Chapter 11 The Rejoin

6 1 0
                                    

"Jichael."

Nabalikwas siya ng bangon. Pawisan siyang lumabas sa bahay nila. Hindi niya alam paano siya nakarating doon. Ang sigurado niya ay sinubukan niya lang taguan si Allison.

Napahilamos siya ng kamay niya sa mukha niya. Nang sinubukan niyang gawin uli ang paglaho ay nawalan siya ng malay.

Malamang ay nag-aalala na ito sa kanya. Ilang beses niya ring napanaginipan ito. Ang nakakapagtaka ay ang huli niyang panaginip ay pareho silang bata pa ni Allison. Parang ilang taon ang ibinata nila doon. At tinawag niya pang Prinsesa ang dalaga.

"Jikey." Sigaw ng ina niya mula sa kusina.

Dali dali niyang dinaluhan ng ina. "Ano iyon Ina?" Tanong niyang nang makalapit ng husto dito.

"Kumuha ka pa nga ng talbos. Kulang pa ata sa atin itong napitas ni Simetra." Utos nito.

"Asan ba iyong batang iyon?" Tanong niya sa ina habang sinusuri ang mga napitas ng kapatid.

"May binigay raw sa kaibigan niya. Sandali lang iyon, malapit lang bahay nila Mikko dito." Paliwanag nito.

Matapos makuha ang inuutos ng ina niya ay naglakad lakad siya sa labas ng bakuran nila.

Gustong niyang maintindihan ang mundong kinagagalawan niya. Pero habang tumatagal ay lalong lumalalim ang misteryong mayroon ito.

Napabuntong-hininga siya. Nais niya sanang namnamin ang oras na nasa sinilangan niyang lugar siya. Ngunit nag-aalala siya sa kalagayan ni Allison.

May kakaibang pwersa siyang nararamdaman. Hindi siya sigurado pero sinasabi ng isip niyang may koneksyon roon ang dalaga.

Simula palang ay ayaw na niyang amining may kinalaman ang pagdating ng dalaga sa buhay niya sa mga nangyayaring kakaiba. Kaya una palang ay nagbulag bulagan na siya sa mga natutuklasan niya sa dalaga.

Kung maaari lang ay gusto niyang mailayo ito sa nalalapit na kapahamakan dito. Kung ito man ang tinakda. Hindi rin siya sigurado sa kakahinatnan ng pakikigulo ng isang mortal sa kanilang dimensyon. Nahihirapan siyang intindihin kung bakit magmumula pa sa lahi nito ang makakapagligtas sa pumapanaw nilang mundo.

"Ang tangi mong kailangan gawin ay dalhin ang tinakda samin. Anuman ang malaman mo ay isakripisyo mo ang damdamin mo. Pagtuonan mo ng pansin ang pagliligtas sa mundo natin. Dahil iyon ang mahalaga." Bilin ng punong Helento na nagbasbas sa kanyang paglalakbay.

Mahigit pitong taon narin niyang hinahanap ang nilalang na makakatulong sa kanila.

Noong umpisa ay akala niya pinagpala ang pamilya nila dahil sa misyong naatas sa kanya. Bilang isang panganay na anak ng huling lahi ng Sabbenhagens.

Marahil kung nalaman niya nang mas maaga ang magiging bunga nga misyon niya ay umatras na siya. Bago pa siya umabot sa seremonya ng pagtanggap.

"Allison" Malungkot niyang tawag dito sa hangin.

Nangungulila siya sa babaeng una palang ay dapat nilayuan na niya. Kaya kahit alam niyang maaari niyang ikamatay ang paggamit sa bagong kakayahan ay sinubukan niya.

Mapakla siyang tumawa. "Totoo nga ang anim na senyales na bigay mo sakin, Tandang Gorya."

Tandang Gorya ang tawag niya sa Helento sa lugar nila. Malapit siya sa matanda mula pagkabata palang. Kaya hindi niya maiwasang magtampo dito. Alam nito ang kahihinatnan ng paghahanap niya sa dalaga. Ngunit nanatiling tikom ang bibig nito. Bilang pagsunod sa sunumpaan nitong tungkulin.

Mali mang magkaroon ito ng kinikilingan pero hindi na siya ibang tao sa matandang Helento. Iyon ang pagkakaalam niya.

Mag-isa na ito sa buhay nito simula nang manungkulan ito sa lugar nila. Walang nakakaalam sa pinagmulan nito. Pero ramdam niyang may tinatago sa kanya ang pamilya niya at ibang mamamayan ng lugar nila.

Ageless DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon