HIGH SCHOOL.
Kapag naririnig mo ang mga katagang iyan ano ba ang naiisip mo?
-Nakakamiss? (wee di nga? 'yung totoo?)
-Nakakatuwang balikan? (inshort 'imagination')
-Nakakaiyak (para sa mga EMO kuno)
-Nakakabadtrip! (sa mga binu-bully)
-Masarap balikan ('yung Literal ba kamu?)
-Ok lang (Sa mga hindi masyadong nag-enjoy)
-Nakakasawa (alam na, 'yan yung maririnig mo sa taong napagod mag-aral ng 10 taon sa HS)
Ano pa ba, parang meron akong nakalimutan ee. Yung tipong nasa dulo na ng dila ko hindi ko pa masabi. Yung tipong may gusto ka sanang gawin pero hindi mo nagawa kaya nalungkot ka? Hindi ee. A ! alam ko na.
-NAKAKAPANGHINAYANG maririnig mong sinasabi ng iba.
Bakit nga ba? bakit nakakapanghinayang ang High School?
Dahil hindi ka nag-aral ng maayos kaya nahihirapan kang intindihin kahit simpleng Math Problem? o baka naman hindi ka maka constract ng maayos at naiintindihang English Sentence? Baka naman, nanghihinayang ka dahil ikaw ang huling natutong uminom (ng alak) kaya ikaw din ang huling nalasing. Nanghihinayang ka dahil, ikaw sana ang magiging Top One sa klase pero hindi nangyari dahil nahuli kang nagche-cheat sa exam. Nanghihinayang ka dahil hindi mo na-pass ang project mo sa TLE na Recipe book na isang buong gabi mong pinagpuyatang isulat pero hindi natanggap kasi nahuli ka lang ng ilang minuto sa oras ng deadline. Nanghihinayang ka dahil nagkaaway kayo ng bestfriend mo sa kadahilanang sinulot niya ang syota mo, o baka ikaw naman ang nanulot ng syota kako? A, baka nanghihinayang ka dahil hindi mo na memorays ang periodic table na tatlong taon nyong pinag-aralan sa Physics at Chemistry kaya hindi mo naintindihan ang joke ng crush mong "Are you made of copper and Tellirium?" O baka naman naghihinayang ka dahil kahit isang beses hindi mo naranasan umakyat ng bakod at mag 'cutting classes' (ang bait mo naman). Alam kong hindi pa kumpleto ang listahan ng mga 'nakakapanghinayang'. Pero wala nang mas titindi pa sa paghihinayang na nararamdaman ko. Daig ko pa si Son goku na nag Super Sayan(g). Gets mo? kung hindi wag na lang nating pag-usapan (double-facepalm).
Naiisip mo na ba kung bakit ko iniisa-isa ang mga 'nakakapanghinayang' moments na ito. Matalino ka kung alam mo na ang dahilan. Tama; 1 word, 7 letters REUNION. O, bakit nalungkot ka? akala mo lovestory no?!
Andami kong sinasabi ni hindi mo pa nga alam ang pangalan ko. Ako nga pala si Miguil Dimagiba. Alam kong mabantot ang pangalan ko pero wala nang mas babantot pa sa baho na kili-kili ng kasama mo. O, wag kang tumawa. Pagsabihan mo na lang na gumamit siya ng Rexona pag may time. Srsly, (seryoso) Miguil Dimagiba ang pangalan ko at wala ka na 'dun kung bat kulang ng 'e' yan, pwede mo naman akong tawaging Migs (insert winking smiley here). Isa ako sa mga pinagpalang maka-graduate ng highschool. Batch 2007, ang taong hindi pa masyadong uso ang social network pero nauso na ang friendster.
