Her side uno

28 0 0
                                    


A/N: Marami saatin ang martir sa pag ibig. Kahit sobrang nasasaktan na minamahal mo pa din siya. And this story is just an example of this kind of love
So pls support this one shot story.

----------------------------- Uno
"Nathan ano ba talaga ko para sayo?" Yan ang matagal ko ng gustong sabihin sa matalik Kong kaibigan na nasa harapan ko ngayon at takang taka sa sinasabe ko. Siya si Nathan, ang kababata ko na may mahal ding iba. Ang lalaking nagturo saken na wag iiyak lalo na sa walang kwentang bagay ngunit heto ako umiiyak dahil sa kanya. Habang humihikbi , naramdaman ko na tinalikuran niya ko "Ano ba yang sinasabe mo? Wala Kong panahon sa mga ganyang pag uusap mina kaya kung pwede wag ka nalang magsalita. Gulong gulo na ko oh! Hindi mo ba nakikita? Mahal na mahal ko si  Arianne at ayokong mawala siya. Hindi ko alam kung bat niya ko iniiwasan. Dahil ba sayo ha?! Tigilan mo na yang kahibangan mo mina." Ang mga katagang nagmula sa bibig ng lalaking iniingatan ko at mahal ko. Hindi ko alam kung ano mararamdaman at dapat kong  sabihin sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko "Pero..Nathan Mahal kita.." Kusa nalang na lumabas sa bibig ko ang mga salitang to. "May mahal na ko Mina. Wag ako please." Sambit nya, Nanghina ako bigla dahil sa sinabi niya akala ko pa naman dahil sa matagal na kameng magkakilala ay may nabuo na din siyang pagtingin sa akin ngunit wala pala. Wala na Kong pakelam kung ano na masabi ko dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. "Pwede ba! Gumising kana!? Pinaglalaruan ka lang niya Nathan! Ano? Masaya kapa kahit na pinaglalaruan ka nalang niya ha? Yan ba yung babaeng mahal mo ha? Na kahit nakikita mo na ang ginagawa niya nagbubulagbulagan ka pa din? Nathan naman!" Kasabay nito ang paghagulgol ko Hindi ko alam na ganito ang mangyayare sa pag amin ko. Nakita ko lang na nakayuko si nathan. " Mina stop. I'm warning you" Nanahimik ako. "Pero-" naputol ang sasabihin ko ng biglang tumakbo palayo si Nathan. Napaluhod nalang ako habang umiiyak " Pero ginagawa ko lang naman to dahil mahal kita Nathan at ayokong masaktan ka" Napakasakit isipin na sa dalawang taong nagmamahalan ni isa don wala ako, ako yung taong nagmamahal sa taong Hindi naman ako kayang mahalin.

 Her sideWhere stories live. Discover now