Stalker sa GABI (ONE SHOT)

332 13 2
                                    

"Best , uwi na tayo , papagalitan nanaman ako ni Nanay ehh " sabi nya habang hinihila ang damit ko ..

"Teka lang , unti na lang " sabi ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ..

"Ehh , andami na kaya nyan !" medyo malakas pero pabulong parin kasi baka may makarinig at baka makita kami dito ..

"Teka nga , unti na lang please " pagmamakaawa ko habang tinutuloy pa rin ang ginagawa ..

"Pag ako , pinagalitan , lagot ka saakin " sabi nya na may halong pagbabanta ..

"Last na to , please " kuha dito kuha doon punta doon punta dito lipat doon lipat dito balik doon balik dito ..

"Last lasin kita gusto mo ! Ang dami na kaya nyan , uwi na tayo !" sabi nya sabay hila saakin sa kabilang kanto dahil doon ang daan papuntang bahay namin, magkapitbahay lang naman kami e.

Bestfriend ko tong isang to. Ako nga pala si Karen, 3rd yr. high school. Isang dakilang stalker sa GABI ni Tom simula nung 2nd year ako nung first time ko syang makita. Kaya wala akong maipagmamalaki sa inyo .. 

"Hoy ! Babae! Gumising kana! Late ka nanaman!" nagising ako doon sa mala anghel na boses ng aking mala bruhang ina .. 

"Ang aga aga pa e" sabay talukbong ko ng kumot at idinagdag ko pa ang unan.

"Naku ! Kung hindi ka papasok pwes hindi na kita papapasukin pa!" rinig kong naglakad ito, binuksan ang pinto at sinarado ng padabog. Ano daw? Hindi na papapasukin?! Hindi pwede! Walang tyansa na magkabungguan kami! Walang tyansa na magkausap kami! Walang tyansa na magkakilala kami! 

Agad akong pumasok sa banyo at naligo na. Pagpasok ko sa school ay sinalubong na agad ako ng aking napakapanget na manliligaw. 

"Good morning bhe" sabi nya sabay bigay saakin ng bulaklak. Ngumiti ako ng pagkaloko at sya naman ngumiti ng parang aso.

"Ano ako?! Patay na?! Pwede ba lumayo layo ka! Wala ako sa mood!" sabi ko at nilampasan sya. Ng mapadaan ako sa basurahan ay agad kong tinapon iyon. 

"Bhe, bat mo naman tinapon yun? Mahal kaya yun" sabi nya sabay kuha doon sa bulaklak na nasa basurahan. 

"Anong mahal? Pinitas mo lang yan kung saan saan e! Tignan mo nga, may lanta na oh" sabi ko at pumunta ng banyo ng girls.

Stalker sa GABI (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon