"Teka! ikaw yung baliw!" lumaki ang mata ng binata ng mamukaan niya si Ha Jin at tinuro pa niya ito, ngumuso naman si Ha Jin at masamang tinignan ito.
"Hindi ako baliw!"
"Tsss! ano ginagawa mo dito? Stalker ka ba? Sinusundan mo ako no!" namula naman ang dalaga sa mga tanong at konklusyon ng binata.
"Hindi no! may ka dinner..."
"Date?" napatingin siya sa binatang nakataas ang isang kilay nito.
"Ahm parang....."
"Asan yung kadate mo?"
"H-Huh?"
"Ituro mo sakin at kakausapin ko sasabihin ko sa kanya na huwag makipagdate sayo kasi baliw ka at sinusundan mo ako" nakita ng dalaga ang pag ngisi nito.
"Ikaw!" tinuro ni Ha Jin ang mukha ng binata kaya nagulat ito sa inakto niya.
"tandaan mo to pagsisisihan mo ang mga ginawa mo sakin pag natandaan mo na ang lahat" iniwanan ni Ha Jin ang binatang gulat sa inasto at sinabi niya, habang siya ay naglakad na pabalik sa table nila.
"Baliw!" narinig pa niya itong nagsalita at binangga siya nito.
"Yah!" nilagpasan lang siya ng binata at hindi man lang siya nilingon, dere deretsyo itong naglakad, napailing nalang siya sa inakto nito at bumalik sa paglalakad pero napahinto siya sa narinig at nakita niya.
"Mr. Wang" nakita ni Ha Jin ang pag ngiti at pagshakehands nila Ha Neul at ang tinatawag niyang Wang.
"Kilala mo siya?" nagulat ang dalawa sa biglang pagsulpot ng dalaga sa table nila, sumalubong nanaman ang kilay ng binata sa kanya.
"Yung totoo sinusundan mo ba ako hanggang dito?"
"Siraulo ka ata eh kasama ko sila dito" natahimik ang lahat at napatingin sa kanya ang pinsan at ang asawa nito na gulat na gulat.
"Ako siraulo?" gulat parin ang binata sa sinabi ni Ha Jin
"Oo!" napangiti si Ha Jin dahil sa wakas nasabihan niya ng hindi maganda ang tinuring na hari ng Goryeo , minsan din niyang gustong murahin ito noong nasa nakaraan pa siya pero hindi niya magawa dahil hari ito, dahil sa inis niya dito kasi ni minsan hindi man lang binasa ang mga sulat niya at dalawin siya sa bahay nila ni Jung na kapatid nito.
"Ahm Ha Jin" napatingin siya kay Ha Neul na parang sumakit ang ulo nito sa nangyayare gayun din napatingin siya sa pinsan niyang napahawak sa noo at hinihimas niya ito.
"Wae?"
"Hindi mo ba siya kilala?"
"Hindi!" muntik na siya doon, muntikan na niyang sabihin na kilala niya ito maski siya at lahat ng nasa harapan niya.
"Siya ang kapatid...."
"Ako ang kapatid ni Wang Moo ng Wang Company, at ako si Wang Jun ang tagapagmana ng kumpanyang yon" natahimik si Ha Jin sa pagpapakilala ng binata sa kanya.
"At investor natin siya sa kumpanya kaya dapat maging magalang ka sa kanya" napatingin siya sa nagsalita niyang pinsan. So hanggang ngayon mayaman parin pala ang lalaking to nasa dugo talaga niya ang pagiging isang mayaman.
"At sa pagkakaalam ko rin minsan na ako naging hari ng Goryeo" mas lalong lumaki ang mata niya sa sinabi nito.
"Wa....Wang S...."
"biro lang" at tumawa ng malakas ang binata sa sinabi niya.
"Sige aalis na ako nag aantay na yung kuya ko sa table namin" tumalikod na ito sa kanila at nagsimulang maglakad pero huminto ito at tumingin ulit sa kanila.
"Nice meeting you Ha Jin hindi pa tayo tapos" at iniwanan siya nitong gulat sa mga sinabi nito.
"Ha Jin i cant believe it na tinawag mo siyang siraulo" nakayuko parin si Ha Jin kahit na naiirita na siya sa pinsan niya pano kanina pa siya nito pinapagalitan kesyo bakit daw niya sinabihan na siraulo ang kapatid ng investor nila.
"Eonnie, tama na ha" hinawakan niya ang balikat nito nasa kotse na sila at hinatid siya ng mga ito sa tinutuluyan niya.
"Pero mali ang ginawa mo"
"Sige Eonnie hihingi ako ng apology"
"Dapat lang no! dapat formal apology"
"Araso bukas na bukas hihingi ako ng tawad para matahimik ka" ngumiti si Ha Jin at humalik sa pisngi ng pinsan niya. "Para matahimik ang pinsan mo o para matahimik yung diwa mo dahil hindi mo na kailangan hanapin pa si Wang So pwedeng pwede mo na siya puntahan sa opisina niya kahit anong oras" natawa siya sa iniisip niya sa wakas pwedeng pwede na siya makalapit ulit sa binata.
"Aigo" napailing nalang si Myung Hae sa sinabi ng dalaga.
Nagdadalawang isip si Ha Jin nang makita ang napakalaking building sa harapan niya walang iba kundi ang Wang Company, halong kaba at excitement nararamdaman niya na makikita ulit ang binata.
"Nice meeting you Ha Jin hindi pa tayo tapos" namula naman siya ng maalala niyang sabihan siya nito, napabungisngis pa ito dahil sa kilig na nararamdaman, pero agad namang nawala iyon ng bumalik siya sa realidad huminga siya ng malalim at naglakad na patungo sa malaking gusali na pagmamay ari ni Jun.
"Good morning maam" bati ng receptionist
"Good morning" tugon niya rito
"May kailangan po ba sila?"
"Nandito po ba ngayon si Mr. Wang Jun?"
"May appointment po ba kayo kay sir?"
"M-meron ay! wala hehe" ngumiti ito
"Ahm maam hindi po kasi..."
"Kilala siya ni Sir sa pagkakaalam ko rin may appointment si sir sa kanya" napatingin si Ha Jin sa nagsalitang lalaki sa gilid niya
"Good morning Sir Jimong"
"Good morning tara ihahatid kita sa kanya" naunang naglakad si Jimong habang si Ha Jin ay hindi makapaniwalang sasamahan siya ni Jimong para kay Jun.
"Kamusta ka naman Ha Jin?" nasa loob na sila ng elevator ng basagin ni Jimong ang katahimikan.
"O...Okay lang ikaw?" ngumiti lang si Jimong sa kanya.
"Kapag bukas ng elevator kumanan ka nandon ang sekretarya niya sabihin mo na kilala mo ito at ako ang nagpapasok sayo"
"Ah okay" naging tahimik ulit ang paligid marahil dahil nagtataka parin itong si Ha Jin at hindi makapaniwala sa nangyayare.
"Nagtataka ka siguro kung bakit ako nandito"
"Oo bakit nga ba?"
"Dahil ang Crown Prince na si Prince Moo ay tinuring na tunay na kapatid ulit ngayon ni King So at ako ang sekretarya niya" ngumiti ito sa kanya
"Pero bakit? I mean inampon niya si Wang So?"
"Oo"
"Paano?"
"Ikaw na ang dapat mag alam niyan" natahimik si Ha Jin sa sinabi ng lalaki.
"P-pero paano?"
"Kasi gaya nga ng sinabi mo ang lahat ng bagay ay bumabalik sa orihinal nitong kinalalagyan" biglang bumukas ang pintuan ng elevator.
"Pasayahin mo siya Ha Jin" na unang lumabas si Jimong at naiwang natulala ang dalaga "Sino ka ba talaga Jimong?" tanong na bumagabag sa isip niya
"Sir?"
"Yes?"
"Eto na po si maam na nagpapasok kay Mr. Jimong na may appointment daw po sa inyo" napasulyap si Jun sa dalaga at muling inirapan pero nahinto ito at muling tumingin rito, nanlaki ang mga mata niya naturo si Ha Jin.
"Ikaw! anong ginagawa mo dito?" natahimik siya at napagtantong nandun parin ang kanyang sekretarya na nagulat sa kanyang reaksyon.
"Ahm sir? kung gusto niyo po palalabasin ko nalang si ...."
"No! leave us alone"mahinahon na niyang sinabi ito sa sekretarya niya.
"Ok sir"
BINABASA MO ANG
Moon Lovers 2 [Fanfic]
FanficMatapos malaman ni Ha Jin ang kanyang nakaraan at ang malaking bagay na naitulong niya sa mahal niyang hari na si Wang So ng goryeo nakabalik narin siya sa kasalukuyang panahon. "Patawarin mo ako, dahil iniwanan kita" patuloy parin ang pag iyak niya...