baka sakali

9.6K 191 39
                                    

Lahat ng tao hindi sigurado.
Kung sakali or baka sakali.
Bakit nga ba tayo sumusugal.
Isang bagay na wala naman kasiguruhan.

Sabi nila, you need to take risk.
Pero.. mahirap magbakasakali.
Puso ang isusugal.
Puso ang nakasalalay.
Sapagbabakasakali kong taglay.

Natatakot yan ang unang pumapasok.
Sa isip ko kung ito ay aking gagawin.
Laging tinatanong ano ang mgyayari.
Sasaya ba ako sa aking pag babakasakali.

Nag tanoong ako sa maraming tao.
Lahat sila ibaiba ang kuwento..
Pero isang bagay ang akin napagtanto.
Saya at pasakit ay magkadugtong.

Handa na ba ako? Sa akin gagawin?
Kaya ko na bang isugal ang aking damdamin?
Pano kung ganito?. Pano kung ganyan?.
Puro taong nalang ang akin nalalaman.

Naghanap ako ng huling tatanongin.
Bakasakali isip na magulo ay malinawan narin.
Ang tanging salita na kanyang nabangit.
Pano ko matutuklasan ang isang bagay.
Kung hindi mag babaka sakali.

Lakas loob sumubok.
Lakas loob sumugal.
Para sa bakasakali.
Nailaan.

Pikit matang tinanggap.
Lakas loob pinakawalan.
Matamis na Oo ang inilaan.
Sana ang bakasakali ko syo ay iyung suklian.

bakasakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon