CHAPTER 19: Surprise, SURPRISE!

145 2 8
                                    

Kung anong sakit yung nararamdaman ko ngayon sa puwet ko, mas matindi pa yung sakit na nararamdaman ko ngayon sa puso ko. Sobra na talaga si Lance. Akala ko makakalimutan ko na yung nararamdaman ko sa kanya. Pero hindi eh. Sa bawat araw na nakikita ko siya, sa bawat ngiti at pagtawa niya na ibang tao naman ang nakakagawa... Masakit. Pero ganun naman talaga ang buhay. Hindi pwedeng lagi na lang magaganda at masasaya ang nangyayari. Kaya heto ako ngayon, pauwi na pero umiiyak pa rin. Hindi na ako umattend ng training para sa Journalism. Makikita ko lang kasi siya. Hindi ko na rin nakita si Jico, kaya umuna na ako. Sabi niya kanina hihintayin niya ako. Siguro nagsawa na siya kakahintay. Ganan naman ang mga tao eh. Mabilis magsawa. Mabilis mainip. Kaya yun... Mabilis rin silang mang-iwan.

Dumating ako sa bahay ng mga 6 na ng hapon. Pagod na pagod na ako kaiiyak kaya diretso lang talaga ako sa kwarto ko.

"Darlene!" May narinig akong natawag sa pangalan ko pero hindi na ako nag-abala pa para tingnan kung sino man yun. Pagod ako kaya let me sleep first.

Pagkarating ko sa kwarto ko, syempre yung lagi ko nang ginagawa ang ginawa ko; nagpuntang CR, nag-shower, lumabas, nagpalit ng pambahay at tsaka diretso na sa kama. Unti-unti nang sumasarado ang mga mata ko nang may marinig akong mahihinang katok sa pinto. Pero ipinikit ko na rin ng tuluyan ang aking mga mata. Wala na nga kasi akong pakialam.

"Darlene.... Anak... Open the door..." sabi nung boses na nanggagaling sa labas.

Napabalikwas agad ako sa pagkakahiga dahil miss na miss ko na talaga yung boses na yun.

Binuksan ko yung pinto ko at nakita ko ang mama ko. Dahil miss na miss ko na talaga siya, napayakap agad ako sa kanya.

"Mamaaaaaa! Waaahhhh! Miss ko na po ikaaaaw!" Ang saya naman! Andito na ulit si mama!

"Kamusta ang baby ko?" sabi ni mama habang hinahaplos niya yung buhok ko.

Kumunot yung noo ko, nagkasalubong yung kilay ko at tsaka ako tumalikod kay mama. Naman! Pinaalala pa ni mama.

"Nak, why? Is there something wrong?"

Nanatili pa rin akong nakatalikod sa kanya. Naalala ko na naman yung kanina. Ahhh!

"Darlina!" patay! Galit na si mama. Kapag Darlina na ang tawag niya sakin, patay na!

Kaya humarap na ako kay mama. Tapos maya-maya, umiiyak na naman ako habang si mama eh walang tigil sa paghagod ng likod ko.

"Tell me... May umaaway ba sa'yo sa school? Gusto mo puntahan natin para mapagsabihan ko? May bagsak ka bang subject? Okay lang yun, bumawi ka na lang. O kaya may sakit ka ba? Tampo ka ba kay mama kasi ngayon lang ulit ako nakadalaw sa'yo? O kaya naman in-love---"

"Maaaaaa! Ang haba ng sinabi nyo... Eh yung sa dulo nyo namang sinabi ang natumpak niyo. Maaaaa!"

"Anak naman. Hindi mo agad sinabi. Ang haba pa tuloy ng mga pinagsasabi ko sa'yo. Haha! Inlababo na ang anak ko!" Ewan ko kung tatawa ako o iiyak eh. Ganan si mama; gagawin ang lahat para lang sa akin.

"Ma naman! Nag-joke ka pa! Ihh... Kilala mo ma yung crush ko 2 years ago? Nung 2nd year pa lang ako?" pagkekwento ko kay mama.

"Oo naman. Wala ka ngang bukambibig kundi yun eh. Ano nga b-- Lance!"

"Sige ma, ipaalala nyo pa! Maaaa!" sabay pahid ng sipon.

"Yuck, 'nak" sinimangutan ko si mama.

"Syempre joke lang! Hehe!" Si mama talaga! Parang bata eh. Sabagay bata pa naman talaga siya. 33 lang si mama. Tapos 15 naman ako. So ibig sabihin maaga nila ako nabuo. LOL. Tama ba namang 18 pa lang si mama nun noong mabuo ako? Hay. Kaya ako magtatapos muna ako ng pag-aaral, tapos magtatrabaho, tapos mga 25 pa siguro ako mag-aasawa. Para tama lang yung age. Di ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Love Ako Kay Dota Boy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon