^dedicated to her! ((: Salamat sa pagsuporta ng mga works ko. :*
***
Chapter 13 - The Past.
Rae's POV
"... Coz I will make you and your sister-slash-loveone's life a living hell.."
Umalis na si Elise. At eto ako, natulala sa mga binitawan nyang salita. Anong mga sinasabi nya? Di ko siya maintindihan. Dahil halos mamatay na ako sa kakaisip kung may alam ba ako dito, nagtanong na ako sa kuya ko...
"Kuya.... Ano yung sinasabi ni Elise?"
Zeke's POV
"Kuya.... Ano yung sinasabi ni Elise?"
Napalingon naman agad ako sakanya dahil sa tanong nya.
"Ah.. Si Elise, kapatid siya ni Hannah. Si Hannah, ang ex ko. Pero nung nagbreak kami, naging stressed sya at naging desperada. Kaya wala akong nagawa kundi sabihin sa kanya ang totoong dahilan ng pakikipaghiwalay ko..."
*Flashback*
On the way na ako sa bahay para magready sa date namin. 3rd anniversary na kasi namin ngayon ni Hannah. Pasipol-sipol pa ako habang nagdadrive nang tawagan ako ni Rae..
"Hello, Rae? Napatawag ka? May problema ba?"
(Kuya! *sob* Kuya..)
"Rae? Bakit? Anong Problema?"
(Kuya.. Si--si ate Hannah.. Nakita ko sya.. Punta ka dito..)
*toooot----*
May na-receive agad akong text galing kay Rae. At agad ko naman syang pinuntahan sa binigay nyang lugar. Bar sya. At eto na ako ngayon..
"Oh Rae, anong meron? Anong nangyari?" hinawakan ko sya sa balikad at tinanong. Umiiyak lang sya. Di sya nagsasalita at iling lang siya ng iling.
"Ku--kuya.. Si ate Hannah nakita ko may.. M-may kahalikang ibang lalake. Nung nakita nya ko.. Bi--binantaan nya kong wag magsumbong sayo saka sinampal nya ko.. K-kuya.. Natatakot ako sa kanya.." sabi nya habang nakayakap sa aking
Mahal ko si Hannah.. Pero mas may tiwala ako sa kapatid ko. Alam ko sya ang nagsasabi ng totoo. Kaya naman pumasok ako sa bar habang pinapasok ko si Rae sa kotse..
At nang makapasok ako..
"Zeke! Oh my God! I-i can e-explain!" nabigla siya nang makita nya ako at napatigil sa pakikipaghalikan sa lalaking parang napulot lang nya kung saan-saan.
"Explain? For what? Para pikutin mo ulit ako? Para magsinungaling ulit? Para pangakuan ng mga bagay na di naman talaga totoo? Para saan? Ha, hannah!? Para saan?!"
"Z-zeke.. I-i'm sorry.. Sorry." nakayuko nyang sabi.
Alam ko naman na eh.. Nahuli ko na sya dati. Ilang beses na.. Lima na ata. Pero nagpakatanga ako at naniwala sa kanya imbis na sa mga nakita ng dalawa kong mata. Nagbulag-bulagan ako.. Alam ko na pati pamilya nya pinapaikot nya sa mga kmay nya. Kaya ganon na lang si Elise dahil iniimpluwensyahan nya ito. Mabait dati si Elise. Di katulad ng ate nya.
"Tama na.. I'm breaking up with you.. Alam ko namang simula palang niloloko mo na ako. You're free now.." at iniwan ko nawsya doon.
Ilang araw na ang nakalipas mula nang makipagbreak ako. Lagi nya akong kinukulit. Binibigyan ng mga paborito ko at mga letters na walang gana kong binabalik sakanya na di manlang nabubuksan. Hanggang sa isang araw nawala sya. Walang nakakaalam maski pamilya nya at mga bestfriends nya. Mga classmates nya at yung mga naging lalaki nya, walang nakakaalam. Hanggang sa isang araw may nakita si Elise na letter at pinakita sa akin yon..
'Dear mama,papa at Elise,
Ang drama ko. May ganito pa akong echoss. Gusto ko lang magpasalamat dahil walang sawa kayo sa pagsuportawsa akin kahit pinagtatabuyan ko kayo at pinupuntahan lang kung may kailangan ako. Gusto ko munang magsorry sa lahat ng kasalanang nagawa ko. At salamat sa mga bagay na ginawa nyo para lang mapasaya ako. Wala nang dahilan para mabuhay pa ako. Sorry ma, pa at Elise, sana maging masaya kayo. Mahal na mahal ko kayo. Magiging masaya ako sa gagawin ko.
- Hannah'
Noong araw din na yun, nakita ang mga bangkay ni Hannah na nagpapalutanglutang sa ilog. At ako ang sinisi ni Elise. Sinabi na ng mga magulang nya at mga kaibigan nya na di ko kasalanan. I even beg for her forgiveness pero hindi, di nya ko pinatawad. At simula non mas lumala ang ugali nya. Lagi nya kong binabantaan na sasaktan nya si Rae. At nang malaman nya ang tungkol sa tunay kong pagkatao at ang lihim na pagmamahal ko kay Rae, nagtanim na din sya ng galit kay Rae.
*end of flashback*
"... Pero asahan mo, poprotektahan kita sa kanya."
At pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa mga mata nya.
**
Sorry. Sabaw ang laman ng utak ko ngayon.
Di makaget-over eh. Panuorin nyo yung 'Koizora' sa youtube. Yung may eng. Subtitle.
Maiiyak kayo, Swear.
Hiro.<3
BolpenAtPapel
BINABASA MO ANG
I Love My Kuya. ♡ [COMPLETED]
Подростковая литератураIto ay isang istorya ng isang babaeng PERFECT kumbaga at ng kanyang mahal na KUYA. Maari nga bang magkatuluyan ang magkapatid? Wait! Magkapatid?! Weh?! Di nga?!