Chapter 25

16 1 0
                                    

KATH

My things are all packed! Hahahah. K. Para namang magoout of town? Mag ppractice ka lang kath oy. Hahaha. So tapos na ako lahat. Tapos na akong maligo,magbihis,kumain,magtoothbrush at mag ayos ng gamit.

"Maaaaaaaa!" Sigaw ko habang pababa ako ng hagdan.

"Oh? Jusko naman kath. Nakakagulat ka. Makasigaw ka jan parang nawawalang bata isama mo pa yung mga sigaw sa palengke." Dahil sa sinabi nya napahinto ako.

"Wow mama ha. Over na yan." Grabe naman. Ganun ba kalakas boses? Haha. Okay lang atleast maganda naman.

"Hahaha. Osya sige na pumasok kana baka malate kapa. Mamayang 8 pa work ko eh. May time pa akong magpahinga ngayon." Sabi nya at humiga sa sofa. Fineel. Hahaha. Jusko makaalis na nga.

"Bye ma!" Kiniss ko na sya sa cheeks at tumakbo na ako sa labas.

Pagkalabas ko ng gate. Nakita ko sila tita karla,magui at lelay. Hays. I really miss them so muchhhh. Tatalikod na sana ako ng tawagin ako ni magui.

"ATEEEE KATH!!!" At tumakbo na sakin si magui kasama si lelay.

Close na close kami ng mga to. Si magui yung nagkkwento saakin about kay zharm at dj noon. Basta daw wag ko syang isumbong kay kuya nya. Baka daw kasi magrounded sya at hindi makakapag shopping ng 2 weeks. Kabata bata shopaholic agad. Little julia. Hahaha. At oo, si kuya nya ang nang-ggrounded sakanila imbis na si tita karla. Panganay kasi eh. Wish ko nga ring magkaron ako ng kapatid. Para naman ako rin ang masunod at may mautusan. Hahaha. Joke para may maalagaan ako syempre. Ang saya kaya. Kaya gustong gusto ko 'tong sila lelay. Ang cucute at ang kukulit kasi.

"Hello magui and lelay. Kamusta na kayo?" Tanong ko sakanila at binuhat ko si lelay habang naglalakad kami papunta kay tita karla. Baka malate din kasi si magui sa school nya even me pag nagchikahan pa kami.

"We're okay ate. Kailan kayo magbabalikan ni kuya? Para naman makapag bonding na ulit tayo. Ilang weeks na akong hindi nagmamall. Wala kasi akong kasama eh." Sabi nya habang nakaclosed arms pa. Nako talaga tong batang to.

"Haynako. Pwede naman tayong magmall eh. Tawagan or puntahan mo lang ako sa bahay. Magkapit bahay na nga lang tayo eh. Tyaka diba nagkabalikan naman si dj at zharm. Bakit hindi ka sakanya magpasama? Im sure mahilig din yun magshopping." Napansin kong umiba agad timpla ng mukha nya nung narinig nya yung pangalan na zharm.

"Ugh! That girl. She's so maarte."

"Paano naman sya naging maarte?"

"Kapag pumupunta sya sa bahay namimili pa sya ng ulam. And ate you know what hindi sya nag p'po at opo kay mama. Unlike you, hindi ka namimili ng ulam at nirerespeto mo pa si mama. She's soooo annoying." Flattered naman ako. Aga aga eh. Haha. Pero hindi na bago sakin yun. Halata naman eh pero hindi ko talaga inexpect na pati si tita gaganunin nya. Unbelievable.

"Haynako. Hayaan mo nalang." Sabi ko sakanya habang tinatap ko yung ulo nya.

"Aish! Ate stop doing that. My hair! Ugh!" Jusko. Hahaha. Oo nga pala ayaw nyang nagugulo yung buhok nya.

"Hello kath. Kamusta kana?" Sabi ni tita karla nung nakarating na kami. Tagal naming naglakad pano every may nagsasalita isa saamin humihinto kami.

"Okay lang naman po tita. Kayo po?"

"Okay lang naman anak. Osya mauna na kami ha. Baka kasi malate na si magui eh. Mamaya na chikahan ninyo. Babye. Muah!" Nagpaalam at nagbeso beso na kami. Ang saya ng ganto. Yung parang walang nangyari.

Hinintay kong umandar yung kotse nila at makaalis bago ako maglakad papuntang school. Maglalakad na sana ako ng biglang nagbukas ulit yung gate. Kaya napatalon ako sa gulat.

"Ay palaka!" Sigaw ko.

"Oh kath. Ikaw pala. Gusto mo sabay na tayo?" Tanong sakin ni daniel. Akala ko wala ng tao sa bahay nila.

"Ah hindi na. P-paalis narin ako."

"Paalis narin naman na ako eh." Magisip kapa ng palusot kaaaath.

"Ah ano.. Ah maglalakad lang kasi ako. Mapagod kapa." Galing ko talaga. Buti nakaisip ako ng magandang palusot.

"Maglakakad din ako. Ginamit kasi nila mama yung sasakyan." Oo nga pala no. Huhu. Dapat kasi nagpalate nalang ako eh.

"Okay ikaw bahala." Wala narin naman na akong magagawa kaya pumayag na ako. Makulit eh. Pero ako ang nauunang naglalakad. Ayoko syang kasabay.

"Uy sabi ko sabay tayo." Sabi nya saakin sa kalagitnaan ng lakad namin.

"b-bakit? Hindi ba tayo sabay?"

"Hindi. Ang bilis bilis mong maglakad."

"Ah ganun ba. Late na kasi tayo."

"Halika dito. Hayaan mo mga teachers. Practice lang naman ang gagawin ngayon kaya okay lang." Napatabi ako sakanya kasi hinila nya ako. Wala na akong magawa. Konting tiis nalang kath. Nakikita ko na yung school.

"Osige daniel una na ako. Andun na si juls. Bye." Hindi ko na hinintay sagot nya at kahit hindi ko pa nakikita si juls agad na akong tumakbo. Ayokong makita kami ng mga classmates or schoolmates namin na magkasama. Duh mag ex kami at sikat sya sa school im sure. Pag uusapan nanaman at magkakaroon nanaman ng issue.

--
Hilu. Thankyou for reading. Godbless you! :)

Right Person at the Wrong Time.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon