At maaga ngang nagising ang lahat! Magkakatulong ang lahat sa pag-lilipat ng mga dadalhin nila sa sasakyan. Nag kape at tinapay lang sila dahil doon na lang sila kakain pag-dating sa beach.
Hindi sila natuloy sa sinasabing Laguna ni Maymay kaya sa Batanggas ang punta nila at mag o'overnight sila doon. Nakiusap si Aizan na daanan naman si Fenech sa kanila dahil isasama nya ito. Sa pagkakataong yun ay si Edward ang nagmamaneho ng van.Kisses: ate Cora ano yang sinusulat mo?
Cora: ahh, mga activity natin pag dating doon.
Maymay: wow? di ako na inform na may ganon tayo ahh.
Vivoree: ang galing mo ate, naka organized talaga lahat.
Cora: syempre naman para mas masaya, para pagdating doon e hindi tayo kanya kanyang umpokan db?
Tita Darling: That's good 'nak!
Makalipas ang mahigit 3 oras ng kulitan, asaran, kantahan at kung ano-ano pang random na ginagawa nila habang nasa sasakyan ay narating na nila ang isa sa pinaka kilalang beach sa Batanggas. Kumuha sila ng isang malaking kwarto na mayroong tatlong king size bed para sa iisang room nalang ang lahat. Busog na busog ang mga mata nila sa magandang view na nasa harap nila.
Cora: mga boys paki dala nyo na yang mga pagkain doon sa cottage no. 16.
Yong: sosyal naka cottage pa pala tayo sa labas?
Cora: aba natural! may videokehan yung kinuha namin ni Tita Darling.
Maymay: hala! Tara Kisses punta na tayo doon gusto kong kumanta.
Kisses: wait ate May I will change my outfit. Ikaw ba hindi ka ba magpapalit?
Tanong ni Kisses at saka tiningnan si Maymay mula ulo hanggang paa. Nakasuot kasi eto ng sweat shirt at naka leggings pang ibaba.
Maymay: bakit? mainit sa dagat baka mangitim ako!
Lumapit naman ang nakikinig na si Cora dito at hinarap si Maymay.
Cora: Maymay, dalaga ka na. Dapat matuto kanang ibagay ang suot mo kung saan ka pupunta. Maliligo ka ng dagat na mahaba ang suot? Hindi ba nakaka sagabal yan sayo pag kumilos?
Na curious bigla si Maymay sa sinabing yun ni Cora kaya napaupo s'ya sa kama. Tinignan nya ang suot ng mga kasama, naka panty shorts ng light brown at bra lamang itong si Cora, ganon din sina Vivoree, Fenech, Kristine ay halos paiksian ng pang ibaba ang labanan.Napadako ang tingin nya kay Kisses, naka swimsuit ito ng yellow na pinatongan nya lang ng napaka iksing maong short sa pambaba na obvious namang huhubarin nya ang short pag naligo na s'ya.Tinulak s'ya ni Kisses papasok ng banyo at iniabot dito ang isang panty shorts na itim at ang pares netong bra.
Maymay: hala! grabe bai, wala akong boobs ayokong mag suot ng bra ui!
Pasigaw ni Maymay habang tinitignan ang binigay na panligo ni Kisses. Lumapit uli si Cora at iniabot nito ang isang white robe citru.
Cora: ipang ibabaw mo yan ahh
Wala ng nagawa si Maymay. Mabilis syang nag bihis at nang matapos ay wala ng suklay-suklay pang ipinusod ng mataas ang mahaba nitong buhok kung kayat may ilang strand ng kanyang buhok ang naka harang sa mukha na dumagdag naman sa ganda nya. Napangiti s'ya habang tinitignan ang sarili sa salamin. Natigilan s'ya sa kung ano-anong ilusyon ang naiisip n'ya ng makarinig s'ya ng sunod-sunod na katok sa pinto.
YOU ARE READING
D' Big Four •MayWard💑KissYong•
Fanfic"If you're a real MayWard💑KissYong supporters, I dare you guys to read this outside PBBhouse version". Hope y'all like this😉 It's me 👸MissAmayna the Author Kindly tap d' ★ for voting. 😘😘😘