CHAPTER 17 – Catrice Raven Dela Cruz
Amber’s POV:
"Ikaw..." Bulong ko. Kitang-kita ang pagkagulat sa itsura ko nang makita ko kung sino siya. Nalipat kaagad sa akin ang paningin ng mga kasamahan namin nang magsalita ako.
"I-ikaw yung babaeng nakita namin ni Z-zelo nung isang gabi..."
Lumapit kaagad ako sa tabi ni Zelo na kasalukuyang kinakausap yung babae. Siya yung babaeng nakausap namin ni Zelo, siya yung babaeng nagbigay sa amin ng babala pero hindi namin pinakinggan.
Hindi siya nagsasalita at patuloy lang sa paghahabol ng hininga niya. Mukhang na-suffocate siya sa pagkakasako niya. Tinulungan siya nina Aldave na nakaupo ng maayos. Huminga pa siya ng malalim bago magsalita.
"A-alam kong k-kayo ang s-susunod na m-magiging b-biktima nina V-venom." Utal utal niyang sabi sa amin. Tinignan niya kaming dalawa ni Zelo na nakaupo sa tabi niya. "K-kayo... s-sinabihan ko na k-kayo tungkol d-dito, p-pero hindi kayo n-nakinig."
Napayuko na lang kaming dalawa ni Zelo dahil sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang mga titig ng mga kasamahan namin. Gustuhin ko mang magsalita, hindi ko naman magawa. Parang may nakaharang sa lalamunan ko at ayaw akong pagsalitain.
"M-mabuti na lang at w-walang nangyari sa inyong masama at n-napatay niyo si D-dacey." Sabi na naman niya nang bumalot ang katahimikan sa amin.
"Pinatay nila ang girlfriend ko." Natahimik din yung babae dahil sa sinabi ni KD. Lumapit si Chase sa babae at umupo sa harapan nito.
"Mukhang kilala mo sila Venom. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Chase. Nag-aalangan pang magkwento yung babae pero wala na rin naman siyang magawa. Ikinuwento niya sa amin lahat ng nalalaman tungkol dito sa Bloodwood Academy at sa mga student council.
Isang normal na paaralan noon ang Bloodwood Academy. Tulad ng mga normal na paaralan, may mga estudyanteng masasama ang ugali at para sa kanila, bad students means bad reputation and bad achievements. Nabanggit din niya ang tungkol sa principal netong school, si Mr. Dave Samson. Ginawa niya ang lahat para sa ikakaayos ng Bloodwood Academy pero walang nangyari kaya naman ipinatawag niya ang student council. Nag-usap usap sila tungkol sa isyung yun at simula noon nagbago na ang lahat.
Ang ibang dating estudyante na walang ibang ginawa kundi ang magbigay ng problema, naging mababait. Samantalang yung iba, na katulad namin, walang kaawa-awang binawian ng buhay.
"Paano mo nalaman ang lahat ng to?" Tanong naman ni Cassadee.
Sinabi niya sa amin na naghihintay siya sa kapatid niya sa labas ng kwarto ng student council. Si Venom.
"Seryoso? Kapatid mo yung walang hiyang lalaking yun?" Inis na tanong ni Zico nang marinig niya ang pangalan ni Venom. Napayuko lang yung babae at tumango sa tanong ni Zico.
"So you're saying na hindi sila ganyan dati at lahat ng pagbabago nila ay kagagawan ng Dave Samson na yun?" Pagtatanong naman ni Aldave.
"Kailangan niya ang student council para sa ikagaganda at ikabubuti ng Bloodwood Academy. Buong akala niya at para sa ikabubuti ng paaralan at ng mga estudyante ang gagawin niyo, pero nagkakamali siya. Makasarili siya. Ang tanging iniisip niya ay ang sarili niya at ang reputasyon ng paaralan na to. Siya ang responsable sa bawat pagpatay na nagagawa ng mga student council."
Nagpatuloy sa pagkukwento yung babae. Ilang oras niyang hinintay si Venom sa labas. Paalis na sana siya nang biglang lumabas si Venom sa silid na yun. Tinatanong niya kung bakit siya natagalan pero hindi siya sinasagot nito. Tila ba nagbago ito, na para bang ang dating Venom na napakamasiyahin at punung-puno ng buhay, bigla na lang naglaho.
Kahit na namatay ang dating principal ng paaralan at napalitan na, tuloy pa rin ang gawain nina Venom. Wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari sa loob ng paaralan.
Naging sunud-sunuran ang lahat sa pamumuno ni Dave Samson. Maging ang bagong principal at mga guro dito, naging sunud-sunuran na sa mga student council.
"So, bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Nalaman ni Venom na sinusubukan ko kayong tulungan. Sinabihan niya akong tumigil sa balak kong pagtulong sa inyo pero hindi ko siya pinansin kaya ikinulong niya ako dito."
"Alam ba to ng mga magulang ng mga estudyanye dito?"
"No. Wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari sa mga anak nila. Alam ng mga estudyante dito ang mangyayari sa kanila oras na may nakaalam sa mga pangyayari dito. It's between torture and death."
Lumapit si KD at pinilit ang babaeng magsabi pa ng kahit anon tungkol sa mga misteryo ng paaralan na to. Napapikit siya ng madiin at bumuntong hininga.
"Nag-simula ang lahat, 2 years ago. Yan lang ang nalalaman ko. Sorry." Napayuko na lang siya matapos niyang sabihin yun. Kaya tinapik ko siya sa balikat at nginitian. Nag-ayos na kaming lahat para maghanap ng daan papalabas sa lugar na to.
Nagpahuli ako sa paglabas. Hinawakan ko sa braso yung babae nang makita ko siyang papalabas na ng silid kasama sina Cassadee. Napahinto siya sa paglalakad at tinignan ako na parang nagtataka. Maging ang iba napahinto sa ginawa ko.
"Anong pangalan mo?"
Tinignan niya kami isa-isa at ngumiti.
"Catrice...Catrice Raven Dela Cruz."
--------------------------------------------------------------------------------
Bloodwood Academy ©2013 All Rights Reserved
YOU ARE READING
Bloodwood Academy: Behave Or Die
Mystery / ThrillerBloodwood Academy #1: Behave Or Die Limang magkakaibigan. Isang misteryosong paaralan. Ano kayang mangyayari sa kanila? May pagbabago bang magaganap sa kanila sa pananatili nila sa Bloodwood Academy? "The remedy is worse than the disease..."