Justice or Love

6 5 0
                                    

Sabi nila bago kapalang ipanganak dito sa mundo, nakatakda na ang iyong magiging kapalaran.tanging ang diyos na nasa langit lamang ang nakaka alam kung kailan magsisimula at magtatapos ang iyong buhay. Kaya sana enjoy mo nalang ang bawat segundo, minutoat oras ng iyong buhay. kasi "YOLO" You Only Live Once kaya dapat mong ingatan ang bawat sandali ng iyong buhay kasama ang pinaka-mahahalaga at pinakamamahal na tao ng iyong buhay.

Hi, ako nga pala si Princess Shylie Aya Jimenez. Pang prinsesa diba? Pero ang totoo pangalan ko lang yun ibang-iba sa buhay ko kasi ang totoo mahirap lang kami.Malayong malayo sa buhay prinsesa. Nga pala 17 na ako at pinanganak ako noong Nobyembre 14,1999 . Sa katunayan bata palang ako nong iniwan kami ni tatay,siguro mga magtatatlong taong gulang pa lamang ako nong namatay si tatay. Kawawa kami ni nanay , kahit hindi ko pa naaalala yung mga panahong yun, alam ko na sobrang nasaktan si nanay. Namatay kasi si tatay dahil binaril siya, binaril siya ng wala man lang kasalanan, pinatay siya ng wala man lang kalaban laban dahil daw sa away sa negosyo. Pero pinalabas na kinarnap siya,pinagkaisahan siya ng mga grupo ng mga sindikato pero nasaan ang hustisya ? ni hindi nga napanagot ang mga may kasalanan, alam ko, alam ko sa puso ko na kahit wala pa akong kamuang muang na bata nong mga panahong yun labis na

nasaktan at nahirapan si nanay dahil naiwan nalang kaming dalawa. Alam ko na namomroblema sya kung paano nalang ang magiging buhay naming dalawa.

At ito ang aking buhay, ako si Aya . Masungit,palaban at matapang. Pero kahit ganon palatawa pa din naman ako at syempre mapagmahal na kaibigan at anak. Gusto ko lang laging masaya ,masayahin naman ako laging nakangiti. Maiinis ka sakin pag nagmamaldita ako sayo, pag nagtatampo ako sayo kasi ayoko lang mawala ka . Bigyan mo lang ako ng tsokolate aasahan mo magkakasundo tayo. Palatawa ako oo pero sa likod ng aking mga matatamis na ngiti at malalakas na tawa nakakubli ang masasakit ant masasalimoot kong pinagdadaanan. Hindi mo alam na laging nababasa ang aking damit sa bawat luha na pumapatak dito. Nga pala may pangarap pa ako, simple lang,gusto ko sana balang araw na makatapos ako sa pagaaral at maging lisensyadong abogado baling araw para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking tatay at mabilanggo sila sa kulungan, simple lanhg diba ? himdi ko kasi hinahangad na maging isa sa pinakamayayamang tao sa buong mundo. Hindi ko naman kailangan ng madaming pera o mamahaling gamit sapat na sakin ang mabuhay ng payapaat naniniwala din ako na "Pag May Tiyaga May Nilaga" na kung nadapa ako hindi ako gagapang bagkus tatayo ako ng matuwid para maabot ang aking minimithi. Hindi ko naman kailangang pakinggan kung ano ang sinasabi ng iba basta ba nabubuhay ako ng tapat at walang tinatapakang ibang tao.



(Ring! Ring! Ring!!!) ( KOKOKAOOOK!!)

Laura: Aya! Gising na! Tanghali na tulog ka pa rin?

Aya: Opo nay saglit lang po.

Laura: Kumain kana tatanghaliin kana naman! Late ka nanaman sa first subject mo!

Aya:Opo Opo

Laura:Bilisan ang kilos!

(Aya kinakamot ang ulo) Time Check 7:30 , lagot naloko na sigurado malalate nanaman ako, lagot na ako kay Ma'am Gutuman.

(PEEEEEEEEP!!!)

Hay naku! Sana traffic nalang magiging lovelife ko para may forever naman!!!

Kuya bayad po isang estudyante

(Pagkatapos ng 30mins.)

Kuya para po! Kuya para po! Kuya para po!

Good Morning Ma'am, Sorry I'm late.

Ma'am Gutuman: hindi ang aga mo nga eh! Ang aga mo sa second subject! Thank you ha! Nageffort kapang pumasok sa subject ko,sana hindi ka nalang pumasok, you know miss Jimenez, lagi ka nalang late ano nalang ilalagay ko sa grade mo niyan putrp pasang awa! Ano ba Aya kailan kaba papasok ng maaga ?

Justice Or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon