The first and the last time i saw you(One shot)

28 1 0
                                    

ThefirstandthelasttimeIsawyou

byaKeyToYourHeart

Unang araw nun ng pasukan.. Sobrang excited akong pumasok! First year college ako nun. Sa isang 'may kamahalang' school ako nag-aral, scholar naman ako eh..

Ibat-ibang klase ng tao ang nakita ko.. May artista, may varsity player, may campus crushes, may mayaman, pero walang mahirap.. akolang.

Halos malula ako sa gaganda ng mga bags at gadgets na hawak ng ibang mga nag-aaral doon.. Halatang mga anak-mayaman!

Nawala yung sayang naramdaman ko nun.. Pakiramdam ko mag-isa lang ako.. Parang hindi ako nababagay sa lugar na ito.. Una palang, gusto ko nang sumuko eh! Una palang, gusto ko nang umayaw! Hanggang sa nakita kita..

Nakayuko akong naglalakad.. tanging sa lupa lang ako nakatingin.. Natatakot kasi ako sa mga tinging ipinupukol sakin ng mga tao.. Hindi ko tuloy namalayang may makaksalubong ako..

Kaya nagkabunggo tayo...

"Sorry miss, okay kalang?" tanong mo.

"Ah.. oo.. ayoslangako."  sagot ko ng hindi tumitingin sayo. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Are you sure? Ayoskalangtalaga?" tanong mo pa ulit, kahit na halata namang walang masamang nangyari sakin.

Tumango lang ako bilang sagot.

At pagkatapos non, nagpaalam ka na sakin.

And that's the first time i saw you.

.

.

.

Nakangiti ako habang papasok ng aming room. Hindi ko pa alam kung bakit ganon ang naramdaman ko sayo. Yun ba yung tinatawag na Love at first sight? Ewan..Hindi ko naman alam yun..

  Sayang nga lang at hindi ko naitanong ang pangalan mo.

Pero hindi ko iyon inisip! Alam kong magkikita pa tayo! Tutal iisang school lang naman tayo nagaaral eh!

Pero nawala rin ang ngiti kong yon nang mapatingin ako sa repleksyon ko sa salamin ng pintuan..

Hindi ako kagaya ng iba na may mamahaling bagay. At

hindi rin ako kasing ganda ng iba..

Mapapansinmokayaako?

Pagkaupo ko, Maya-maya ay may tumabi sakin. Medyo nagulat pa nga ako kasi pakiramdam ko wala namang may gustong tumabi sakin.

Nilingon ko kung sino sya.. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.. Mas mabilis na halos hindi na ko makahinga ng maayos..

Kaklasekita! At katabi pa!

Napalingon karin sakin. Akala ko, hindi mo ko maaalala..Akala ko, hindi mo ko mapapansin..

Pero ibinigay mo ang pinakamatamis mong ngiti sakin. At mula noon, naging malapit tayo sa isat-isa.

Nagkakatext at nagsasabay pa tayo sa pagpasok at papaguwi..

Marami narin akong naging kaibigan dahil sayo. Nagkamali ako ng pagtingin sakanila at sa sarili ko..

Akala ko noon, isa lang akong mahirap na ipinagsisiksikan ang sarili sa school na to.. At akala ko noon, magisa lang ako..

Pero iba ka. Ipinakita mo sakin kung gaano kasaya ang buhay.. Ipinakita mo sakin kung paano magmahal at mahalin..

"Alammonamangmahalkita eh!" yan ang lagi mong sinasabi sakin pag nagkukulitan tayo..

Nagkaroon tuloy ako ng pakiramdam na pareho narin tayo ng pagtingin.

Sa paglipas ng panahon, mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sayo. Hindi ka mahirap mahalin.

Dumating ang araw ng pagtatapos ng pagaaral natin. At sa araw na iyon, nagkaroon ako ng lakas ng loob na umamin sayo..

Pinaghandaan ko na talaga ang sasabihin ko sayo nun. At nang magkaroon tayo ng panahon na magkausap, sinabi ko na ang lahat.

Sinabi ko kung gaano kita kamahal. Sinabi ko na binigyan mo ng kahulugan ang magisa kong buhay. Sinabi ko iyon mula nang una kitang makita..

"Sorry.." yan ang sinabi mo sakin. "Peroisangnakababatangkapatidlangangtingin ko sayo..walakasiakongkapatid eh!"

Hindi agad ako nakapagsalita. Iniwan mo na kong tulala parin. Hindi parin kasi ako makapaniwala.. Umasa ako.

Ilang taon.. ilang taon kong inakala na mahal mo narin ako..

Ilang taon kong pinaghandaan ang sasabihin ko sayo.. Pero ang sakit lang! Hindi ko kasi napaghandaan yung sagot mo.. kapatid lang pala ako sayo.

Mula noon, hindi na tayo nagkita. May kanya-kanya na tayong buhay.. Ako nagtatrabaho na sa isang kompanya.

At isang araw, sa aking paglalakad, may nakabunggo ako..

"Sorry.." sabay pa naming nasabi. Tumingin ako sakanya.

At hindi ako makapaniwala.. Ikawyun! Ikawyungnakabungguan ko!

Parang noong una lang tayong nagkita. Nakakainis lang kasi bumibilis yung tibok ng puso ko. Eto nanaman ako..

Pero alam mo, para akong tanga.. Kasi yung sakit na binigay mo sakin.. nawala nang una kitang makita ulit..

Sobra pa nga akong natuwa nang maalala mo ko at tawagin ako sa pangalan. Handa kong tanggapin ka ulit nun at magsisimula tayo uli..

Nang may lumapit sayong isang batang babae at niyakap ka..

"Anak ko.." sabi mo sakin nang nakangiti.

Ngumiti lang ako sainyo at pinipilit na hindi tumulo ang luha sa aking mata. Hindi ko alam kung ano nga bang dapat kong reaksyon eh! Matatawa ba ko sa sarili ko? Maiinis ba? Maaawa?

Nagpaalam ka na sakin. Sinundan ko lang kayo ng tingin papalayo..

At hindi ko nalang namalayan na tumutulo na ang luha ko. Ang tanga ko ba? Ang tanga kong umasa sa isang pangako.. sa sinabi mong palagi mo kong mahal. Ang tanga ko kasi hindi parin ako nakaka move-on..

Ang tanga ko kasi hanggang ngayon, mahal parin kita.

Nakita ko kayong pumasok sa isang sasakyan..

At sa pag-alis mo, tuluyan ka na ring umalis sa buhay ko..

And that's the last time i saw you.

***********the end************

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The first and the last time i saw you(One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon