"You can't take back words you've already said but you can't take back someone's tears that already shed."
-Unknown Author
"Vice anu ba! Huwag mo naman akong talikuran." sabi ni Karylle habang pilit na hinahabol si Vice na mabilis na naglalakad sa Hallway.
"Bakit ba K? Pagod ako kailangan ko nang umuwi." sagot naman ni Vice na parang iritableng iritable.
"Anu ba kasing problema mo at parang iniiwasan mo ako?" saad ni K.
"Walang Problema Karylle at hindi kita iniiwasan. Ang hirap sa'yo your always making assumptions on what's going on around you. In short masyado kang assumera." sunud-sunod na sabi ni Vice saka umalis.
Samantalang naiwan naman si Karylle na nangingilid ang luha.
"Siguro nga nagaasume ako. Siguro nga ang taas ng ambisyon ko para sabihin sa'yo na ikakasal na ako at sabihin mo lang na Mahal mo ako. Hindi ko itutuloy to."
The following day kapansin-pansin ang pag-iiwasan ng dalawa. Sa harap ng camera o sa likod ng camera. As usual makulit pa rin si Vice pero kahit ganun hindi man lang niya matitigan o makausap ng kahit plastikan si Karylle.
Habang naghihintay ng matapos ang Talents ng PoGay.
"Viceral, anung trip yan?" bulong ni Billy.
"Anung trip ang pinagsasabi mo? Di kita maintindihan." bulong din nito.
"Edi yang pag-iwas mo diyan sa Kurba mo." nguso ni Billy sa direksyon ni K kung saan kasalukuyan siyang kausap ni Anne.
"Aahh--anong iwas? Siraulo ka no? Hindi ko iniiwasan si Karylle." tingin din sa direksyon ni Karylle.
"Brad lahat na lokohin mo. Huwag lang ako, huwag lang si Anne. Pati nga si Vhong napapansin niya kapag nanonood ng Showtime eh. Brad bakit ba kasi?" seryosong tanong ni Billy.
"Wala nga. Huwag kang makulit diyan." iritang sabi nito.
"Bahala ka diyan Brad. Basta, kung ano man yan ayusin niyo yan. Huwag mo naman bigyan ng stress ang soon-to-be-bride."sunud-sunod na sabi nito.
"Anu? Si--sino? Soon to be Bride?" nalilitong sabi ni Vice.
" Si Karylle. Hindi ba niya sinabi sa'yo kahapon? Oh sge maya nalang tayo dumaldal dito. Tapos na yung contestant."
"Si Karylle?? Ikakasal na si Karylle?"
May kung anong kirot na naramdaman si Vice sa narinig.
Nagpatuloy ang show na deadmahan sila ni Karylle. Ang hindi nila alam sa ginagawa nila kapwa sila nasasktan.
"Vice at K I need you at the office now." seryoso ngunit kalmadong sabi ni Direk Bobet pagpasok niya sa tambayan ng mga hosts at umalis na.
Kapwa nagkatinginan si Vice at K na animo'y takang taka sa mga pangyayari.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh."
saad ni Billy.
"What's that girl?" turan ni Anne.
"Baka gagawa ng movie ang ViceRylle." komento ni Juggy
"Wag kang Hopia diyan Jugs. Wala akong alam kung bakit kami pinapatawag ni Direk. Oh sge pupunta na kami dun at baka magalit pa yun."
sabi ni Vice at sabay alis na hindi man lang hinintay si K.
BINABASA MO ANG
ViceRylle One Shots </3
FanfictionCollection of my very own ViceRylle One shots stories! Matagal ko na tong gustong gawin to haha