noli script
Saturday, March 6, 2010
Noli Me Tangere Script
Noli Me Tangere
(Music on. . .[”Noli me Tangere”]. . . Curtains off)
Basilio: Mga pangarap, mga liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marami ang nagdurusa, marami ang nananahimik ngunit napapahamak. Oo, naninirahang takot at naghihinagpis, hihintayin ko ang araw na itong lahat ay lilipas, malayo sa kabiguan at pang-aapi. Kaya kayong mga kalaban ko, mga dayuhan, huwag niyo akong salingin.
(curtains on. . .palit ng set)Tiya Isabel: Diyos ko! Narito na pala kayo, magandang gabi sa inyong lahat, salamat sa inyong pagdating. (nakaharap sa bisita). . .Ay naku, Tiago, Diyos ko, nasaan ka na!(audience ang parang kausap)
(may mababasag na pinggan: sound effect)
Tiya Isabel: Hesusmaryosep!Maghintay lang kayo, mga bulagsak!(aalis sa set na para bang nagmamadali)
(Padre Damaso, pagala-gala)
Padre Damaso: Tsk, nakakainis, ilang taon na akong nagserbisyo sa San Diego, ngayo’y inilipat ako sa isang bayan; napakawalang asal na mga Indio!(walang kausap, nagsasalita habang pagala-gala)
(napatigil si Padre Damaso ng kausapin ang lalaking kulay mais ang buhok. . .Si Padre Sibyla ay nasa isang tabi pinapanuod si P.Damaso at makikisawsaw sa usapan ng dalawa)
Lalaking kulay mais ang buhok: Padre, isang Indio din ang may-ari ng bahay na ito!
Padre Damaso: Wala akong pakialam, buwisit, napakatamad talaga ng mga Indio, at makasalanan pa!Hindi marunong magkumpisal tsk, walang pagbabago sa kalagayan ng bayan!
Padre Sibyla: Maaaring masaktan niyo si kapitan. . .
Padre Damaso: HMP!Matagal nang ipinagpalagay ni Tiago na siya’y hindi isang Indio. Inuulit ko, wala nang makatatalo sa kamangmangan ng mga Indio!
Lalaking kulay mais ang buhok: Eh, padre, ang sakit mo naming magsalita, parang hindi mo matalik na kaibigan si Kapitan Tiago, at, ninong ka naman ng anak nyang si Maria Clara. Hindi ba kaibigan mo din yung yumao na si Don Raph. . .
(sumabad si Padre Damaso)
Padre Damaso: Tumigil ka!Para kang kung sinong nagmamarunong, umalis ka sa aking paningin!
(biglang natigil ang usapan)
Tiya Isabel: Aba, nandito na ho ang aking matalik na pinsan, at ang kasama niyang si. . . .
Ibarra: Ah, Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin po, Masaya akong Makita kayong lahat.
(nagpalakpakan, liban kay Ibarra)
Kapitan Tiago: Ah, eh, oh sige Crisostomo, iiwan muna kita. (alis sa set)Ibarra: Ah, Reberensya, kayo po ba si Padre Damaso? Ang matalik na kaibigan ng aking yumaong ama na si Raphael Ibarra!
Padre Damaso: Ha! Bata, ako nga si Padre Damaso, paumanhin ngunit ni minsa’y hindi ko naging kaibigan ang iyong ama!Tiago: Ah, kilala niyo pala si Padre Damaso, handa na ang hapunan!
(curtains on. . .palit ng set..habang nagpapalit ng set…*offstage voice*)
Victorina: Argh… wala ka bang mata?!
Tinyente: Mayroon po, Senyora. Ngunit ako ay nakamasid sa kulot ninyong buhok..
Victorina: Argh…
(curtains off..ready na ang set: hapag kainan)
Tenyente: Don Crisostomo, ilang taon kayong nag-aral sa Europa?
Crisostomo Ibarra: Pitong taon po…
Tenyente: Aaaah…pitong taon? Naku, baka nakalimutan mo na ang bayang ito!
Crisostomo Ibarra: Naku, baka ako nga ang nalimutan ng bayang ito.
Padre Damaso: Hmph, sabihin mo nga bata, bakit ka pumarito?
Crisostomo Ibarra: Ah, nais ko pong mas makilala ang bansa kong sinilangan at malaman kung bakit at paano namatay ang aking ama.
Padre Damaso: Bata, pumarito ka dito sa Pilipinas upang makilala ang bayang ito? Alam nating lahat na mga Indio ang nakatira sa lupaing ito! Napakaliit na bagay ang sinadadya mo rito, walang mahalaga dito sa bayang ito!
Crisostomo Ibarra: Reberensya, huwag po kayong magsalita ng ganyan, mayaman itong bayang Pilipinas tulad ng Inang Bayang Espanya!
Padre Damaso: Ha! Ganito na ba ang mga binata ngayon? Nagmamarunong! Walang asal, sinasagot pa ang reberensya, parang matalinong magsalita!
Crisostomo Ibarra: Senyores, huwag kayong magtaka sa aming dating kura, ganyan na yan siya dati pa at hindi na nagbabago. Patawad, ngunit kailangan ko nang umalis.
Kapitan Tiago: Aba, hijo, kararating mo lamang dito, atsaka, dadating din si Maria Clara ngayong gabi, sinundo na siya ni Isabel.
Crisostomo Ibarra: Salamat po sa inyong pagtanggap sa akin dito, ngunit, marami pa akong dapat asikasuhin, pupunta ako dito bukas na bukas din.