Act Like You Love Me

138 1 2
                                    

"Nakakapagod ka pala talaga mahalin..." mahinang sambit nya bago tuluyang tumalikod sa akin. Masakit, masakit marinig sa kanya ang mga katagang iyan. Hindi ko alam na pagod na pagod na pala talaga sya sa akin. Unti unti ay napatingin ako sa likod nya hanggang tumigil ito sa pag-lalakad. "Suko na ako... ayoko na. Ang hirap mo nang intindihin, nakakasawa ka na. Nakaka pagod ka na." Usal nya bago tuluyang tumakbo.

Alam ko sa oras na maglaho na sya sa paningin ko ay mag-lalaho na ren ang salitang kami. Gusto ko syang pigilan pero hindi ko magawa, gusto ko syang sundan pero nanghihina ang mga tuhod ko, gustong gusto ko humingi nang tawad sa kanya pero natatakot ako... natatakot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nalilito ako.

"I-irish..."

Act Like You Love MeWhere stories live. Discover now