February 6, 2017 Monday
XXXXXXXXXXXXXXXXX
"Nae, may bago akong chismis sayo," sabi ni Aly.
"Ano?" tanong ko habang nasa notes ko pa din yung mata ko.
Todays Monday. Next week na ang exam kaya dapat ko na talagang magseryoso. Ilang months na lang at gagraduate na ako ng highschool kaya dapat ko na talagang magaaral.
"Yung bagong Director? May napagalitan daw siyang estudyante kanina."
Napatigil ako sa pagbabasa at humarap sa kanya. Si Hale, ayun, kumakain naman. Parang may sarili siyang mundo pag pagkain ang kasama niya.
"Bakit daw?"
"Ang sabi ng nakakita, may candy wrapper daw sa garden kanina. May dalawang estudyante nag-aaral dun, nakita ng Director. Kinuha niya yung basura at pingalitan yung dalawang estudyante. Keso daw, wala silang respeto. Nagtatapon lang daw ng basura. Eh hindi naman daw sa kanila yun, at mas lalong hindi nila nakita dahil malayo-layo sa kanila. Pero since daw sila yung tao sa garden, sila yung pinagsisihan. As a punishment daw, linisin daw nila ang garden ng isang araw," kwento ni Aly sa akin.
Napanganga naman ako. "Grabe naman 'yan."
Parang siya naman yung immoral. Grabe kung makapaghusga. Isang candy wrapper lang, hindi kasalanan nung dalawa, hindi nila nakita, pero pinarusahan.
"At, taga A."
"Classmate natin?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango na lamang siya. "At, meron pa."
"Ano?"
"Ang pinakaayaw at hatest section daw ni Director Mark sa senior batch natin ay E1."
E1?
"D-diba, section nina MNO---Collin 'yan?"
Tumango uli siya.
"B-bakit daw?"
"Ang sabi-sabi, sila daw yung barumbado at matitigas ang mga ulo. Ayaw niya daw sa mga taong ganun."
Hindi na lang ako nagsalita. Pero somehow, kinabahan ako.
From: Matakaw na Onion
Dalhan mo ako ng pagkain sa rooftop.
Bumuntong hininga ako. Kamusta kaya yung date nina ni Mika nung Sabado?
Since lunch time naman at tapos na kaming kumain ng mga kaibigan ko, bumaba uli ako sa cafeteria at bumili ng beefsteak. Sinigurado kong walang onion yung pagkain. Knowing him, pababalikin naman ako nun dito. Umakyat ako sa rooftop at nakitang hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Kian at Kyle. Ngumiti lang ako sa kanila, tumango lang naman sila tapos tinuro kung saan umupo si MNO.
Pumunta ako dun dala ang isang tray ng pagkain. "MNO, ito na," sabi ko at humarap naman siya sa akin.
"Ilagay mo na lang diyan sa mesa,"sabi niya.
Tumango lang ako at nilagay sa mesa yung pagkain. Tiningnan ko uli siya, nakatalikod siya sa akin. Gusto ko sana siyang tanungins tungkol sa sinabi ni Aly sa akin kanina. Baka hindi nila alam, para naman sana aware sila na ayaw sa kanila ng bagong Director.
"Umh, MNO," tawag ko sa kanya at humarap siya sa akin at lumapit sa mesa.
"Ano?" Tanong niya habang sinusuri yung beefsteak.
"Yung tungkol sa bagong Director---"
"What about him?"
"Alam niyo na ba na ayaw daw sa inyo ng Director---?"
BINABASA MO ANG
The Promise (Editing)
Genç KurguIs there a chance that your life will change in a snap of one hundred days with him?