Ala ala ay minsan ng nawala
Ngunit sa iyo'y hindi magsasawa
Hindi alam kung bakit ulit nagkita
Marahil ito ay itinadhana
Sana'y pagkakaibigan muling maibalik
Kahit man lang saglit
Hindi ko alam kung bakit
Pero noon tayo'y parang magkapatid
Siguro nga marami kang nakilala
Dahilan para ako'y makalimutan na
Ngunit wag mo sanang kalimutan
Na narito lang ako para sa'yo kaibigan