"Alamat ng Tilapya"

558 73 104
                                    

        Doon sa malayong isla, mayroong baryo na tinatawag na Piape na kung saan sagana sa palay, mais, saging at niyog. At sa baryong iyon doon nka tira ang dalawang magkakapatid na sina Barok at Daguhoy, at ang kanilang hanap buhay ay ang pagtatanim ng palay upang makakain   sila sa araw araw. Dahil sa hirap ng kanilang buhay kumakayod silang magkakapatid, si Barok ang taga aro ng lupa at si Daguhoy naman ang taga tanim ng palay.

         Pag dating ng ilang buwan ang kanilang palay na itinanim ay pwede ng anihin ito, masaya Ang dalawang magkakapatid dahil may bigas na silang masasaing. Ngunit si Daguhoy ay hindi nakuntinto sa kanin lang, kaya nag hanap siya ng pwedeng ipares sa kanin. Sinubukan ni Daguhoy ang kamote pero hindi niya ito nagustohan, sumubok naman siya ng iba at sinubukan niya ang saging pero hindi rin nya nagustohan ito, at sumubok naman siya ulit ng iba ngunit wala parin siyang nagustuhan. Hanggang si Daguhoy ay nawalan ng ganang kumain, at sa tuwing kumakain sila umaalis si Daguhoy at pumupunta sa gilid ng ilog upang maibsan ang gutom na nararamdaman. Habang naglalakad si Daguhoy papunta sa ilog ay mayroon siyang napapansin sa ilog, isang isda na malaki at tumatalon at lumalangoy. Bigla naman siyang nag kaiteresadong hulihin ito, kaya tinawag niya si Barok "Sabi niya!" Kuya Barok! Kuya Barok! Paulit ulit niyang tinawag ang kanyang kapatid, Oh! Bakit Daguhoy? Tanong ni Barok! May nakita akong isda! Tulungan mo akong hulihin ang isda na iyon, sagot ni Daguhoy!....

             Sinamahan ni Barok  si Daguhoy sa pag huli ng isda, kumuha sila ng bangkaw at pana para mahuli ang isda, tinira Ito ni Barok ng bangkaw ang isda pero nag mintis ito, tumira naman si Daguhoy ng pana at natamaan ito sa ulo ang isda. "Natamaan ko" sigaw ni Daguhoy!
         Ang galing mo Daguhoy! Papauri ni Barok!.... Anong gagawin natin sa isda na ito Daguhoy? Tanong ni Barok! Lulutoin natin! Sagot ni Daguhoy. Paano? Tanong ulit ni Barok! Edi ihawin natin..... Sagot naman ni Daguhoy sabay pagtatakam nito!.. Inihaw nila Daguhoy at Barok ang isda hanggang sa ito ay maluto, pagkatapos itong maluto agad- agad namang nag handa ng kanin si Barok. Takam na takam na si Barok dahil gutom na ito at gusto na niya itong kainin! Daguhoy kainin na natin to!! Sabi ni Barok. "Huwag" sigaw ni Daguhoy, bakit? Tanong ni Barok! "Wag natin kainin baka ito'y maubos at para may ulam pa tayo mamaya" sagot ni Daguhoy! Eh paano? gutom na ako gusto ko ng kumain... sabi ni Barok! Para hindi maubos..... "Tilap lang ya"..." Tilap lang Kuya" Paulit ulit itong sinabi ni Daguhoy sa kanyang Kuya, Hanggang sa marinig Ito ng kanilang dalawang kapitbahay. Tanong ng isang kapitbahay! Ano raw ang kanilang pinag-aawayan? Ay naku! Yung isda daw "Tilapya" sagot ng isa nilang kapitbahay! ..
   At doon tinatawag nila na Tilapya ang ibang uri ng isda at ito ang  "ALAMAT NG TILAPYA"...
          

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"ALAMAT NG TILAPYA"Where stories live. Discover now