Lihim || One Shot ||

261 7 5
                                    

Ako si Yan. Simpleng babae. Tahimik. Walang alam sa Love,NBSB ako.

"Ate Yan! Tara dito! Kausap ko ung crush ko sa telepono. Dali!"pag tawag sakin ng pinsan kong si Raya.

Lumapit ako sa kanya. Kinuha ang telepono at sinagot ito.

"Hello"

"Sino 'to?" tanong niya.

"Si Yan pinsan ni Raya . Ikaw,Sino ka? At kaano-ano mo ang pinsan ko?"

"Si Tj po ito, magkaibigan lang po kami ni Raya."sagot niya.

"Ate Yan,ibibigay ko sayo number niya ah? Para matanong mo siya tungkol sa akin,malay mo crush niya din pala ako" nakangiti niyang sabi at ibinigay sa akin ang number ni Tj.

Kinabukasan,miniscall ko lahat ng contacts sa phone ko ng biglang may nagtext.

Nagtext si Tj."Who's this po?"

Mula noon,madalas na kaming nagkakatext ni Tj. Tinatawag niya kong Ate at tinatawag ko din siyang Kuya . Ate at kuya ang naging tawagan namin.

"Ate yan,musta na? Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Tj ah?" sabi ng pinsan kong si Raya.

"Huh? Hindi ah. Wala kong gusto dun,ang yabang yabang. Feeling gwapo. At isa pa ayoko sa mahihlig sa babae" sagot ko.

Si Tj . Gwapo . Mayaman . Habulin ng mga babae. Nanalo siyang 'Crush ng bayan' sa aming school. At yun na nga,Mahilig siya sa mga babae pero usap usapang kahit kailan e hindi pa siya nagmahal.

Palagi na akong niloloadan ni Tj kahit wala akong sinasabi. Sinusulatan.Pero kahit isa sa mga sulat niya,ay wala kong nireplayan.Panay ang message niya sakin sa facebook pero ako, dedma lang.

Palagi niya akong niyayaya sa mall dahil yun lang daw ang hinihintay niya sa buong buhay niya ang makasama at mailibre sa mall, pero di ako pumapayag.

Palagi niya akong hinihintay pag uwian na para lang masundan ako hanggang sa bahay namin.

Kapag 5pm ang uwian ko at sila 12pm, makikita ko siya sa tindahan malapit sa school. Naghihintay magisa. Kahit kailan hindi ko siya pinansin.Never kaming nagusap,kundi sa text lang hanggang sa dumating ung araw na unti unti ng nahuhulog ang loob ko kay Tj,pero kahit kailan di ko yun sasabihin sa kanya.

Natatakot ako e,wala naman kasi akong nakikitang rason para mahalin niya ko.Dahil Sikat si Tj sa school, madami ng nakakaalam na may gusto sa akin si Tj. At yun ang dahilan kung bakit naging sikat ako sa school. Madaming babae ang nagbibigay sakin ng sulat at regalo.

Nagtataka nga ako kung bakit e,kasi imbis na mainis sila sakin pero heto sila nagbibigay ng sulat at gift sa akin. Yun pala kapag may lumalapit na babae kay Tj sinasabi niyang 'makipagkaibigan muna kayo kay Yan bago kayo lumapit sakin'. Dahil dun naging sikat ako sa school.

Nang malaman ni Raya ang tungkol samin ni Tj,nagalit siya sa akin.

Kinabukasan...

May natanggap akong sulat.

Sorry Ate ha? Di ko muna maitutuloy ang panliligaw ko sayo. Pero promise,1 day babalikan kita.

-Tj.

July 22..

Birthday ko . Wala akong natanggap na bati sa kanya. Nalungkot ako,umasa kasi akong babatiin niya ko, pero hindi naman pala. Sabi nga nila 'wag aasa kung walang dapat asahan' Haaay.

Lumipas ang isang linggo,may natanggap akong sulat galing sa kanya.

Ate,kalimutan mo na yung sinabi ko sayo last time ha? Belated happy birthday. Sana magustuhan mo itong gift ko sayo.It came from my heart.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lihim || One Shot ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon