Happily Ever After? JulNiel Short Story (Completed)

2.3K 54 16
                                    

Sabi ko nga po ang daming pumapasok sa utak ko, eto na yung isa dun. :) Ginawa ko to habang naghihintay ng update ni ate Marikit sa Roseblood, Bongga na eh! :) Sana magustuhan niyo :))

- - - -

Napakaganda ng araw na to, ito na ang pinakamasayang araw para sa akin. Napakaswerte ko kasi sa araw na to at magiging opisyal na Mrs. Padilla na siya.

Hindi ko maexpress kung gano ako kasaya. Sobrang laki na nga ng bunganga ko sa kakangiti ng abot langit pero parang kulang parin, dapat siguro ipagsigawan ko kung gano ako kasaya.

"I just can't believe she'll be mine now." Akala mo kung sinong nagspeech sa harap ng mga best man ko habang hinihintay ang aking one and only. NapaWOO!! pa ako ulit sa sobrang excited.

"Pare, hinay hinay lang." Mukhang pati sina Neil at Ej ay excited na para sakin, pero siyempre nadadala lang sila sa emosyon ko. "Baka mamaya magback-out  pa yan eh." Dagdag na biro ni Ej. Baback-out? Di na puede noh! Mabatukan nga! "Mmm.. Sira! Eh ayan na nga oh, nasa harap ko na, lumalakad na. Wag na nga kayong malikot dyan. Baka mamaya magkatotoo pa yan, tatampalin kita!" Sabi ko kay Ej, hay nako, kinakabahan tuloy ako. Napatingin ako sa bride ko ng magbiro nanaman si Neil. "Malay mo, hindi yan magYES FATHER, o baka naman magdalawang-isip, hahaha, tulad nung sa Walang Hanggan? Dyahe tol! Kamukha pa naman ni Julia yung bida dun." Hay nako, napakainsecure ng mga tao sa paligid mo, nakakainis. "Hoy, Eh sa TV lang yon at kahit na kamukha yun ni Julia, mas maganda parin siya noh! Tsaka bakit ba kape ka ha? Napakabitter mo talaga! Eh kasi bakit hindi mo pa yayaing magpakasal si Yen. Teka nga, tumahimik na kayo diyan at malapit na ang prinsesa ko." Suway ko sa mga pagbibiro nila at nagfocus kay Julia. Inayos ko pa ulit yung tuxedo ko at pinunasan yung pawis ko at ngumiti sa kanya ng sweet.

Ang ganda talaga niya. Hindi naman yun nawala eh, kahit ngayon, siya parin ang pinakamaganda sakin, parang dyosa na nga lang siya ngayong araw na to, siyempre kasal namin. Higit sa maganda, ideal wife mo na rin yan. Mabait, magaling sa gawaing bahay at siyempre mahal na mahal ko. Sabi nga ni SimSimi, siya ang pinanganak para mahalin ko at maging akin. At ngayon magkakatotoo na yun. Kahit na dati ay isa akong malaking bulag, napaayos ko naman yung mata ko at wala na akong ibang tiningnan kundi siya. Kahit medyo masungit, napakasweet.

Teka, nagtataka ba kayo kung pano kami napunta sa ganito? Medyo mabilis kasi yun eh, Something like this.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

5 years ago

"Dj, please anak, sumama ka na. It's just a fashion show." Kanina pa sakin nagmamakaawa si mama na sumama sa kanya eh hindi ko naman maiwan si Kath na kanina pa naghihintay sa meeting place namin.

Hindi alam ni Mama na kami na ng kalove team ko na si Kath. Hindi naman siya boto rito dahil nga may babae na silang napagkasundo ni Papa na ipakasal sakin eh hindi ko naman kilala.

"Ma, fashion show yun eh, hindi para sakin. Si Tito Tom na lang ang isama niyo." Nakakainis naman, may lakad eh. "Pst, ano ka ba? Baka marinig ka, Tita Bebe nga diba?" Paalala ni Mama. "Ay oo nga pala. Pero ma, busy ako ngayon eh." HIndi ko naman yun palusot kasi pupuntahan ko si Kath, edi busy na ako nun. "Ipapakilala na kasi namin sayo yung mapapangasawa mo. Umuwi na kasi siya galing Germany, Nak, Ang ganda niya talaga.!" Napasigaw pa tuloy ako ng  ANO?! at nagulat si Mama sa reaksyon ko. Oo nga pala, I acted interested sa marraige na to para hindi magduda si Mama. "Ahm, What I mean is.. ANO?! Talaga? Ang ganda niya? Tara na ma, baka malate pa tayo." Bawi ko na lang. "Sus. Mas excited ka pa sakin ha, tara na nga."

Happily Ever After? JulNiel Short Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon