Royal Academy: 9

170 12 2
                                    

Chapter 9: Apat na Sulok ng Royal Academy

**
LOLO GARDE's POV

Nasaksihan nyo na ang dalawa sa mga tagapangalaga nang mga kapangyarihan na mangangalaga  sa buong paaralan. Ngayon, atin namang talakayin ang apat na sulok ng Royal Academy na pangangalagaan  ng mga tagapangalaga.

Boromeyo ng tagapangalaga ng Tubig.

Ang Boromeyo, isa sa mga tanyag na kaharian dito sa Royal Academy, kung saan ang katulad naming nuno, ay nakatira. Dito rin matatagpuan ang sentro nang balita sa Royal Academy na kung tawagin ay si Noyisha. Dito nakatira ang mga hayop pinangangalagaan nang mga kapwa nuno ko, na magagamit kung may digmaan.

"Ihanda ang mga mororno (hayop)!!" sigaw ng lider ng Boromeyo.

Tumango na lang ang mga alagad nyang nuno.

Ilang sandali lang, nandoon na ang mga mororno. Kaagad nang hinanda nang lider ang kanyang sarili. Bumuntong hininga sya, at naglayag na.

ILANG sandali pa, nakarating na sa digmaang lugar ang mga Boromeyan. Kasama ang lider, mga kawal at mga iba pang kasapi.

"Tila kakaunti lang kayo?" Tanong nang kanilang kalaban.

"Dahil kaya na namin ito, nang kakaunti lang kami." Palaban na pahayag nang lider.

"Masyado kang mapagmalaki. Tignan na lang natin." Ani nang lider nang kanilang kaaway.

Bumunot nang malakas na puwersa ang lider nang Boromeyan, at nakipag-digma.

Istatum ng Tagapangalaga ng Apoy.

Isa sa mga matatapang ang pinipili nang tagapangalaga nang apoy. Dahil ang disenyo nang kahariang ito, ay napaka layo sa disenyo nang Boromeyo. Makikinang at mamahalin ang gamit pang disenyo nang Boromeyo. Ngunit ang Istatum, mapupula at mas madami ang nakakalat na apoy sa paligid nang Istatum. Kaya apoy talaga ang isinisimbolo nito.

Ang kahariang ito, una mang natatatag sa mga iba pang kaharian, hindi mahuhuli ang Istatum sa mga kagamitan at mga kawal. Tapang na isinisimbolo nang apoy. Ang mga kawal nila, mga kasuotan, mga kagamitan, ang mga palamuti, ay syang mapapansin nyo kapag pumasok kayo sa kahariang ito dahil sa sobrang bago nito.

"Mga junabit (pasaway)!! Hindi ba't sinabi kong umalis na kayo! Wala na akong kailangan sa inyo." Sumabat nang punong tagapamahala nang Istatum.

"Kaya ko na 'to nang mag-isa." aniya ulit.

Kinuyom niya ang kanyang mga kamao at binigyan nang mga matitigas at malalalaman na suntok at sipa ang kalaban. Masyado syang gigil lalo na't marami nang atraso sa kanyang ang kanyang kalaban.

"Hindk mo naman kailangan ilagpatuloy ito. Huwag ka nang magtapang-tapangan." Ani ng kanyang kalaban.

Kumunot ang noo nya.

"At anong tingin mo sa akin? Duwag? Kung iyon ang tingin mo sa akin, well, you won't. Kasi di porket kaano-ano kita, di na kita masasaktan!" Aniya sabay labas nang malakas na apoy mula sa kanyang palad.

Yorna ng tagapangalaga ng hangin.

Isa sa mga kailangan nang mga tao ang hangin. At kagaya nang kahariang ito, napaka royal nang loob nito. Napaka tahimik. Kagaya nang tagapangalaga, palabiro ito ngunit matapang. Na isa sa mga katangian ng hangin. Kailangan natin ito. Mahalaga sa atin ito.

"Tara na't magsaya!!" Ani nang lider ng kahariang Yorna. Isa sa mga payapa, maganda at tanyag na kaharian sa Royal Academy.

Ngayon, nagsasaya sila dahil sa kasiyahang nakamit ng grupo nilang Yornan. May pagpupunyagi na nangyari kagabi kaya't panahon naman para magsaya.

"Laking pasasalamt kong isa ako sa mga pinili nyo, Lider!" Masayang sabi ng isa sa mga kawal nang Yorna.

Nagkakantahan, sasayawan, konti pagsasalo, konting inuman... nang juice. At sa huli, napagdesisyunan nilang mag bonfire.

Sa ilalim nang bonfire, may tawanan pa ring nagaganap. Hindi ito mawawala dahil sadyang masayahin ang kanilang lider. Kaya sa paglubog nang gabi, tawananan nang tawanan pa rin ang nagaganap.

"Tama na, Lider!! Ang sasakit na nang mga tiyan namin!" Sabi nang mga dama nang Yorna habang tumatawa pa rin.

Barka ng tagapangalaga ng kalikasan.

Ito ang punong bulwagan nang mga kaharian. Tila halos sa lahat nang pagkakataon, mapa digmaan man ito, pagpupulong, o kahit ano pa man, laging sa Barka ang pinag-gaganapan. Maliban na lang kung sariling problema nang mga kaharian ito o di kaya'y may pumanaw, di na nila kailangan pang magtungo sa Barka dahil problema na iyon na mga kaharian. Ngunit kung tungkol naman ito sa pagpla-plano, laging Barka ang lugar kung saan ang ganapan.

Ang loob nang Barka, mula sa tagapangalaga, ay madahon. Gaya ito nang Istatum na isinasagisag ang kanilang mga tagapangalaga. Ang pakalat-kalat na dahon, ang halos lahat na armas na yari sa dahon at sanga nang puno. Lahat galing sa kalikasan. Ngunit, hindi mawawala ang pangangalaga nila dito. Masinop sila pagdating sa mga bagay na iyon. Pagdating sa pagdidilig, wala nang problema. Ang kanilang problema na lang kung hindi sila maka-dilig.

"Ating pangalagaan ang kalikasan!" Sigaw nang punong kawal nang Barka na nasa tabi nang lider.

"Ime dite Barka (Mabuhay ang Barka)!!" Sigaw nang mga sankatauhan.

Ngumiti ang lider nila at tsaka nagsalita.

"Ang ating tagumapay, ay hindi mangyayari kung wala kayo." Tagos sa puso na sambit nito.

Nagsigawan at naghiyawan ang mga kasapi nang Barka.

Lingid sa kaalaman nang lahat, hindi sa labas kundi sa loob nang Royal Academy ang apat na kaharian na ang Boromeyo, Istatum, Yorna at Barka. Kapag ikaw ay nakapasok sa Royal Academy, parang pormal ngunit malaking paaralan lamang ito. Pero iilan lang ang nakakaalam kung saan ito matataguan. At kung saan ito matatagpuan...

Mababasa nyo sa susunod na mga kabanata.

***

Mababasa sa mga susunod na kabanata. Sa mga susunod pa. Hindi sa chapter 10, okay? Siguro, either 11 or 12.

So special mention kay KCasandra029

So maraming salamat sa mga nagpa uto este nagbasa nitong ud.

Royal Academy: Earth VS. Fire  (On Going)Where stories live. Discover now