbakasakaling na tama na ang panahon, tama na sa bagong pagkakataon. Nagbakasakaling ako na iba ka sa lahat na pwede kung makilala (Habang binibigkas ko ang mga salitang iyon tila may nahagip ang aking mga mata at biglang lumuha sapagkat si Andrei at ang bago niya ang aking nakita at sa harap pa nakin umupo mga walang hiya talaga kasi alam kung mahal ko pa siya)
Pero tila nagkamali yata ako, tila hindi ako makasabay sa ikot ng mundo, tila bumilis yata ang pagtibok ng aking puso. Sa paglamig ng panahon ay siya ring paglamig ng ating relasyon, Mahal hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung bakit ganito, hindi ko maintindihan kung bakit pumasok sa aking imahinasyon na nagdudulot ng matinding ilusyon. ( WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOH! Rika ibuhos mo yan lahat wala siyang kwenta- yan ang mga sinabi ng mga tao pati mga kaibigan ko ay ang lupit nila para na nga akung lokaloka dito eh). Mahal sandali lang gagawa ako ng solusyon wag ka munang umayaw dahil sa pansamantalang emosyon ( Pagkasabi ko, lumakas ang hiyaw ng mga tao, sa malamang pati mga kaibigan ko at ang girlfriend ni Andrei! Sana mapaos siya kainis). At bigla akong na gising sa katotohanang ito, habang pumapatak ang luha ko sa mga mata ko. Wala na nga palang "ikaw at ako" pero mahal bumalik ako sa tagpuan nating dalawa bitbit ang pag-asang baka tayo pang dalawa. Habang nilalasap ang ating mga alaala, habang hawak ang mga kamay mo na hindi ko pipiliing humiwalay pa, Mahal nandito lang ako hinihintay ang pagbalik mo. Parang ang lupit ng tadhana, paano ko sasabihing Mahal kita kung sakin wala kana. Bakit ko laging tinatanong kung wala namang sagot galing sayo. Dadamhin ko ang lahat ng sakit hanggang hindi ko na maramdaman pa, Mahal bakit ganito? bakit lahat ng bagay bigla nalang nagbago. Hindi kita ginusto kasi minahal kita ng husto (maiyak-iyak kung sinabi at nakita kung umalis si Andrei at iniwan ang girlfriend niya)
Nasan na ang mga pangako mong hindi mo ako iiwan? hindi mo ako sasaktan, hindi mo naman ako dapat balikan dahil sa simula palang hindi mo na ako iniwan. Pagod na ako sa larong ating sinimulanat kasabay ng pagtapos ng mga salitang ito, tulad sa pilikulang mapapanoud mo may dalawang tanong na tumatak sa isip ko Mahal pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako kung oo magpapaganda at magkikilay ako, pero kung hindi ipaliwanag mo naman kung bakit mo ako ginaganito ( Mas lumakas ang hiyawan ng mga tao at napangisi ako sa sinabi ko, sino naman hindi eh magkilay ba daw ako!) Kung ako kaya ang pinili mo? ganyan ka kaya kasaya?. Pero tama ka, buti nalang hindi ako. Babangon ako, babangon ako hindi para durugin ka, babangon ako at ipapakita sa lahat ng taong nandito at ipapamukha sayo na wala ng titulong magsasabing Ikaw at Ako.
Natapos ko ang tula at umalis na ako sa intablado. Habang naglalakad ako, may isang malamig na kamay (OHMYGOD! MOMO!!) na humawak sa braso ko at biglang nagsalita- Erika? Sorry sa lahat ng ginawa ko sayo, hindi mo naman kailangan gawin yun eh para ipamukha sakin na nasaktan kita-sabi ni Andrei ( ang kapal ha? humawak pa sa braso ko) So ano ang gagawin ko Drei?, Drei?!may mali ba sakin? kulang pa ba ang atensyon, pagmamahal at oras ko sayo kaya nagawa mo akung ipagpalit? ang sakit Drei wala kang alam kasi wala kang pakialam (Umiiyak na kao). Pero Erika! Mahal kita pero may mga bagay na hindi pweding ipagpilitan gaya ng relasyon natin! (lumuha ang kanyang mga mata). Kaya ba nagawa mong saktan at durugin ang puso ko? Hindi Rika! Pero drei...............
ITUTULOY........................