Ako si Miguil Dimagiba, dalawampu't-dalawang taong gulang at binata (tinatanong ba?). Grumaduate sa kursong Business Management at nagtra-trabaho bilang manager sa isang Bangko 'dun sa Makati. Kahapon ko lang 'din nalaman (Biyernes) na magre-reunion kami sa susunod na araw. Hindi sana ako pupunta dahil alam ko naman ang mga buhay-buhay ng mga classmates at kaibigan ko 'nung highschool (dahil sa facebook) at pagod 'din ako sa limang sunod-sunod na araw na subsob ako sa pagtra-trabaho. Pero naalala ko kasing dalawang beses na kaming nagre-reunion at ni isa sa mga iyon wala akong napuntahan. Nung unang reunion nagkataong namatay si Lolo at nung pangalawang reunion naman (makalipas ang dalawang taon) ay final exam ko naman sa mga major subjects.
Sa mga nakaraang reunion halos kumpleto sila. Halos lang, hindi kumpleto. Hindi marami at hindi rin konti. Halos lang dahil wala ako syempre (pa-espesyal?). Seryoso, halos lang dahil hindi um-attend ang iba. Masyado pa raw kasing maaga para sa reunion, pansin mo? kada dalawang taon nag-o-organisa sila ng reunion, hindi naman sila masyadong excited. Anong silbi ng reunion kung ganun, walang sense 'di ba? kung bakit? mahirap i-explain. Hindi naman sa KJ mo matatawag ang iba sa mga classmates ko at ako na rin, pero dapat kasi after lima o sampung taon ang reunion (opinyon ng nakararami) kaya naman sa nakaraang reunion palpak at halos kumpleto lang sila. Nga pala 'yung dalawang rason na nabasa mo sa taas totoo ang mga 'yun, baka kasi sabihin mong gawa-gawa ko lang.
Ngayong pangatlong reunion, ang class president na talaga na si Roneth Sanchez ang nag-organize, teacher na ngayon. Nagulat nga ako kung paano niya na-organisa ang reunion e madaming ginagawa ang isang guro sa pagkakaalam ko. Isa rin si Roneth sa mga kaklase kong hindi pumunta sa nakaraang reunion, dahil sa nag-aaral; 'achiever' kasi ito. Gaganapin naman sa clubhouse na malapit sa aming dating paaralan na pagmamay-ari naman ng aming Treasurer si Jigger Reyes. Oo, tama iniisip mo. Si Jigs ang pinakamayan sa buong batch 2007, hindi lang siya treasurer ng class namin kundi treasurer rin si Jigs ng batch 2007. Mabait naman si Jigs at napaka-galante kaya naman siya na rin ang gumastos sa lahat ng mga gastusin para sa gagawing reunion. Ang gagawin na lang namin e pumunta sa nasabing event ng taon, REUNION.
NOW PLAYING: ALUMNI HOMECOMING [ kung alam mo 'yan, pakinggan mo yan ngayon habang nagbabasa. 'Yan kasi ang pinapakinggan ko habang sinusulat 'to :) ]
Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang pinag-uusapan pa natin ang reunion naming magka-ka-klase, ngayon andito na ako sa loob ng kotse ko at inaayos-gulo ang aking buhok. Kinakabahan na talaga ako. Oo, tama ang basa mo. Sino ba naman ang hindi kakabahan e may motiff pala ang reunion namin. Required kaming magsuot ng tuxedo at kelangan daw naming magdala ng corsage. JS PROM daw kasi ang motiff, kamusta naman 'yun?
At eto pa ang matindi. Hindi kami papasukin kung wala kaming dalang ID. ID namin 'nung highschool. Mabuti sana kung ang gwapo ko 'nun e hindi ako mahihiyang dalhin. Hindi e, sa kasamaang palad hindi ako nabiyayaan. Ngayon lang umayos ang mukha ko 'nung napag-isip-isip kong gumamit ng pampa-gwapong Master. Kinuha ko ang ID
BINABASA MO ANG
REUNION (one shot)
HumorBasahin mo na lang, hindi ako magaling mag describe. (insert smiley here) Basta REUNION! xD