Moving Closer (Nashlene One Shot)

1.2K 27 11
                                    

Nakatayo ako sa simbahan, hinihintay ang babaeng itinakda para sa'kin..

inch by inch we're moving closer

feels like a fairytale, ending

take my hand this is the moment

I'm moving closer to you..

yan ang tugtog habang papalapit sya sakin, si Sharlene..

Ang girl of my dreams, malapit na sya..

ang ganda ganda nya talaga.

ayan na, konti na lang.

Aabutin ko na ang kamay nya ..

"KUYA WAKE UP NAAAAA!" bigla naman akong napabangon dahil dun sa batang makulit na sumigaw.

"Chloe! Malapit na e!" sabi ko, panaginip lang pala iyon. Sayang naman. Si Chloe talaga pasaway, sabado naman ngayon ba't 8am ginigising na ko ng makulit na 'to?

"Chloe, sabado ngayon. Ba't ang aga aga mo naman akong gisingin?" tanong ko ng may medyo inis sa cute kong kapatid.

"Because ate Sharlene is here! Nasa baba sya kuya! She's looking for you! Ayhiiie!" sagot ni Chloe na may nakakalokong ngiti.

Ayt!? 1, 2, 3! Si Sharlene andito!?

"Talaga Baby!?" pagsisigurado ko sa sinabi ni Chloe

"Yes, eto nga may dala syang chocolates for me!" tapos itinaas nya yung isang bag na puno ng chocolate, ay nako! Ang batang to basta chocolates masayang masaya.

"Sige Chloe, you go downstairs then tell ate Sharlene na maliligo lang ako, is that okay?" utos ko kay Chloe.

"Sure Kuya! Basta alis tayo later!" ang batang ito, kailangan laging may-kapalit. Ngumiti at tumango na lang ako.

tapos lumabas na si Chloe, ba't kaya andito si Sharlene?

Nga pala si Sharlene ang girl of my dreams, perfect pa sa perfect. Mini me nga ni Shar si Chloe ewan ko ba kung ba't magkamuka yung dalawang yun. Hahaha! Si Shar, sobrang bait nyan, matalino, makinis, maganda. Marami! Basta lahat ng magagandang ugali nasa kanya. Sobrang gusto nga sya ni Chloe kasi everytime daw na pumupunta si Shar or magkikita sila di sya mawawalan ng chocolate at saka bagay daw kami. Hahaha, laking pasasalamat ko nga eh naging kapatid ko si Chloe. Kundi dahil kay Chloe di kami magiging close ni Sharlene.

Because of Chloe

naging close kami ni Sharlene

ika nga nila 'I'm moving closer to her'

flashback

"Kuya? Is she ate Sharlene?" tanong ni Chloe

tinitignan ko kasi yung mga pictures nya sa laptop ko

"Yes Baby, sya yung crush ko at love ko" sabi ko sakanya.

medyo nababading ako pagdating kay Sharlene ah. Ba yon! haha

"Close kayo ni Ate Sharlene kuya?" -chloe

"Uhm sad to say baby hindi eh, nakakalungkot nga baby eh" malungkot na sabi ko kay Chloe.

"Kuya diba classmate mo sya? Malapit na birthday ko! Invite mo sya please!" pagmamakaawa ni Chloe, ang cute naka-nguso pa.

"Eh baby di kami close eh" sagot ko, kitang kita naman ang lungkot sa mukha nya.

"Uhm do you have her number?" sabi ni Chloe

"Yes baby" sagot ko, president kasi si Sharlene sa classroom kaya lahat ng number namin meron sya kaya meron na rin akong number nya. hehe

Moving Closer (Nashlene One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon