Noli Me Tangere Script
Noli Me Tangere
(Background Music On)
Basilio: Mga pangarap, mga liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marami ang nagdurusa, marami ang nananahimik ngunit napapahamak. Oo, naninirahang takot at naghihinagpis, hihintayin ko ang araw na itong lahat ay lilipas, malayo sa kabiguan at pang-aapi. Kaya kayong mga kalaban ko, mga dayuhan, huwag niyo akong salingin.
(Background Music Off) Palit ng Set
SCENE 1
Narrator: Balitang balita sa buong kamaynilaan ang isang malaking pagtitipon na magaganap sa mga huling araw ng Oktubre. Lahat ay aligaga at labis na naghahanda para sa pakikipagsosiyalan sa nasabing pagdiriwang.
GIRL 1 : Oy, alam mo ba, kumare? Isang pagdiriwang daw ang magaganap sa bahay nina Kapitan Tiyago!
GIRL 2: Aba, kina Kapitan Tiyago nga ba, ine? Hmmm.. Naturalmente lamang na ito'y magiging magarbo!
Lalaki: Aba siyempre, ano! Paniguradong magdaratingan ang mga donya't don sa tahanan ng mga Santiago De Los Santos!
GIRL 1: Ay, tama ka diyan!
GIRL 2: Kaya't kailangan talaga nating magsipaghanda!
Lalaki: Pasosiyalan na naman ito!
GIRL 2: Hayy. O, Bueno! Mauna na, ko ha? Magkitakita nalang tayo doon!
LALAKI: Bueno, siya sige, mabuti pa nga!
GIRL1: Oh, sige paalam na sa inyo! Kita kita nalang!
-exit lahat-
Scene 2 Act 1
Tiya Isabel: Diyos ko! Narito na pala kayo, Buenos Tardes, mga seniora, senior! Maligayang pagdating sa tahanan ng mga Santiago De Los Santos! (nakaharap sa bisita). . .Ay naku, Tiago, Diyos ko, nasaan ka na!(audience ang parang kausap)
(may mababasag na pinggan: sound effect)
Tiya Isabel: Hesusmaryosep! Maghintay lang kayo, mga bulagsak!(aalis sa set na para bang nagmamadali)
(Padre Damaso, pagala-gala)
Padre Damaso: Tsk, nakakainis, Kahit kailan ay wala talagang kuwenta ang mga Indiyong iyan! Mahigit dalawampung taon akong nanilbihan sa bayan ng San Diego tapos ililipat lang nila ako sa ibang bayan ng ganon ganon lang? napakawalang asal na mga Indio!(walang kausap, nagsasalita habang pagala-gala)
(napatigil si Padre Damaso ng kausapin ang lalaking kulay pula ang buhok. . .Si Padre Sibyla ay nasa isang tabi pinapanuod si P.Damaso at makikisawsaw sa usapan ng dalawa)Lalaking kuay pula ang buhok: Padre, baka nakalimutan ninyong Indio din po ang may-ari ng bahay na ito.
Padre Damaso: Wala akong pakialam, buwisit, napakatamad talaga ng mga Indioat makasalanan pa!
Kaya hindi umuunlad ang baying ito dahil hindi sila marunong mangumpisal!
Padre Sibyla: Maaaring masaktan niyo si kapitan. . .
Padre Damaso: Matagal nang ipinagpalagay ni Tiago na siya'y hindi isang Indio. Wala nang makatatalo sa kamangmangan ng mga Indio!
Lalaking kulay pula ang buhok: Eh, padre, ang sakit mo naming magsalita, parang hindi mo matalik na kaibigan si Kapitan Tiago, at, ninong ka naman ng anak nyang si Maria Clara. Hindi ba kaibigan mo din yung yumao na si Don Raph. . .
(sumabad si Padre Damaso)
Padre Damaso: Tumigil ka!Para kang kung sinong nagmamarunong!
(biglang natigil ang usapan)
Tiya Isabel: Aba'y nandito na pala ang aking pinsan.