A/N: Dedicated to my number one fan, Joyangfantasies24 hahahahaha!
Enjoy reading!
***************************
Tumingin sa salamin si Joyce for the nth time para super sure siyang handang handa na siya physically and metally sa kanilang date ng longtime boyfriend niang si Allan. Ito ang first time niyang maghanda para sa date nila. Bakit? Well, kasi for the first time sabi ni Allan maghanda daw siya. Maraming beses na silang nagdate pero ito yung first time na sinabi nito sa kanya ang mga salitang yun:
Maghanda ka sa date natin sa sabado.
Yun yung eksaktong sinabi sa kanya ni Allan.
Baka may hinanda siyang something special for me? Namumula ang mukhang naisip niya. Pero nawala din agad iyon dahil knowing Allan na super walang karoma-romantic sa katawan, she doubt kung meron ngang something special ngayong araw. Pero umaasa parin siya.
After ten more minutes, nag-ring na ang doorbell nila.
Nagmamadaling binuksan niya ang pinto habang nakangiti.
Mataman syang tinignan ni Allan mula ulo hanggang paa.
“Hm.” Iyon lng at tsaka sinabing, “tara na.”
Ha? Yun na yun? Pagkatapos syang tignan mula ulo hanggang paa, iyon lng ang reaksyon niya?! Hindi niya mapigilang mainis. Naghanda siya ng lagpas dalawang oras at ni hindi man lang niya na-appreciate yun?! At isinuot pa naman nya ang pinakamaganda niyang dress ngayon.
Napabuntong hininga na lang tuloy siya.
******************
Nagpunta sila ng park. What a common place for a date. Lalong na-disappoint si Joyce.
Anung special dito?
“Anong gagawin natin dito?” Hindi na niya napigilang itanong. Super upset na siya sa nangyayari. Ano pang dahilan ng pagpe-prepare niya kung pupunta lang sila sa ganitong lugar? Nageexpect pa naman siya ng something like a romantic place kung saan tugma ang get-up niya. Nakasuot siya ng yellow peplum dress. May maliit na yellow ribbons din and tali ng buhok niya. Pati purse niya yellow din. A definition of a beautiful and joyful day ahead.
“Magde-date, anu pa nga ba?” Bagot ang mukhang sagot ni Allan.
Napabuga siya ng hangin sa sobrang pagkairita. Kung pwede niya lang sapakin si Allan sa mukha, ginawa niya na. Pero di niya kaya. At di niya gagawin.
Pagkatapos ng dalawang oras na paglalakad at sight-seeing, nagdecide si Allan na magrent ng boat. May lawa sa loob ng park at ang mga magboyfriends ay nagrerent ng boat para makapag-relax mula sa pagto-tour sa park.
Nakakailang buntong-hininga na ba siya the whole time? Di na niya mabilang. Walang ganang umupo siya sa boat. Magkaharap sila. Walang fun and special sa date na to.
“Anong problema?” Napansin ni Allan ang malungkot niyang mukha.
“Wala.” Baka kaya disappointed siya at malungkot kasi masyado siyang nagexpect sa date na ‘to. Sino ba naman ang hindi kung sabihan ka ng boyfriend mo na magprepare? First time yun! First time! At hindi niya alam kung bakit kaya excited siyang malaman kung anong mangyayari.
“Oo nga e. Kitang kita sa mukha mo.” Nakatingin ito ng seryoso sa mukha niya.
Bumuntong-hininga na naman siya.
“Ayan ka na naman.” Napabuntong-hininga din si Allan.
Sana talaga di na lang ako umasa.Haaaay… Wala na. Super badtrip na talaga siya.
“Ano nga?” Pangungulit ni Allan.
She pouted her lips.
Napangiti si Allan. Hindi lang alam ni Joyce kung gaano siya ka-cute kapag ganun ang mukha niya.
“Heto.” Binigay ni Allan ang isang maliit na box.
Tinignan niya ang red box na inaabot nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi naman siguro singsing to diba?
“A-ano ba to?” Tanong niya habang inaabot ang box.
Nagkibit-balikat lang si Allan.
Binuksan niya ito at tumambad sa kanya ang isang diamond ring. Napalaki ang mga mata niya at napasinghap sa sobrang gulat. Napaangat ang mukha niya kay Allan. Ang mga mata nya ay nagtatanong ng para saan ‘to?
“…” Parang nalunok ni Allan ang dila niya ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung pano sisimulan ang ilang buwan niyang pinraktis na dialogue para sa mga oras na ito. Humugot siya ng isang napakalalim na hininga at sabay sabing, “pakasalan mo ko.” At ganun niya sinabi ang kanyang marriage proposal na pinraktis niya ng matagal na panahon.
“P-pero – mga bata pa tayo at…ito ay – ” Hindi malaman ni Joyce ang sasabihin.
“Alam ko.” Putol ni Allan sa kanya. “Gusto ko lang siguraduhin na papakasalan mo ko balang araw.” Sabi nito. Nakita niyang napalunok ito – sign na wala ito sa calm state nito. O baka imagination lang niya yun? Si Allan pa. O baka naman imagination niya lang lahat ng to?
“Allan…” Hindi niya talaga alam ang sasabihin. So ito ang something special na ineexpect niya simula pa kanina? Sobrang nasorpresa siya.
*********
Medyo nabahala si Allan sa reaksyon ni Joyce. Parang wala itong balak mag-yes sa kanya. Bakit kaya?
Napakahirap gawin nito para sa kanya. Hindi alam ni Joyce kung gaano siyang nahirapan kakaisip kung papaano magpo-propose sa kanya.
At ngayon ano?
*********
Nakaraan ang maraming minuto na tahimik lang sila. Confused parin si Joyce. At pati si Allan. Hindi nito alam kung anong gagawin kung hindi tatanggapin ni Joyce ang proposal nito.
Crap.
“Uy.”
Nagulat si Joyce at halos mapatalon sa kinauupan niya. Tumingin siya kay Allan.
Magsasalita na sana siya pero nagsalita ulit ito.
“Pakasalan mo ko o aalis ka sa bangka na ‘to.”
Napanganga siya sa sinabi nito. Napatingin siya sa paligid. Nasa gitna kaya sila ng lawa!
Nakita niya ang galit sa mata ni Allan. Halos gusto niyang humagalpak ng tawa. Napakagwapo talaga nito.
“Oo na.” Sinadya niyang sagot ng pabulong.
“Ano?” Tanong nito, hindi makapaniwala na nag-iinit ang sariling mukha.
Asar. Pinagtitripan niya ko!