Chapter 1

1 1 0
                                    

tumunog ang orasan ni Carla indikasyon na alas sais na ng umaga.
Inis pang umuungol ito dahil sa kulang pa ang kanyang tulog.

Nag aral kasi siya buong mag damag upang sa nalalapit nilang pagsusulit sa matematika at pilosopiya kaya puspusan ang kanyang pag aaral upang makapasa sa pagsusulit.

"Anak bangon na! handa na ang iyong almusal! baka mahuli ka na naman sa sakayan ng bus!"

Sigaw ng kanyang ina mula sa labas ng kanyang silid.
Dagli-dagli naman siyang bumangon at kumilos ng maalala ang kanilang pagsusulit na hindi nya dapat maaaring makalimutan sapagkat napaka higpit at istrikto ng kanyang guro sa pagdating sa oras.

Di lumaon ay nakagayak na nga siya at lumarga sa istasyon ng bus.

"pag minamalas ka nga naman oh!!!"

Pabulong nyang sabi dahil sa wala ng bus ang maaari nyang sakyan.

Napag desisyonan na lang niya na sumakay sa dyip kahit na alam nyang ma t-traffic sya. Nang makasakay siya sa dyip ay nakahinga sya ng maluwag sapagkat nakaupo siya ng komportable.

Habang nagbabasa siya ng kanyang libro ay may nagpaabot sa kanya ng bayad.

"Makikisuyo po, isa,istudyante!"

Inabot nya ang bayad nung matanda at napag isip isip nya na mag bayad na rin.

Iniabot nya ang bayad nya sa kasunod nya na pasahero at pagkatapos ay binukas ang bag upang hanapin ang kanyang kalupi.

"Nakuu!! nasan ang kalupi ko!"

Hindi mag kanda ugaga si carla sa paghahanap sa loob nang kanyang bag.
Napagtanto nya nga na nakalimutan niya kunon ang kanyang kalupi sa kanyang kabinet.
Nagpalinga linga siya sa kanyang katabi kung may kakilala siya na maaaring hiraman ng pera pambayad.

Sa kanyang kaliwang tabi ay pamilyar ang mukha ng isang lalaki na nagbabasa rin ng libro suot kasi nito ang polo ng kanilang iskwelahan at maaari ay ito ay kanyang kamag aral.
Sa hindi inaasahan ay napatingin din sa kanyang gawi ang lalaki na wari'y nagtataka sa kanya.
Ngumiti sya ng alanganin ng mapagtanto nya na nakatitig na ito sa kanya na may nagtatanong na mukha.

"Paumanhin.. nakakahiya man ay ay maaari mo ba akong pahiramin ng pamasahe... pangako ay papalitan ko ang pera mo.." Pakiusap nya ng pabulong.

Dumukot ng pera ang lalaki sa bulsa nito.

"Makikiabot nga ho, dalawa lang!" Ani ng binata.

Nakahinga sya ng maluwag at nakaramdam ng pagkapahiya sa kanyang katabi na kahit ay kanyang kamag aral ay isa pa ring istranghero sa kanya.

"Salamat.." sambit nya ng pabulong sa lalaki.

lumipas ang oras ay narating na nila ang iskwelahan.
Pagkababa ay hinarap nya ang lalaki.

"Patawad, basta pangako papalitan ko ang iyong pera bukas" Pikit mata niyang saad.

Narinig nyang pumalatak ng maliit na tawa ang estranghero at napatingon siya rito.

"Nakakawili ka alam mo iyon? wag mo nang isipin yon sapat ng pangalan mo na lang ang iyong kabayaran sa akin" nakangiti nitong saad.

"ako nga pala si Marco adrian Polo , ikaw?"

"ako si Carla Garcia!" nahihiya nitong saad .

"nais ko man na makapag-kilanlan tayo ay nais ko ng umalis" saad ni Marco.

At parang isang matulis na kidlat ang tumama sa kanyang likuran ang pagkaalala niya sa kanyang pagsusulit sa mga oras na iyon.

"Oo nga pala!!" at nauna na siyang tumakbo sa kanyang silid.

"Naman!!!" sambit niya habang tinatahak nya ang daan patungo sa kanyang silid-aralan.

Nakarating siya sa kanyang silid tyempo na lumabas naman ang guro nito sa kanilang silid upang kumuha ng tubig.

Oras ng uwian ay maingay sa loob ng kanilang silid.
habang siya ay nagbabasa ng libro ay naisip niya ang pangyayari sa dyip.
Naaisip nya na hindi man lamang nya nalaman kung anong baitang nito sa kanilang paaralan.

At marahas siyang napailing sapagkat umatake na naman ang sakit nyang pagkaulyanin sa pagtanda ng pangalan at mukha ng taong una palang niyang nakilala.

"Nakakasar! nakalimutan ko ang kanyang ngalan at mukha!" Ani niya.

lumipas pa ang sandali ay uwian na nila at tinawagan nya ang kanyang ina na sunduin sya sa kanyang pag-uwi pagkat naiwanan nya ang kanyang kalupi sa kanilang tahanan.

Sa loob ng kaniyang silid ay nagsusulat sya ng mga nangyari ngayong araw na ito sa kanyang diary.

Masaya siyang napabuga ng buntong hininga sapagkat naisip iyang isang maganda at mahaba ang araw na ito para sa kanya.

~~~ I T U T U L O Y ~~~

JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon