Grow Old With You (My Valentine's Continuation)

1.8K 26 13
                                    

nandito ako ngayon sa kitchen ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko.

natuwa nga ako dito eh kasi yung pangalan ng restaurant 'J&S' naalala ko na dahil sa JS Prom naging kami ni Jairus. JS prom noong nagkalakas sya ng loob para sabihin yung nararamdaman nya sakin. JS prom naging kami. At JS, J stands for Jairus at S stands for Sharlene.

at speaking of J, si Jairus wala sya sa pilipinas. sa USA sya nagtapos ng kolehiyo, nagOJT at doon narin nagtatrabaho.

Lagi kaming magka-skype, viber at face time kaso this past 2 weeks di sya nagpaparamdam. I tried to text him kung okay lang ba ang kalagayan nya kung anong nangyari pero ni isang dot wala pa din. Nagaalala na ko, di maalis sakin ang kaba.

Baka mamaya meron na siyang iba, nakalimutan nya na ko, may mahal na syang iba.

Di ko kaya yun. :(

---

Saturday ngayon, di pa din nagpaparamdam ang Love of my life ko.:(

"Sharlene, gusto kang kausapin ni manager!" sigaw ni Mika yung katrabaho ko.

dali-dali naman akong pumunta sa office ng manager namin.

"S-sir?" sabi ko.

"Naalala mo ba nung pinagbake kita ng isang chocolate cake?" sabi ni Sir.

bukod kasi sa pagluluto ay magaling din ako mag-bake.

pero kahit na, di parin ako kampante, kinakabahan padin ako.

"O-opo" kabadong sagot ko

"Nagustuhan yun ng ating client, at dahil tommorrow may event na mangyayari dito sa ating restau kailangan mo ulit gumawa ng 4ft chocolate cake, is that clear ms. San Pedro?" sabi ni Sir ng nakangiti pero nakakatakot parin, nakakatakot yung pagkakadeliver ng mga sinabi nya.

"Y-yes Sir" sabi ko, I'm still nervous.

"Make sure na masarap yun Sharlene, okay? You may go" pagkasabi nya nun tumango ako at agad agad na lumabas ng opisina nya.

4ft chocolate cake, okay. Paghahandaan kita.

after lunch break kumuha na ko ng mga ingredients na kakailanganin.

at nag-start na kong gawin iyon.

inabot din ako ng 7 hours sa pag-gawa syempre with the help of my sis Mika.

"Sharly, 10pm late na masyado. Una na ko, umuwi ka na rin! Okay?" Yuppy, Sharly ang tawag na sakin. It's better than Shar or Sharlene daw.

kaya pala umuwi na sya nandyan na ang sundo nyang si Paul ang kanyang forever :) wish Jairus was here too, to fetch when it's dangerous outside.

kinuha ko yung cp ko at tinignan ang napakapogi kong wallpaper, at si Jairus iyon.

namimiss ko na sya, ilang months pa lang kami nung umalis sya ng bansa.

Bigla ko nalang naramdaman na may tumulong luha sa kamay ko, bakit di sya nagpaparamdam? May iba na kaya siya? Niloko nya lang ba ko sa 5 years na naging kami.

hayyy Jairus, masyado na kitang pinoproblema.

di mo na nga ako kinakumusta, ni-text, ni message sa fb wala.

bahala na, pero masyado na kong nasasaktan, nung last time na nagchat tayo ang sweet sweet mo sakin.:(

bigla naman akong napatingin sa cake na ginawa ko.

"Ano kayang event ang mayroon bukas at kailangan 4ft ang taas mo?" para akong baliw na kinakausap ang cake. :(

umuwi na lang ako.

Grow Old With You (My Valentine's Continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon