Chapter 11

4.6K 98 2
                                    

Dennise POV

Nagising na lang ako sa ingay sa loob ng sasakyan.

"Baldo! Gisingin mo na yang katabi mo." sabi ng kung sino. Hindi ko pa din kasi dinidilat ang mga mata ko. Teka? Nakatulog nga ako pero bakit parang hindi naman nangalay yung leeg ko. Unti unti ko namang dinilat ang mga mata ko.

"Ayan! Gising na pala ang mahal na prinsesa. Ano besh masarap ba ang tulog mo?" pambungad ni Ella na ngiting ngiti at tumataas taas pa ang dalawang kilay. Siya ang una kong nakita eh.

"Ikaw ate Den, medyo nakakahalata na kami ah. Gising ka na pero hindi mo pa din inaalis yang ulo sa balikat ni ate Aly." ngiting ngiti rin na sabi ni Jia. Kaninong balikat ulit? Katabi ko nga pala si Alyssa. God! Napabalikwas naman ako ng tayo. Kaya pala hindi ako nangalay eh. Grabe! Nakakahiya! Napatingin naman ako sa kanya.

"Sorry." sabi ko lang. Hindi naman siya nagsalita. She just shrug her shoulders and make her way out of the vehicle.

"Sabi sayo Aly matutuwa ka di ba?" natatawang sabi pa ni ate Dzi bago tuluyang makababa ng sasakyan si Alyssa.

"Yon! Nakascore na!" sigaw naman ni Gretch. Bigla na lang nagtawanan lahat ng nasa loob pa ng sasakyan.

"Mamaya na kayo magharutan tara na at sasakay pa tayo ng bangka papunta sa island." sabi naman ni ate Fille.

Bumaba naman na kami at kinuha yung mga gamit namin. Inaabot naman namin yung gamit namin kay manong na nasa bangka nang napahinto ang mga kasama ko at nagtinginan sa isang direksyon. Sinundan ko naman ang tinitignan ng mga to. Si Alyssa. Nakapagpalit na ito ng damit. She is now wearing a fitted white tank top and a three fourths sleeve red checkered polo which is folded up to her elbows. She matched it with a dark denim short shorts. She is also wearing a dark lens Rayban sunglass. Naglalakad ito papalapit sa amin.

"Besh, laway mo." siniko naman ako ni Ella at tawa ng tawa. Na-conscious naman ako kaya pinunasan ko yung bibig ko. Fudge! Pinagtitripan na naman ako nung isang yun!

"Wow! You're so hot Ly!" sigaw naman ni Amy.

"Ang sexy ate Ly!" dagdag pa ni Mich.

"Kayo naman maliit na bagay." sagot naman nito at nag smirk pa. Humangin yata to? Pero alam naman nating lahat na may ibubuga kasi. Ano ba tong sinasabi ko. Nakakahiya na talaga!

"Whoa! Nagiging makatotohanan na yata yung bagyong Baldo ah." pangangantyaw ni ate Gretch.

"Mamaya na kayo mag-asaran naghihintay na sila manong oh." sabi naman ni ate Fille.

Sumakay naman na kami sa ni-rent na bangka. After 30 minutes nakarating din kami sa island kung saan nandoon yung villa nila ate Fille. Hindi pa masyadong developed yung lugar kaya hindi pa ganun karami ang tao at malinis pa although may isang resort na dito. Pababa na ako at nililibot pa din ang tingin sa buong isla. Hindi ko naman napansin yung tinatapakan ko kaya napatid ako. Pahawak na ako sa railings nung bangka pero may humawak sa kamay ko. Nilingon ko naman ito.

"Konting ingat po." sabi nito at ngumiti. God! Yung puso ko na naman. Hindi alam kung paanong pagtibok ang gagawin. Uunahin ba mag-contract ng atrial muscle tapos susunod ang ventricular muscle o magsasabay na lang sila sa pag pump ng dugo sa katawan ko. Si Ly kasi yung humawak sa kamay ko.

"Th-thank you." ito lang ang nasabi ko at tuluyan ng bumaba ng bangka. Hindi ko alam kung ano na ang kulay ng mukha ko basta bumaba na lang ako at tumayo sa isang sulok at yumuko.

Naglakad kami papunta sa villa. Maganda at malaki yung villa nila ate Fille. May sarili din itong pool kung sakaling ayaw mo maligo sa dagat.

"Girls, bali dalawa lang yung room na pinagawa namin dito. Isa syempre yung master's tapos yung isa naman ay may 8 beds na kasya ang dalawa. Since wala naman yung asawa ko at wala akong kasama sa master's bedroom isang room na lang yung gagamitin natin para masaya." sabi ni ate Fille.

Maybe This Time (AlyDen) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon