He Never Knew

77 1 1
                                    


5 years ago, 4th year highschool

"Yssa!" Lumingon naman agad ako sa tumawag ng pangalan ko. Pag lingon ko napako naman yung tingin ko sa lalaking naka black na jacket.. "Huy Yssa!" Pinitik ako sa noo nung bestfriend ko na tumawag sa akin si Pia. Tumingin sya dun sa direksyon na tinitignan ko. "Ahh.. Nako friend! Kung puro tingin ka lang walang mang yayari sayo! Bakit hindi mo kayang subukan umamin.

"Hayy.. Ayoko, mapapahiya lang ako." Malungkot kong sabi at nag lakad na papunta sa locker ko.

"Why oh why?!" Nakakatawa nyang sabi.

"Iba naman gusto nya eh." Napabuntong hininga ako at binuksan na yung locker ko.

"Nako sino yan at papatayin ko!" Sigaw ni Pia.

"Si Denise.." Napalingon kaming dahil sa sigaw ni Denise. Kilalang kilala namin yung sigaw nya dahil sya lang naman yung sobrang lakas tumili.

"Friend! May ticket ako sa concert ng Parokya ni Edgar gusto nyo sumama?!" Sigaw nya at winagay gay pa sa muka namin ni Pia yung ticket.

"Ah.. Sige!" Sabay naming sigaw ni Pia.

"Pupunta din kayo?! Nako nice yan! Mga Tol alam nyo na kung sino pag tatabihin ah!" Nag sigawan lahat nung kaibigan ni Keith, yung lalaking tinitigan ko kanina na naka black.

"Nice one Keith!!" Sigaw nilang lahat at sinuklay naman ni Keith yung kamay nya sa buhok nya at tumingin pa kay Denise.

Hayy..

Halata namang kinikilig si Denise pero tinatago nya lang. Kami lang ni Pia ang nakakaalam na gusto ko si Keith.

"U-una na ako.." Naiilang kong sabi at tumalikod na.

Last day na last day ng 4th year malungkot pa.. Kahapon lang yung graduation. Pinapasok lang kami para sa pag fafinalize ng clearance at pag linis ng locker and room.

"Yssa! O yung ticket nyo ni Pia! Punta ka hah!" Sabi ni Keith sa akin. Nginitian ko lang sya at kinuha na yung ticket. Nag wave lang sya sa akin at tumakbo na papunta sa mga kaibigan nya.

"KEITH!" Sigaw ko at lumingon naman agad sya at nag lakad papunta sa akin. "I-ingat ka sa Amerika ah.. M-mag aral ka ng mabuti para makatapos ka ng Med!" Nahihiya kong sabi sa kanya.

"S-sure mam!" Sigaw nya at natawa "Ikaw naman dapat pag nagkita tayo parehas na tayong nakasuot nung pang doctor ah!" Tinap nya yung balikat ko at nginitian ako at umalis na.

Promise.. Sana hindi lang yun ang suot natin.. Pati sing sing..

Present time

"Mam! Nasan po si Mister nyo? Nasa U.S. Parin?" Tanong ko.

"Opo doctora! Actually uuwi sya ngayon kaso mamayang gabi pa ang dating." Sabi nung patient kong manganganak na.

"Nako sayang! Sige na lets start!" Huminga ako ng malalim at ginawa na ang dapat kong gawin.

After 1&1/2 hour

"Nurse ako na ang mag aabot sa baby nya!" Masaya kong sabi at inabot naman sa akin yung baby. Yiiee!! Ang cute cute! Sobrang saya ko! This is my first operation!

"Mam Cathy eto na po si baby Bell." Inabot ko kay Cathy yung baby nya. Sobra akong napasaya dahil sa laki ng ngiti ni Cathy.

"Hi baby Bell Mendoza!." Medyo namamaos na sabi ni Cathy. Hayy.. Yssabell Mendoza, pangarap ko nalang talaga siguro yung pangalang nayon. Hindi ka na bumalik Keith..

"Bakit Bell pinangalan mo sa kanya?" Tanong ko.

"Ah, yun kasi gusto nung asawa ko! Atsyaka gusto ko din yung Bell tapos yun pa yung pangalan nung napaka gandang doctor na nag paanak sa kanya. Actually dapat nga Yssabell talaga kasi yun talaga yung gusto nung asawa ko pero sabi ko Bell nalang para maikli lang." Nakangiti nyang sabi.

"Speaking of your asawa ano ba pangalan nya? Never mo pang nabanggit yung pangalan nya." Curious na curious talaga ako kung sino ba yung asawa ni Cathy.

"Keith Xander Mendoza." Masaya nyang sabi at bigla namang bumukas yung pinto. Agad naman akong lumingon at nakita ko nanaman sya.

Nakita ko nanaman yung first love ko..

"I-iwan ko m-muna kayong mag a-asawa.." Habang papunta ako sa pinto nag tama yung mata namin.

Sinara ko agad yung pinto at sumandal sa pader.

"Keith.." Sabi ko at hinilamos yung mga palad ko sa muka ko. Padabog kong pinadyak yung paa ko at sumigaw.

"Yssa.." Narinig ko yung boses nya. Yung boses na sobra kong namiss.

"K-Keith.. Kamusta ka na." Ngumiti ako ng peke sa kanya pagka harap ko.

"Ayos lang. Wow O.B. ka na pala ngayon! Ang galing talaga ng tadhana. Ikaw pa talaga ang nag paanak sa una kong anak." Masaya nyang sabi kaya tumawa naman ako ng peke.

Tumahimik kami ng saglit. Huminga naman ako ng malalim para sa tanong ko.

"P-pano kayo nag kakilala ni Cathy?" Tanong ko sa kanya.

"Ah.. Sa plane! Nagulat nga ako dahil naging kaklase ko din sya sa pag dodoctor eh. Kaso hindi na sya tumuloy. Baka mag aaral daw sya ng architecture pag nag 7 na si Bell." Tumango tango lang ako.

"Sabi daw nya Yssabell daw gusto mong ipangalan.." Natawa naman sya.

"Ah oo! Kasi diba nangako ako na mag kikita tayo na suot na yung pang doctor. Eh akala ko hindi na mang yayari yun kaya yung anak ko nalang na si Bell yung makakakita." Natatawa nyang sabi. May kinuha sya dun sa bag pack nya at sinuot ito.

"Hi Im Doctor Keith Xander Mendoza." Inabot nya sa akin yung kamay nya. Nakasuot sya nung gown na sinusuot naming mga doctor

"Hello Doctor Mendoza, Im Doctora Yssabell Santiago." Nag kamayan kaming dalawa. Sinubukan kong tagalin yung kamay ko pero hindi sya bumibitaw.

Nagulat nalang ako ng hilain nya ako at biglang yakapin.

"Namiss kita!" Sabi nya.

"Ako din." Bulong ko.

Nag paalam na sya at pumasok na sa kwarto ni Cathy.

Masaya akong natupad yung pangako mo. Na mag kikita tayong naka suot yung pang doctor natin. Pero sayang.. Ikaw lang yung may suot na sing sing at ako eto, nag sisisi na hindi man lang ako sumubok na umamin.

Pinag sisisihan ko to, pero siguro hanggang mag kaibigan lang talaga tayo..

Tanggap ko na Keith, sana maging masaya ka sa pamilya mo.

End

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He Never Knew [ONE SHOT]Where stories live. Discover now