" Ang Alamat ng Niyog "

1.3K 105 65
                                    

Ang niyog ay mapakinabangan sa panahon ng kagipitan dahil halos lahat ng parte nito ay nagagamit. Kung matiyaga ka lang sa pagtatanim nito ay talagang makakaasa ka na hindi maaaring sumakit ang sikmura mo dahil sa gutom at sa tulong ng niyog na iyong itinanim maaari mo ng magamit kung sakali. Tulad na lamang ng dahon nito ay pwedeng gawing walis at pwede mo rin itong ibenta bukod pa dyan ay maaari mo rin magamit ang puno upang makagawa ka ng bahay.

Noong unang panahon may mag-asawang nakatira sa napakalayong bundok. At halos limang taon na silang nagsama ay wala pa rin silang anak. Napakabait at napakatiyaga ng mag-asawa.Pagsasaka ang kanilang hanap-buhay. Gustong-gusto talaga nilang magkaroon ng anak . Dahil nga sa kulang sila ng panggastos para magpatingin sa doktor , Ang ginagawa nalamang nila ay ang pagdadalangin sa Poong Maykapal.

Isang araw ay masayang ibinalita ng asawa na hindi siya dinatnan at magtatatlong buwan na . Masayang-masaya ang mag-asawa sa panahong iyon. At mas lalaong nadagdagan ang kasiyahan ng mag-asawa nang ipinanganak na ang kanilang kauna-unahang anak. Isang malusog na batang lalaki at pinangangalanan nila itong GOYIN. Inaaruga ito ng mabuti at lumaki si Goyin na malusog, may magandang asal, matakutin sa Diyos at napakatiyaga.

Si Goyin ang tanging alalay ng kanyang ina sa mga gawaing bahay at pagkatapos niyang tulungan ang kanyang ina ay naghahatid na naman siya ng pagkain ng kanyang ama at tumutulong din siya sa kanyang ama sa pag-aararo. Ang batang Goyin ay napakasipag bukod sa kaniyang pagtulong sa kanyang ama't ina ay tumulong din siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Si Goyin ay isang mataas na bata at talagang magagamit mo sya at maaaring tumulong sya sa anumang oras. At hindi rin siya makatanggi kung sakaling humihingi ka ng tulong sa kanya kung talagang alam niyang kaya niya ay tutulungan ka niya.

Isang araw ay nagpaalam si Goyin sa kanyang ina na pumunta sya sa gubat upang kumuha ng panggatong. Alalang-alala ang kanyang ina dahil gabing-gabi na ay hindi pa umuuwi ang kanyang nag-iisang anak. At kinaumagahan ay nagpatulong ang mag-asawa sa kanilang mga kapit-bahay upang hanapin ang kanilang anak na si Goyin. At halos mag-iisang linggo na ay hindi parin nakita at nahanap si Goyin hanggang sa umabot ng anim na buwan. At palaging bumabalik sa gubat ang mag-asawa na kung saan doon nangangahoy ang kanilang anak at nagbabakasakaling silang matatagpuan pa nila ang kanilang anak. At isang araw ng bumalik ang mag-asawa sa gubat ay napansin silang puno na naiiba sa lahat ng puno sa gubat. Inalagaan ito ng mag-asawa hanggang sa bumunga ito ng marami. At napapansin ng mag-asawa na ang punong kahoy na kanilang inaalagaan ay parang ang kanilang anak na si Goyin dahil bukod sa mataas ito ay mapapakinabangan ang parte ng puno. Mula noon ay napagpasyahan ng mag-asawa na NIYOG ang ipapangalan nila sa puno kabaliktaran ng pangalan ng kanilang anak na si Goyin dahil ang punong iyon ay mapakikinabangan lalong-lalo na sa kagipitan. Tulad na lamang ng kanilang anak na si Goyin ay nakatutulong ito sa iba't ibang mga gawain. 

'' Ang Alamat ng Niyog "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon