Coddie and Ishi (don pixel series) *ONGOING*

42 2 2
                                    

PROLOGUE

                “I will what?!”,bulalas ni Ishi nang marinig ang mga sinabi ng kanyang ama’ng si Ignacio.

                “You’ll get married at the age of twenty eight…” kalmado ang kanyang ama. Medyo worried naman ang expresyon ng kanyang ina’ng si Marivel, na katabi nito sa sofa’ng iyon. Pinatawag siya ng mga ito sa kwarto niya, dahil daw may napaka-importnteng pagdidiskusyunan sila’ng tatlo. Pero gilalas siya sa mga naririnig ngayon. Magpapakasal?

                Marahan siya’ng tumawa. “Excited yata kayo, Dad.. Pwede naman iyang sinasabi niyo, eh. Tsaka matagal pa iyan, noh. Kaka- birthday ko lang nu’ng nakaraang araw. Wala pa nga ako’ng boyfriend, eh.”

Sa America siya nga mga ito pina-aral ng kolehiyo. Nang maka-graduate siya, ay tri-nain siya sa isa sa mga kompanya nila doon, para balang-araw ay siya na mismo ang hahawak ng kanilang napakalaking negosyo ng kung anu-ano. They own the De Castro Buildings. Mula sa isang magarang condominium sa Makati, malaking subdivision sa Baguio at Cebu hanggang sa mga naglalakihang buildings sa America at Pilipinas ay mayroon sila. Dalawang buwan pala’ng mula nang maka-uwi siya sa Pilipinas.

“You don’t need a boyfriend, sweetheart.”

“Ho?”

“We’ve already arranged your marriage to a businessman’s son twenty-two years ago.”

“Ha?”

Hindi niya alam kung tama ba ang narinig niya. Arranged marriage? Teka!

Natawa siya. “Ano iyon, Dad? Joke?”

“Your father’s serious, Ishi. It’s on a testament.”

Doon na kumunot ang noo niya. Naguluhan siya, nalito.

“Ano’ng testament?! Last will and testament, ganun? Nino?”, hindi niya alam kung bakit iyon pa ang itinatanong niya. Nababaliw na ba’ng ama niya?

“It was an agreement written on papers. We can’t break it. It’s been sealed. You are going to get married five years from now.”

Doon siya hindi nakapagsalita.

So to make the story short, ang mga minamahal niya’ng magulang ay pumatol sa isang agreement sa kaibigan nito’ng  businessman, na ipakasal siya sa anak nito. Halos magwala siya, sa mga inihayag ng mga ito. Paano nagawa ng mga magulang niya ang ipagkasundo siya, sa isang tao’ng hindi naman niya kilala? Nagugunaw na ba ang mundo?!

Buong akala niya, sa mga tv lang uso ang mga arranged, arranged marriage na iyan. Pati din pala sa tunay na buhay! Hindi naman sila intsik! Ang malas lang niya, itinakda na agad ang kanyang kapalaran ng hindi man lang niya nalalaman. Pakiramdam niya, pinagtaksilan siya ng mga magulang niya. Akala niya, mahal siya ng mga ito. Dahil simula pa lang bata siya, ibinibigay na lahat ng gusto niya. Buhay lang din naman niya ang kapalit. Hay!

Gustuhin man niya’ng maglayas, mahahanap at mahahanap din siya ang mga ito. Ilang araw niya’ng hindi kina-usap ang mga  magulang dahil doon. Hanggang sa may naisipan siya..

“Mom, Dad… Gusto ko kayo’ng maka-usap.” Seryoso niya’ng sabi sa mga ito, that night.

Nagkatinginan ang mga ito. Pina-upo siya, sa isa sa mga upuan ng office na iyon ng kanyang ama. Ganito sila tuwing may pa-guusapang mahalaga. Parang meeting. Ngayon lang niya napagtanto, na para na rin niya’ng mga ka-business associates ang mga magulang simula pa pagka-bata niya. They made it a deal, na isang araw sa isang linggo lang siya pwede’ng maglaro nu’ng bata pa siya. Hindi siya pwede’ng umalis ng bahay na wala’ng  kasama’ng alalay o di naman kaya ay bodyguard. Wala siya’ng naging masyado’ng kaibigan dahil, mga magulang niya ang mga pumipili ng mga magiging kaibigan. Mapalad pa din ang mga magulang niya sa kanya, dahil open-minded siya. Inisip niya, na gusto lang siya ng mga ito na maprotektahan. But because of what they did to her life, na para’ng hindi rin naman siya buhay. Naisip niya’ng panahon naman para, maranasan niya ang mabuhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Coddie and Ishi (don pixel series) *ONGOING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon