Kabanata 23
MY jaw dropped when I saw the gun he's pointing at me. Halos manginig ako at hindi nakagalaw. My heart began beating abnormally, halos mapaluha ako habang nakatingin sa kanya.
N-no, Iñigo... No, please! 'Yong baby natin!
Napahawak ako sa tiyan ko sa takot sa gusto niyang mangyari pero parang ayaw maniwala ng puso ko na magagawa niya ito. I saw how his jaw tightened at mariin akong napapikit nang kalabitin niya ito. Malakas na putok ang narinig ko at mariin akong napapikit at napahawak sa balikat ko.
My ears are ringing. I closed my eyes and tightly gripped my shoulder, waiting for something to hurt.
Wala akong maramdaman na kahit ano na tila namamanhid. Iminulat ko ang aking mga mata at nanginginig na napatingin sa kamay ko na nakahawak sa braso ko. Unti-unti ko itong sinilip at tumulo ang luha ko nang walang makitang kahit anong bakas ng dugo.
Mabilis na inilipat ko ang tingin kay Iñigo at sa baril na nakaangat pa rin sa ere pero hindi siya nakatingin sa akin. Mabilis akong lumingon at napaatras nang makita ang nakabulagtang lalaki sa lapag habang napapalibutan ito ng sariling dugo.
I screamed when I saw the man at napaatras ako at nabuwal. Malakas na napasalampak ako sa lapag habang umaatras at nanginginig. Patuloy na tumutulo ang luha ko at nanginginig ang katawan ko. Nang bumaling ako kay Iñigo ay mabilis niyang ibinagsak ang baril at tumakbo palapit sa akin.
Mas napaiyak ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at sinakop ang mukha ko.
"T-Thallia," nanginig ang boses niya at hinanap ang mata ko.
"I-Iñigo," tawag ko sa pangalan niya at humikbi. He cursed at mabilis na isinubsob ako sa dibdib niya.
"Sssh. Stop crying," bulong nito at hinaplos ang buhok ko. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay kita ko ang lamlam ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. "I'm sorry," he whispered when our eyes met at mabilis na humiwalay sa akin at pinahid ang mga luha ko.
Nang akmang lilingunin ko ang lalaki na nakabulagta ay kaagad niyang nahawakan ang pisngi ko kaya bumalik ang tingin ko sa kanya.
"D-don't," mariing sabi niya. "We need to get out of here," mabilis siyang tumayo at kaagad akong inalalayan. I was startled when he held my hand at naglakad kami papunta sa baril na nalaglag niya kanina. I watched as he got the gun at mabilis naman niya akong nahila kaya napunta ako sa likod niya.
"H'wag na h'wag kang aalis sa tabi ko," nilingon niya ako at naguguluhan man ay tumango ako at humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Dire-diretso kaming naglalakad palabas ng opisina niya. Nagsitayuan pa ang balahibo ko at kinain ng takot ang loob ko nang makita ang lalaki na nakabulagta.
Is he dead?
"He's not dead," biglang sabi ni Iñigo na animo'y naririnig ang mga iniisip ko. Hindi ako nakasagot at nanatili ang tingin sa lalaki at magkahalong takot at kaba ang naramdaman ko. He was bathing with his own blood at nakita kong nakahawak pa ang baril sa kamay nito.
Kaagad akong napabaling kay Iñigo na sinusuri ang paligid. Did he point the gun to save me sa gustong bumaril sa akin?
Mabilis niya akong nahila palapit sa lalaki at tiningnan ko siya nang kunin niya ang baril sa kamay nito at iniangat sa ere na animo'y may sinusuri.
"Prepared, huh?" umiling siya at nang nilingon niya ako ay napatungo ako. Marahan niya akong hinila papunta sa gilid sa may cubicle at kaagad siyang nag-squat para magtago.
"Come here," marahan akong gumaya sa kanya at kaagad niya akong inilagay sa may likod niya habang sumisilip siya sa paligid.
"W-what's that?" tanong ko sa kanya, naguguluhan. Humugot naman siya nang malalim na hininga bago ako lingunin.
BINABASA MO ANG
Tempting The Heiress
RomanceSandejas Siblings First Installment (2023 EDITION) I Ñ I G O "The best way to not get burned is to never play with fire..." Thallia Josephine Raymundo has only one mission, which is to find the evidence of the crime her father has committed, she has...